The Chase: The Billionaire’s Game
AteannstoriesFirst-Person POVCEOBillionaireLovers ReunionSecond Chance
The Chase: The Billionaire’s Game is the story of Celestine Vera Elsher, a woman who was forced to leave the city—and her best friend—when she was just twelve years old. Dahil sa biglaang pagkalugi ng negosyo ng kanilang pamilya, napilitan silang lumipat sa probinsya. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong magpaalam kay Percival Ford Ramirez, ang lalaking matalik niyang kaibigan—at ang tanging taong lihim na pinili ng puso niya.
Labinlimang taon ang lumipas bago muling nakabalik si Fannie sa Maynila, dala ang pag-asang makita at makausap muli si Kane. Ngunit tila yata nawala na ito sa mundo—walang may alam kung nasaan siya, kung nag-asawa na ba, o kung babalik pa ba siya kailanman.
Habang muling binubuo ni Fannie ang kanyang buhay, natanggap siya bilang sekretarya ni Mrs. Pamela Ramirez, isang kilalang businesswoman sa lungsod. Sa paglipas ng panahon, naging malapit sila sa isa’t isa—at dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, napilitan si Kristin na bumitiw sa puwesto.
Ang pumalit? Isang pangalan na matagal nang laman ng kanyang mga panalangin—Percival, ang lalaking iniwan niya nang walang paalam.
Pero ang Percival na kaharap niya ngayon ay malayo na sa Percival na naalala niya. Malamig, mailap, at punung-puno ng galit. At sa muling pagtatagpo nilang ito, mas lalo pang lilikha ng tensyon ang pagbabalik ng isang tao mula sa kanilang nakaraan—dala ang mga lihim na maaaring tuluyang sumira sa kanila.
Magagawa pa kaya ni Celestine na ipaliwanag ang kanyang naging dahilan sa biglaang paglisan? Matutunan pa kaya ni Percival na patawarin ang kaisa-isang babaeng minahal niya? At kung tuluyan na silang harapin ng nakaraan, sapat pa rin kaya ang pag-ibig... this time?