Unexpected Bride
Sa araw na dapat ay pinakamasaya sa buhay ni Roxanne, pinili niyang tumakas kaysa ikasal sa lalaking hindi niya mahal. Alam niyang magiging miserable lamang siya- tulad ng sinapit ng kanyang ina sa isang arranged marriage.
Ngunit ang pagtakas ni Roxanne ay nagbunsod ng matinding galit mula sa kanilang lolo, tanging pamilyang mayroon sila. Upang hindi mapahiya ang pamilya, nagdesisyon ang lolo na ipakasal ang nakababatang kapatid na si Cathryn kapalit ng kalayaan ni Roxanne.
walang magawa si Cathryn kundi tanggapin ang kapalaran - ang ikasal sa lalaking kinaiinisan niya si Mark, isang kilala arogante at malamig ang ugali.
Sa panig naman ni Mark, buo ang paniniwala niyang si Roxanne ang pakakasalan niya.
Ngunit sa harap ng altar, ibang babae ang humarap sa kanya - si Cathryn.
Isang kasal na hindi planado.
Isang pag - iisang dibdib na puno ng galit, sakit at tanong.
Sa gitna ng isang Unexpected Wedding, mabubuo ba ang pag- ibig sa pagitan ng dalawang taong pinilit lamang ng tadhana? O tuluyan lamang silang dudurugin ng mga lihim, galit at sugat ng nakaraan?