Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Daddy

My Billionaire Daddy

Matapos ma-frame ng kanyang boyfriend at matalik na kaibigan, si Jennica ay nagpalipas ng gabi kasama ang isang misteryosong estranghero. Lubusan siyang nag-enjoy sa hindi inaasahang pagkikita, ngunit nang magising siya kinaumagahan, hindi niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa kanyang ginawa. Ang lahat ng kanyang kasalanan, gayunpaman, ay nahugasan nang makita niya ang mukha ng lalaki na nakahiga sa kanyang tabi. “He’s... handsome,” bulong niya, napanganga sa nakikita. Ang kanyang pagkakasala ay mabilis na napalitan ng kahihiyan, at ito ang nagtulak sa kanya na iwanan ang lalaki ng kaunting pera bago siya umalis. Nagulat si Darf. ‘Ang babaeng sinubukang bayaran ako? Parang baliw?’ naisip niya, na-offend. "Tanungin mo ang manager ng hotel para sa CCTV record," maawtoridad na utos niya sa kanyang assistant, na kumunot ang kanyang mga kilay. May determinadong ekspresyon sa mukha niya. "Gusto kong malaman kung sino ang nasa kwarto ko kagabi." ‘At kapag nahanap ko na ang babaeng iyon, tuturuan ko siya ng leksyon!’ Saan kaya pupunta ang kanilang kuwento?
Romance
8.716.6K viewsOngoing
Read
Add to library
CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

CLAIMED BY THE HOT GOVERNOR

Nang mawalan ng trabaho si Cordelia o Cordie, ang huling inaasahan niya ay mapunta sa loob ng marangyang mundo ng pinakamakapangyarihang lalaki sa probinsya. Sa rekomendasyon ng kanyang tiyahin, tinanggap niya ang trabaho bilang nanny ng anak ng malamig at istriktong Gobernador—si Cassian Romano. Tahimik, malayo ang loob, at palaging may distansya—iyon ang Gobernador sa mata ng lahat. Ngunit may lihim ang Gobernador. Matagal na palang nakatago sa puso ni Cassian ang damdaming pilit niyang nilalabanan. Bata pa si Cordie noon nang una niya itong makilala, at bilang isang ama at politiko, natutunan niyang itago ang atraksiyong iyon sa ilalim ng yelo ng kanyang katauhan. Ngunit ngayong magkasama na sila sa iisang bubong, kasama ang anak niyang unti-unting minamahal ni Cordie, lumalabo ang mga linyang dati niyang malinaw na naiguhit. Ang bawat ngiti nito, bawat titig, ay nagbabalik ng damdaming pilit niyang nililibing. Si Cassian ay isang duwag pagdating sa pag—ibig pero hanggang kailan niya kakayaning pigilan ang babaeng matagal na niyang minamahal nang palihim?
Romance
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Forgotten Wife of Gavincci

The Forgotten Wife of Gavincci

Serene Santelle
Nagising si Kayla sa isang pamilyar na silid na matagal na niyang tinakasan. Isang huling misyon ang natanggap niya na hindi kayang tanggihan. Isang daang dolyar, ang kan'yang kalayaan, at kaligtasan ng anak kapalit ng ulo ni Leandro Gavincci. Paano kung malaman niya na ang Gavincci na tinutukoy ay ang ama ng kan'yang anak? Makakaya ba niyang isantabi ang galit at poot para sa kapakanan ng anak? Ngunit paano kung sa gitna ng misyon ay umusbong ang pag-ibig na matagal ng inilista sa tubig? Magagawa pa bang talikuran ni Kayla ang misyon sa kabila ng mga sekretong mabubunyag?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Hindi aakalain na muling magkukrus ang landas nila Seraphim Anastasia Arandia at Philip Kahili Callari ngayong tinatago ng babae ang tatlong anak ng bilyonaryong lider ng isang malaking ilegal na organisayon. Alam ni Seraphim na isang malaking pagkakamali na itago ang mga anak nito ngunit anong magagawa niya kung mas masaya ito sa piling ng unang pag-ibig nito? Pero parang pinaglalaruan talaga sila ng tadhana ngayong nagkita ulit sila, mabigyan kaya ng hustisya ang naudlot niyang seksuwal— este pag-ibig sa lalaki? O mas lalo lamang ipapamukha sa kaniya ng tadhana na hindi talaga sila para sa isa’t-isa?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Romance
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER

The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER

Tinakasan ni Valeen Alicia Flores ang plano ng ama niya na ipakasal siya sa anak ng matalik nitong kaibigan. Matagal ng may gusto sa kanya si Allan pero hindi niya ito gusto kaya lumayas siya at napadpad sa Maynila sa tulong ng dating yaya niya. Nakapasok siya sa isang malaking kumpanya at nakilala niya ang kaibigan ng amo niya na si Anton Drake Samaniego. Isang gwapo, batang bilyonaryo, mayabang, arogante at higit sa lahat galit sa pangit. Balatkayo lang ang lahat para makapagtago si Valeen dahil sa likod ng pangit na mukhang yun ay nagtatago ang isang dalagang kaakit akit at gumulo sa mundo ni Drake. May pag-asa bang magkaroon ng happy ending ang kwento ni Valeen at ng Bully niyang lover?
Romance
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
BAD ROMANCE, SWEET VENGEANCE

BAD ROMANCE, SWEET VENGEANCE

All she dream of is to marry a man she loves, and to build a complete family with that man. Ngunit sa araw ng pinapangarap na kasal, hindi niya alam na mababago ang lahat. Sinira ng babaeng minsan na niyang pinagselosan ang araw na matagal nilang pinaghandaan, at nabunyag ang kataksilan ng lalaking sana ay siya niyang makatutuwang sa buhay. Alam ni Caroline ang pakiramdam na maging unwanted child, dahil siya mismo, naranasan iyon. Kaya nang sabihin ng babaeng iyon na ipinagbubuntis nito ang bunga ng kataksilan ng nobyo niya—itinigil niya ang kasal. Pirma na lang sana ang kulang. Pipirma na lang sana si Jordan… Pero luhaan niyang nilisan ang lugar. Ipinaubaya niya ang lalaking minamahal, at nagpakalango siya sa alak. Para lang magising sa estrangherong lugar, at mabuntis ng estrangherong iniligtas niya sa inaakalang pagpapatiwakal. Sino nga ba ang ama ng dalawang supling na naging bunga ng isang gabing pagpapakalunoy niya sa kabiguan, na nag-take advantage sa kaniyang kalasingan? Darating pa kaya ang panahong may maipakilala siyang ama sa kambal na naging bunga ng isang gabing kapabayaan, gayong ni hindi niya maalala ang pagmumukha ng lalaking iyon?
Romance
1010.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweet Lie To A Billionaire

Sweet Lie To A Billionaire

Daylan
Dahil sa kahihiyang inabot ng mga magulang ni Thea sa gabi ng engagement nila ni Neil ay itinakwil at itinapon siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Five years later, nagbalik siya sa Pilipinas na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya at kasama niya ang kambal niyang anak na naging bunga ng isang gabing pagkakamali niya. Nang makita ni Thea na kamukha ng isa sa kanyang fraternal twin ang CEO ng pinagtatrabahuhan niyang hotel na si Nathan Oxford ay gumawa siya ng kasinungalingan. Lakas-loob na ipinakilala niya sa binata ang kanyang mga anak at sinabing ito ang ama ng kambal niya. Dahil do'n ay pumasok sila ni Nathan sa isang contract marriage na sa kalaunan ay naging totohanan na. Ngunit paano kung malaman ni Nathan na nagsinungaling lamang siya rito para magamit niya ang koneksiyon nito sa paghihiganti niya sa mga taong nakagawa sa kanya ng malaking kasalanan? At paano rin kung malaman niya na si Nathan ay ang kinamumuhian niyang lalaki na naka-one-night-stand niya at naging dahilan kung bakit siya itinakwil ng kanyang mga magulang?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status