Just Like Cloud By Billionaire
Sa mundo kung saan ang pangalan ay mas mahalaga kaysa pagkatao, natutunan kong magsuot ng maskara.
Isang gabing nagkunwari akong kabilang sa mga mayayaman—hindi para manglamang, kundi para maranasan kahit saglit ang buhay na hindi kailanman naging akin. Ngunit sa gabing iyon, nakilala ko siya—si Jayden Ryan Fendi.
Akala ko sandali lang ang lahat. Isang pagkakamali. Isang lihim. Isang hiya na lilipas din.
Pero ang mga ulap ay hindi lang basta naglalaho. May mga bagyong kasunod.
Nang mabunyag ang katotohanan, hindi lang reputasyon ko ang nawala—kundi ang tahanang tinawag kong pamilya, at ang pusong hindi ko sinasadyang ibigay.
At habang unti-unti akong nawawala sa mundo niya, may mga lihim din pala siyang itinatago.
Hindi pala ako ang unang nagsinungaling.