The Don's Exclusive Masseuse
Sa tabi niyon ay ang isang maliit na lamesa na marahil ay patungan ng mga gamit ng kliyente.
Sa kabilang banda ay nandoon ang higaan na pagdadapaan ng kliyente, kulay puti at hindi ko mawari ang kakaibang kumot na andoon. Alam kong wala sa Pilipinas niyon kaya sigurado rin akong bilyones ang halaga nito.
Mayroon din sila ng tinatawag na Smart Ambient Control Panel na nasa may gilid lang ng pinto, ito ay isang controller para sa lakas ng aircon, music, at tapang ng liwanag mula sa ilaw.