Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1055.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
YA/TEEN
1025.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The 13th Sign: Magical Keys Academy

The 13th Sign: Magical Keys Academy

Dew_Banlengkrit
Ang sanaysay sa nawawalang susi ni Leon Rigel Peridice. Isang makapangyarihang nilalalang na pinagkalooban ng 13 gintong susi na nagdudugtong sa mundo ng mga tao at mundo ng mga celestial spirits. Sa higit ilang taon nitong pagkawala, matatagpuan ito sa isang pangkaraniwang babae na nagngangalang Sunny Charm Athenson. Bakit napunta sa kanya ang susi? Sino nga ba si Rye Athenson? At ano ang dahilan kung bakit napakahalaga ng ikalabintatlong susi?
Fantasy
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

P.P. Jing
“Mommy, hindi mo ba kami naaalala?” - Triplets “She’s not your mother.” - Billionaire Namulat ang mga mata ni Yasmien sa isang mapang-abuso at probeng asawa na si Carding habang dinaranas ang pagkawala ng kanyang alaala. Isang gabi ay bigla na lamang may geniuses triplets na nanggulo sa kubo niya at nagtatalo-talo ang mga ito kung siya nga ba ang “Mommy” nila. Maya-maya pa'y sumulpot ang isang bilyonaryo na ito ring yumanig sa buhay niya. Ngayon ay komplikado na siya kung siya nga ba ang ina ng geniuses triplets gayong sinasabi ng bilyonaryong ama ng mga ito na hindi siya ang ina!
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Celeste: Of Beauty and Secrets

Celeste: Of Beauty and Secrets

Bimaia
Isang misteryosong lagusan ang bigla na lamang gumimbal sa tahimik na pamumuhay ng mga mamamayan sa mundo ng Albion. Nababalutan ito ng itim na mahika na nagdudulot ng matinding panganib. Dahil dito ay agad na tinipon ni Haring Qesien ang pinakamalalakas na mandirigma sa kanilang mundo. Misyon nila ang masugpo ang kadiliman, at tuluyang maisara ang lagusan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napabilang si Trese sa grupong ito. Isa lamang siya sa libo-libong mga alipin na pinagkaitan ng lakas sa mundo na punong-puno ng hiwaga at mahika. Ganoon pa man ay mayroon siyang madilim na sikretong pilit na itinatago sa iba. Ginawa ni Trese ang lahat, makasama lamang ang lalaking itinitibok ng kaniyang damdamin. Ngunit handa ba niyang isakripisyo ang mga mabibigat na tungkulin para lamang sa inaasam na kaligayahan? O babalik siya sa tunay niyang katauhan?
Fantasy
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
His Heir, My Son

His Heir, My Son

Calixto Cortez III
Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Mischievous Wife

The Billionaire's Mischievous Wife

Mulat si Kristine sa buhay probinsya dahil magmula noong maghiwalay ang kanyang mga magulang ay kinuha siya ng kanyang ama at dinala sa probinsya upang doon manirahan. Sabik siya sa pagmamahal ng isang ina, kaya nang magkataong kailangan ng kanyang ina ang tulong niya, ay kaagad itong pumayag para lamang makapiling ito kahit na labag man sa kagustuhan ng ama. Lahat ay gagawin niya alang-alang sa gustong mangyari ng ina, ngunit hindi niya inaasahang ang tulong na hinihingi ng ina niya ang siyang makakapagpabago sa mga dati niyang nakagawian at buong katauhan.
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Nuestro Amore ( Our Love)

Nuestro Amore ( Our Love)

MsDayDreamer99
" Kapag nasa kakahuyan ka na, tumakbo ka lang. Huwag kang hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala na sa kanyang mga mata nang bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso habang naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng siniil siya ng binata ng matamis na halik. Ninamnam niya ang nitong labi. Tahimik niyang naipanalangin na hindi na matapos ang halik na iyon kahit na alam niyang impossible. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso ng binata. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan. Umaalingawngaw di ang kanilang mga boses.   " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang bangka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang napagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 
Mystery/Thriller
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status