Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Twin Mistake with Mr. CEO

The Twin Mistake with Mr. CEO

Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne Miguel Ventura, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa at nobyo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ang problema nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa dahilan upang itakwil siya ng kanyang ama dahil hindi niya masabi dito kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Tumakas at nagtago si Rebecca kasama ng lihim na pilit niyang itinatago tungkol sa tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang mahigit anim na taon, muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne ngunit sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanya daliri. Kaya ba niyang tumakas at magtagong muli sa pangalawang pagkakataon?
Romance
10127.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Redemption

Love Redemption

Isang gabi ng pagkakamali ang nag-ugnay sa dalawang magkaibang mundo. Si Jade, isang simpleng babae ay biktima ng paninira at kasinungalingan. Si Luther, isang makapangyarihang tagapagmana, napilitan sa isang kasalang walang pagmamahal para iligtas ang dangal ng kanilang pamilya. Dalawang estranghero, na pinagbuklod ng tadhana ngunit hindi ng pag-ibig. Sa kabila ng galit at lihim na bumabalot sa kanilang pagsasama, unti-unting lumitaw ang damdaming hindi nila inaasahan. Mananatili kaya ang kanilang kasal bilang isang malamig na kasunduan o magbabago ito tungo sa isang mas malalim na ugnayan? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga kasinungalingan, galit, at pride na humahadlang sa kanila? O nakatakda na silang manatiling bilanggo ng isang buhay na hindi nila pinili?
Romance
10413 viewsOngoing
Read
Add to library
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
Romance
613 viewsOngoing
Read
Add to library
UNEXPECTEDLY "YOU"

UNEXPECTEDLY "YOU"

Nabuntis ng hindi kilalang lalaki si Bryanne at dahil sa takot sa kanyang pamilya ay nagpasya siyang magpakalayo-layo. Apat na taon ang matuling lumipas, nakilala niya ang bagong CEO ng kompanyang kanyang pinagta-trabahu-an, si Roman Contreras. G'wapo sana pero antipatiko kaya hindi sila magkasundo ng lalaki hanggang sa isang araw ay bigla siya nitong alukin ng kasal. A contract marriage to be exact. Roman wants to get rid of his ex-girlfriend and Bry needs a huge amount of money para sa operasyon ng kanyang anak. Saan sila dadalhin ng relasyong nagsimula lamang sa matinding pangangailangan?
Romance
672 viewsOngoing
Read
Add to library
My husband is a Billion-Dollar

My husband is a Billion-Dollar

Minsan na silang nagmahalan, pero biglang nawala si Jazeah, iniwan si Raven nang walang paliwanag. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya—hindi para humingi ng tawad, kundi para mag-alok ng kasal kapalit ng isang milyon. Kailangan niyang magpakasal para makuha ang mana ng kanyang lola at iligtas ang kanilang kompanya. Pero hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya noon ay hindi na mahirap. Siya na ngayon ang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa—at hindi niya basta-basta tatanggapin ang kasunduan nang hindi siya nito napaglalaruan muna.
Romance
1018.3K viewsOngoing
Read
Add to library
She Married the Cold-Hearted CEO

She Married the Cold-Hearted CEO

Umaasang aalukin si Maliah ng boyfriend niyang si Jacob ng kasal. Nagplano na siya para sa kanilang kinabukasan. Pero ang lahat ng 'yon ay nasira nang sumapit ang kaniyang kaarawan. Nahuli niya sa aktong nakikipagtalik ito at sa mismong best friend pa niya. She want to move on, kahit masakit ay pilit niya kinalimutan ang manlolokong nobyo at kaibigan. Upang makalimot ay kailangan niya ng new environment. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil magpahanggang sa trabaho ay sinusundan siya ng ahas. Suddenly, nakilala niya ang guwapong lalaki ngunit sa maling lugar. Nasermunan siya nito sa loob ng restroom. Sa kasamaang palad, ito rin pala ang magliligtas sa kaniya at ang pinapangarap niyang kasal at aalukin siya ng kasal. Tuluyan na ba siyang makalimot sa una niyang pag-ibig sa oras na pakasalan niya ang lalaking hindi pa lubusang kilala, o panibagong pagdurusa ang danasin sa piling ng cold-hearted na CEO? Paano kung huli na nang malaman niyang tito ito ng ex-boyfriend niya?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Isang Gabing Pagsasalo

Isang Gabing Pagsasalo

Si Beatrix Del Rosario ang bunsong anak ng mga Del Rosario. Pitong taon na itong kasal kay Miggy Sandoval ngunit dahil sa hindi niya mabigyan ng anak ang kanyang asawa ay nagawa nitong mangaliwa sa kanyang pinsan at gusto siyang hiwalayan. Dala ng sakit ay nagpakalasing siya at nagawa pang humila ng isang lalaki sa hotel para lamang mapawi ang sakit na nararamdaman. Paggising sa umaga ay ni ayaw niyang makilala ang lalaking nakasiping at tanging ang tattoo lamang nito sa likod ang kanyang naaalala. Sinubukan niyang kalimutan iyon at ipokus ang sarili sa kumpanya lalo pa't malapit na silang matalo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kinasuklaman sa taglay na kahambogan at isa ang lalaki sa suspect niya sa pagkamatay ng kanyang pamilya. Ngunit paano kung magbunga ng kambal ang isang gabing dala ng kalasingan? At paano kung makita niya ang tattoo sa likod mismo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kaaway? At paano siya magiging masaya nang tuluyan kung nakatali pa siya sa dati niyang asawa?
Romance
10392.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Brother-In-Law Is My Fake Husband

My Brother-In-Law Is My Fake Husband

TheInvisibleMind
Hindi maalala ni Angela ang kaniyang nakaraan dahil sa isang aksidente. Pero madalas siyang dalawin ng mga masasamang panaginip kung saan binubugbog daw siya ng isang lalaki dahil sa labis na selos. Mabuti na lang tuwing gigising siya ay niyayakap siya ng kaniyang asawang si Kyle, at sinasabi nitong isang bangungot lang ’yon, walang katotohanan, at lalong hindi parte ng kaniyang naburang alaala. Kaya lang pakiramdam ni Angela minsan ay ayaw sa kaniya ng kaniyang asawa at parang hindi siya nito mahal, lalo na't madalas siya nitong iwan sa Mindoro dahil madalas itong pumunta ng Maynila para sa negosyo raw nito na hindi naman niya alam kung ano. Kaya minsan ay naiisip na lang niya na baka may babae itong tinatago sa kaniya at iyon ang pinupuntahan nito sa Maynila. Kaya naman para malaman ang madalas na pag-iwan sa kaniya ng asawa ay gumawa siya ng paraan. Sinundan niya ito sa Maynila nang hindi nito alam. Ngunit paano kung sa pagdating niya ng Maynila ay doon na mag-uumpisang bumalik ang lahat ng kaniyang mga naburang alaala, at malalaman ang mga sekretong pilit na itinatago ng kaniyang asawa? At paano kung malaman niya na lang na hindi pala siya tunay na asawa ng kaniyang pinaniwalaang asawa, but his brother’s wife?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE WIDOWER'S FIRST LOVE

THE WIDOWER'S FIRST LOVE

Bb.Taklesa
Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

Magic Heart
Sa araw ng kaniyang kasal, biglang nawala si Carie at kinalaunan ay idineklarang patay. Subalit paglipas ng dalawang taon, muli siyang magbabalik na mas mayaman, mas malakas, at mas matapang dahil asawa na siya ng bilyonaryo na kinatatakutan ng lahat. Buo ang isip niyang pagbayarin ang mga taong umapi sa kaniya at bawiin ang lalaking dapat sana ay pinakasalan niya, subalit hindi madali iyon dahil sarili niyang pamilya ang kaniyang kalaban. Kahit binabalot ng galit at paghihiganti ang puso ni Carie, isang lalaki ang mananatili sa kaniyang tabi- si Leon. Leon Marquez- ang lalaking pinagkakatiwalaan ng pinakamayamang pamilya sa buong Asya. Isusugal niya ang buong buhay at trabaho alang-alang sa babaeng humihingi ng kaniyang tulong. Magpapanggap siyang mister ng asawa ng kaniyang amo habang nagtatago ito, ngunit hindi sinasadyang iibig siya kay Carrie. Gamit ang taglay na karisma, gwapong mukha, at mala-adonis na katawan; aakitin niya ang misis ng kaniyang boss. Ngunit hindi sapat ang pagmamahal niya sa mapanlinlang na tadhana. Baon ang sakit sa inaakalang kataksilan, lalayo si Carie at kamumuhian din siya nito. Hanggang sa magtagpo ang landas ni Leon at ng isang batang lalaki. Tatawagin siya nitong daddy. Matanggap kaya ni Leon ang anak na hindi niya nakikilala? Magawa kaya niyang ipaglalaban ang kaniyang mag-ina kung ang tingin ng iba ay isa lamang siyang NOBODY?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status