Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Behind the CEO’s Scandalous Marriage

Warning: SPG May mga nilalaman na hindi angkop sa mga bata. *** Hindi niya pinili ang kasal. At hindi niya dapat pinagnasahan ang lalaki. Nang malaman ni Althea De Fuego na ipapakasal siya sa isang makapangyarihang CEO upang iligtas ang kanyang pamilya, isang gabi lang ang hiniling niya. Isang gabing wala siyang obligasyon, wala siyang pangalan, at wala siyang kinabukasan na iniisip. Isang gabi. Isang pagkakamali. Ngunit natuklasan niya ang katotohanan. Ang lalaking nakasama niya ay si Anderson Velasco - ang lalaking konektado sa kapangyarihang kumokontrol sa buhay niya, ang lalaking nakatayo sa maling panig ng kanyang kasal, at ang lalaking hindi niya dapat kailanman hinawakan. Sa loob ng isang mansyong itinayo sa mga kontrata, katahimikan, at kontrol, ang pagnanasa ay nagiging kasalanan. Bawat tingin ay binabantayan. Bawat hakbang ay sinusukat. Habang hinihigpitan ng kanyang mapapangasawa ang hawak sa kanya, pilit namang nilalabanan ni Anderson ang damdaming maaaring sumira sa kanilang dalawa. Ngunit kapag may lihim na kumalat, may pagtataksil ring mamabunyag, at ang araw ng kasal ay nauwi sa kaguluhan. Sa mundong ang kasal ay kasunduan at ang katahimikan ay paraan ng kaligtasan. Hanggang saan siya lalaban upang bawiin ang sarili at paano kung ang lalaking gusto niya ay ang lalaking hindi niya maaaring piliin? Paano itatago ang pagnanasang hindi na kayang pigilan?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
BEHIND THE UNREQUITED LOVE

BEHIND THE UNREQUITED LOVE

GabYsaDen20
Athena Jade Calderon, girlfriend of Gabriel Venturri, who died seven years ago for unreasonably cause of death. She was abused and gang raped by gangsters. She was able to survived in that rape incident but the marks of abused haunted her every night. She got her justice when the suspects were sentenced in life imprisonment. After that incident, Athena lost everything, her pride, dignity, and even her obsessed love for Emmerson Rafique. The love that she's fighting for, but the reason now living a hell of misery. Only Gabriel Venturri and Ysabelle Fernandez who were there besides her giving love and moral support. But Emmerson leaving her behind just to avoid the scandal. Out of depression, Athena committed suicide because she wanted to end the pain and sufferings. When Athena died, Gabriel Venturri, her devoted boyfriend, almost lost his senses. Out of love and hatred, he wanted to take revenge against Emmerson Rafique by all means. When Arthur James Fernandez, his mentor and guardian, died in a car accident, Gabriel inherited the family business and become the guardian of his cousin, Ysabelle. Finally, knowing the whereabouts of Emmerson Rafique, in Tagaytay Elite Club, as one of the powerful members there. With the help of Brandt James Salvatierra, his business partner, was his great edge to meet and encounter with Albie Salvatierra, the owner of Tagaytay Elite Club. Through their powerful partnership, it's an easy access to the real target. With the help of Ysabelle Fernandez and Dennise Althea Salcedo, his plans for revenge against Emmerson Rafique was successful but became complicated afterwards. So, he must be facing the consequences of all his actions and wrong decisions. Would he be ready to face LOVE again at the most unexpected moment? With the least woman, that he could felt love and desires.
Romance
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Sold to the Billionaire Heir

Sold to the Billionaire Heir

Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa likod ng karangyaan, isa siyang bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, masunurin, at laging isinasantabi ang sariling damdamin. Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang lahat. Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya at sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa makapangyarihang Wang family, isang lihim na kasunduan ang isinagawa. Isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta si Calista bilang isang “regalo” sa kaarawan ng lalaking minsan na niyang nakita sa Shanghai—ang malamig at misteryosong billionaire heir ng Monaco, si Marcus Romanov. Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Ngunit kahit pilitin niyang limutin, hindi niya maalis sa isip ang gabing pinagsaluhan nila. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan. Hindi nila namamalayan, unti-unti silang nahuhulog sa isa’t isa—isang damdaming isinilang sa gitna ng kapangyarihan, katahimikan, at mga lihim na pilit itinatago. Ngunit may isang lalaking hindi handang bumitaw. Si Lixin Wang, ang mayamang Chinese heir at lalaking itinakdang pakasalan si Calista, ay handang ipaglaban ang paniniwalang pag-aari niya ito—kahit sa pamamagitan ng takot at kapangyarihan. Sa pagitan ng tradisyon at pag-ibig, obligasyon at kalayaan, kailangang pumili ni Calista: manatiling babaeng isinuko ng pamilya, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
Romance
272 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire Who Watched me Die

The Billionaire Who Watched me Die

Sa loob ng limang taon ng kasal, buong puso at kaluluwa na ibinigay ni Theariza Huston ang sarili upang maging karapat-dapat na asawa ng makapangyarihang si Alexander Huston. Tiniis niya ang malamig na tingin ng pamilya nito, ang mga bulong sa likod ng kanyang likod, at ang sakit ng paulit-ulit na tanong—“Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang anak?” Araw-araw niyang pinilit maging perpektong asawa. Nagdasal. Umiyak nang palihim. Umasa na balang araw ay muli siyang titingnan ng kanyang asawa tulad ng dati—na may pagmamahal. Ngunit habang lumilipas ang mga taon, unti-unting naging malamig ang lalaking minsang nangakong siya lamang ang mamahalin. Hanggang dumating ang araw na tuluyan siyang sinukuan. Sa utos ng pamilya Huston, napilitan siyang tanggapin ang isang surrogate mother—ang perpektong si Althea Montoya. Maganda. Elegante. At may kakayahang ibigay ang tagapagmanang hindi niya kayang ibigay. Ngunit ang babaeng iyon ang naging simula ng kanyang pinakamadilim na bangungot. Sa kanyang unang buhay, ninakaw sa kanya ang lahat—ang kanyang dignidad, ang kanyang asawa, at maging ang kanyang karapatan bilang legal na asawa. At sa huli, pinatay siya ng mismong mga taong pinili niyang mahalin at pagkatiwalaan. Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang kwento. Nagising siyang muli… sa nakaraan. Sa kanyang ikalawang buhay, sinubukan niyang baguhin ang kapalaran. Naging maingat siya. Lumayo. Nanahimik. Ngunit kahit anong gawin niya, tila nakatakda pa rin ang kanyang kamatayan. Muli siyang pinatay. Ngayon, sa kanyang ikatlong buhay, bumalik siya na may dalang galit, alaala, at katotohanan. Hindi na siya ang mahina at umiiyak na babae na umaasa sa pagmamahal ng isang lalaking hindi marunong magmahal. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magmamakaawa. Gaganti siya. Makakamit nga ba niya ang paghihiganting matagal niyang inaasam? O ang kanyang ikatlong buhay ang magiging huling pagkakataon para sa isang pagmamahal na matagal na niyang inilibing?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status