Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
Romance
101.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pagbabayad sa Maling Akala

Pagbabayad sa Maling Akala

Ang bunsong anak ko, na pitong taong gulang palang, ay natuklaw ng ahas. Dinala ko siya sa ospital ng aking panganay na anak para ipagamot. Sa hindi inaasahan, inakala ng girlfriend ng aking panganay na anak na ako ay kanyang kabit. Hindi lang niya pinipigilan ang mga medical staff sa pagpapagamot sa bunso kong anank, kundi sinampal niya pa ako. "Perfect match kami ng boyfriend ko. Ang kapal ng mukha mo para dalhin ang hindi mo tunay na anak dito para hamunin ako!" Idiniin niya ako sa sahig habang hinahampas at sinasaktan niya ako. Sumigaw pa siya, "Ang isang malandi na tulad mo ay titigil lang sa pang-aakit sa iba kapag hindi mo na kaya!" Binuugbog ako, maraming pasa, at duguan habang dinadala ako sa emergency room. Ang aking panganay na anak ang humahawak sa operasyon. Nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak sa kanyang scalpel, at mukha siyang mapula. "Sino ang gumawa nito sa iyo, Ma?"
Baca
Tambahkan
Played by Mafia & Billionaire

Played by Mafia & Billionaire

"Sa akin siya! Ako ang asawa niya kaya hindi mo siya puwedeng angkinin. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya maagaw sa akin!" "Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Oo. Mag-asawa nga kayo pero ginamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Ngayong nakuha mo na ang pakay mo sa kaniya, hindi mo na siya kailangan. Doon ka na lang sa kabit mo. huwag mo na kaming guluhin ni Derie May!" "At paano ka naman nakasigurado na ginamit ko lang siya? kailan ka pa naging tsismoso? Mahal ko ang asawa ko kaya babawiin ko siya sa 'yo sa kahit na anong paraan. Huwag mong angkinin ang hindi sa 'yo, Bryce. Huwag mo akong subukan!" Parehong matapang at walang gusto na magpatalo sa dalawang lalaki na ang pinag-aagawan ay ang isang babae. Isang inosenteng babae na naipit sa gulo ng pamilyang Avendaño at Vicente. Parehong nagkagusto si Stefano at Bryce kay Derie May at halos magpatayan na para sa pag-ibig nila rito. Ang hindi nila alam ay habang nagpapatayan sila ay tumakas naman si Derie May para makalayo sa kanilang dalawa. "Pareho lang kayong manggagamit! Mga mapagsamantala! inabuso niyo ang pagiging inosente ko. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isa man sa inyo."
Romance
1031.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
CINDERELLA FOR RENT!

CINDERELLA FOR RENT!

Paano kung isang araw ay may isang estranghero na bigla na lamang mag-alok sa iyo ng kasal? Handa ka bang tanggapin ang mapusok na alok nito, o mas pipiliin mong tanggihan? Halina't tunghayan at alamin kung papaano mababago ang buhay ni Gelay De Castro sa alok ni Hadi Sandoval? *** Lumaki na hirap sa buhay ang dalagang si Gelay, simula nang pumanaw ang kanyang ama ay siya na rin ang umako sa responsibilidad na naiwan nito sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging panganay na anak ay ginampanan na rin niya ang pagiging Padre de pamilya para sa kanyang Nanay Myrna at dalawang nakababata pang kapatid. Wala siyang pinipiling pasukan na trabaho, basta ba't legal at marangal ay wala iyong problema sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Hadi Sandoval—ang lalaking malamig pa sa yelo kung makitungo sa kapwa tao. Sa hindi malamang dahilan, inis para sa isa't-isa agad ang kanilang naramdaman simula noong unang magkita. They also both wish not to see each other anymore…ngunit tunay na mapaglaro nga naman ang tadhana. Dahil itinakda ng pagkakataon na muli silang magkita… sa pagkakataon ito ay inalok siya ng kasal ng Binata. A marriage for inconvenience. Pakakasal siya kay Hadi, kapalit ng malaking halaga. Tanggapin kaya ni Gelay ang alok na maging Cinderella for Rent?
Romance
109.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

P.P. Jing
“Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin. “Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!" “Huwag mong idamay ang bata, Jett! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gia ang magpapalaki sa kanya!" "Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga luha ko sa sakit. "Gusto mo ba talaga akong durugin nang buong-buo, Carcel? Hindi ba sapat na niloloko mo ako para sa kapatid ko na 'yon at sa anak niya, tapos ngayon gusto mo pang ipanganak ko ang anak natin para kayo na mag-alaga?!" "J-Jett, minahal kita. Pero si Gia na ang mas matimbang sa akin ngayon kaya---" "Kaya nga ipapa-abort ko na lang ang nasa sinapupunan ko! Para tuluyan nang maputol ang koneksyon ko sa'yo!" umiiyak kong sigaw at tumalikod. "No, Jett! Hindi ako papayag na may gawin kang masama sa bata!!" Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada para tumawid sa takot na mahabol niya pa ako. "NOOO!! JEEETTT!!!" Subalit nanigas ako sa kinatatayuan nang may isang malaking truck ang malakas na bumusina. Nabulag ako ng ilaw niyon ngunit alam kong nasa harapan ko na ito. Sa pagkabigla ay pawang hinihintay ko na lamang na bumangga sa katawan ko ang truck. "JETT!!" mabilis akong tumilapon sa malamig na semento dahil sa kamay na tumulak sa akin, hindi ako ang nabangga ng truck.  Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Carcel na gumulong-gulong sa kalsada kasabay nang pagkalat ng kanyang dugo. "CARCEL!!!" Na-comatose si Carcel sa loob ng limang taon, at nagising siyang may-amnesia. Nakalimutan niya si Gia, at ang pagmamahal sa akin lamang ang naaalala. Ngayon ay umaakto siyang parang hindi siya nagloko at halos magmakaawa sa akin na mahalin ko siyang muli kasama ng four-year-old naming anak na babae.
Romance
8.54.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Ex Boyfriend Is CEO

My Ex Boyfriend Is CEO

Minami
Kinakabahan na pumunta si Quena papuntang school dahil hindi niya alam kung anong magiging reaction ng kanynag boyfriend na si Thom, sari sari ang kanyang nararamdaman masaya at nadismaya dahil paano nalang kundi matanggap ang pagbubuntis niya, kahapon lang niya nalaman dahil abala siya at ngayon 2 weeks na siyang buntis. Nang nasa harap na siya ng classroom ay excited siya at napansin din niyang subrang tahimik sa loob at nakasirado ang pinto. Kaya naisipan namna niya itong buksan at ng pagbukas nito ay hindi siya makahinga at nagbabagsakan ang mga luha hindi niya akalain na magagawa ito ng boyfriend at kapatid at mga kaibigan niya. "Anong ibig sabihin nito?" kaya napahinto naman sa paghahalikan ang boyfriend niya. "You're here!" he said smiling as if nothing had happened. "Thom pinagkatiwalaan kita pero ito ang gagawin mo sa akin!" iyak na sabi ni Quena. "At ikaw naman ate paano mo nagawa ito sa akin!" iyak parin na tanong ni Quena. Kayong lahat classmate at kaibigan ko kayo pero bakit niyo ako ginaganito!" iyak na sigaw ko bago lumabas ang sakit sakit lang isipin na akala mo siya na pero nagkamali lang pala ako.
Romance
3.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
He Doesn't Want To Share

He Doesn't Want To Share

Marami ang nagkagusto at nahumaling sa akin pero nag-iisang lang si Regan Gelmore sa kakaiba at syempre sobrang gwapo nito at kahit masama ang ugali niya at laging high blood ay hindi ko siya magawang balewalain, lalo pa kapag nadidikit ako sa kanya pakiramdam ko gusto ko nang ihubad lahat ng suot ko. Dahil ang galing lang naman niya sa kama at ang away namin na laging nauuwi sa isang mainit na tagpo.
Romance
10816 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
DADDY ADONIS (SPG)

DADDY ADONIS (SPG)

Nagising si Atasha sa hindi pamilyar na kwarto. Her head was spinning and her body was sore down there tanda ng isang gabing pakikipagniig sa isang estranghero kapalit ng salapi na ibabayad sa kanya na kukunin naman ng walang puso niyang ina ngunit laking gulat niya ng mag krus ulit ang landas nila sa mismong kasal ng nanay niya. Wala siyang ka-alam-alam na ang customer niya kagabi sa ginanap na stag party na pinag raketan niya ay ang lalaking pakakasalan ngayon ng nanay niya na walang iba kundi si Adonis Salcedo. Sa araw ng kasal ng mga ito ay nagkubli si Atasha sa hardin ng mga Salcedo dahil sa labis na lungkot at pagkabalisa ngunit hinanap siya ni Adonis at muling ipinaalala sa kanya ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila. “Wag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin kay mommy ang nangyari sa atin, kaya mas mabuti pang kalimutan mo na,” “Kalimutan? Paano ko magagawang kalimutan ang gabing iyon, kung ibinigay mo sa akin ang lahat, Atasha? Ni-hindi ako halos makatulog kakaisip sayo. Gusto kong maulit ulit iyon. Ibigay mo ulit sa akin ang kasalanan ko,”
Romance
1075.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
LIES: MY  BILLIONAIRE EX

LIES: MY BILLIONAIRE EX

PAMILYA, PAG-IBIG AT PANGAKO. ‘Yan ang mga dahilan kung bakit nasaktan nang lubusan si Rhian.  Nobyo n'ya ang bilyonaryong si Andrew Santillan Jackson. Galing sa mayamang angkan na pinangakuan s’ya ng kasal kung sakaling magbunga ang ginawa nilang pagtatalik kahit labag sa kanyang puso at isipan. Walang nagawa ang dalaga dahil lubos n'yang mahal ang nobyo n'ya—pero isang kamalian ang pagsugal n'ya ng pagkabirhen sa binata. Kahit ganoon pa man ay hindi gumawa ng hindi maganda si Rhian na magpapahamak sa kan'yang munting anghel. Ipinangako n'ya sa sarili na kahit anong mangyari ay bubuhayin n'ya ang kan'yang magiging anak. 'Pangako ko sa iyo anak, kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ko, hinding-hindi kita ipapalaglag salungat sa gusto ng iyong amang taksil sa ating dalawa lalo na sa iyo.'
Romance
1038.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Romance
9.888.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2627282930
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status