LOGINPaano kung isang araw ay may isang estranghero na bigla na lamang mag-alok sa iyo ng kasal? Handa ka bang tanggapin ang mapusok na alok nito, o mas pipiliin mong tanggihan? Halina't tunghayan at alamin kung papaano mababago ang buhay ni Gelay De Castro sa alok ni Hadi Sandoval? *** Lumaki na hirap sa buhay ang dalagang si Gelay, simula nang pumanaw ang kanyang ama ay siya na rin ang umako sa responsibilidad na naiwan nito sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging panganay na anak ay ginampanan na rin niya ang pagiging Padre de pamilya para sa kanyang Nanay Myrna at dalawang nakababata pang kapatid. Wala siyang pinipiling pasukan na trabaho, basta ba't legal at marangal ay wala iyong problema sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Hadi Sandoval—ang lalaking malamig pa sa yelo kung makitungo sa kapwa tao. Sa hindi malamang dahilan, inis para sa isa't-isa agad ang kanilang naramdaman simula noong unang magkita. They also both wish not to see each other anymore…ngunit tunay na mapaglaro nga naman ang tadhana. Dahil itinakda ng pagkakataon na muli silang magkita… sa pagkakataon ito ay inalok siya ng kasal ng Binata. A marriage for inconvenience. Pakakasal siya kay Hadi, kapalit ng malaking halaga. Tanggapin kaya ni Gelay ang alok na maging Cinderella for Rent?
View MoreNapitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya
"Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab
Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h
"Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore