Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival
Sa loob ng limang taon, buong pusong minahal ni Bettina si Elijah. Ngunit sa mismong araw ng kasal nila ay tinalikuran siya nito dahil kay Agatha—ang babaeng ilang beses nang nagtangkang magpakamatay para makuha ang atensyon ng lalaki.
Saka lamang napagtanto ni Bettina na kahit gaano pa kalalim ang ibigay niyang pagmamahal ay hindi siya pipiliin ni Elijah. Kaya nilisan niya ang lahat at nagpasya na magsimula ng bagong buhay.
Pero hindi niya inaasahan na sa isang gabi ng kalasingan, aksidente niyang naka-one-night stand ang isang bilyonaryong lalaki at mortal na kaaway ng kapatid niya—si Evander Hudson!
Kinabukasan, dahan-dahang nagtangkang tumakas si Bettina ngunit bigo siya nang biglang may humawak sa kanyang paa at hinila pabalik.
“After everything you did to me last night, you’re really going to run away?” sabay turo sa marka sa leeg niya. “Ganyan mo ako hinalikan… and you're not even going to explain what we are now?”
Kilala si Evander na malamig at walang interest sa mga babae. Pero walang nakakaalam na matagal na niyang minamasdan nang palihim si Bettina. Simula nang mapunta ito sa kanyang bisig, hindi na niya ito pinakawalan pa.
Naglabas pa siya ng sampung bilyong piso para bilhin ang isang private island resort sa Palawan para kay Bettina.
“If you don’t want to stay in Manila, then let’s turn this place into a paradise. Just for you, Tina.”
“Akala ko Evan hindi ka interesado sa babae?”
“I’m not interested in anyone else. But you… you’re the exception.”
Pero paano kung mahulog ang puso niya kay Evander?
Ano na lang ang sasabihin ni Bettina sa kuya niya?