Illicit Affair With My Billionaire Cousin
Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya?
Matagal nang lihim na minamahal ni Jenna Levanier ang kaklase niyang si Yves Roize—ang lalaking laging nagaalaga at nagtatanggol sa kanya mula pagkabata. Hindi alam ni Jenna, matagal na rin pala siyang tinitibok ng puso nito. At nang sa wakas ay umamin sila sa isa’t isa, parang handa na ang mundo para sa kanilang unang pag-ibig.
Hanggang dumating ang tawag na nagpabago ng lahat.
Napilitang lumayo si Yves nang walang paliwanag. Iniwasan niya si Jenna, iniwan ang pangako, at iniwang nakabitin ang isang pag-ibig na kakasimula pa lamang. Sa sakit ng biglaang paglayo, napuno ng pagdududa si Jenna—totoo ba ang sinabi niya? O sinubukan lang siyang mahalin saglit?
Pagkalipas ng mga taon, muling nagkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon—sa reunion ng Altrius Academy. Doon niya muling nasulyapan ang binatang minahal niya noon… ngunit sa pagkakataong ito, hawak-hawak na ni Yves ang isang lihim na magbubura sa lahat ng akala niya.
At habang sinusubukan niyang manatiling tama at matatag, hindi niya maiiwasang ipaglaban ang damdaming inilibing niya noon—damdaming bawal na, mapanganib, at imposibleng ipaglaban:
ang Illicit Affair sa kaniyang bilyonaryong pinsan.