Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
596 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Tasha

Tasha

Naniniwala ako na wala na sa impyerno ang mga demonyo, kundi nasa lupa na ang mga ito. Isa lang akong hamak na inosenteng babae. Ngunit nabago ang lahat ng tila kinuha sa akin ang pagiging musmos ko ng mga taong minsang pinagkatiwalaan ko. Inubos nila ako, winasak nila ang pagkatao ko. Ngayon ako naman ang uubos sa mga demonyong ito. Ako si Tasha at ito ang kwento ko.
Mystery/Thriller
3.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Savior Billionaire

My Savior Billionaire

Wasak ang puso ni Vivianne nang iwan siya ng boyfriend niya sa mismong anibersaryo nila. Ngunit sa gitna ng kanyang paghihirap, lumitaw si Logan, ang kanyang boy best friend—isang bilyonaryo na handang gawin ang lahat para sa kanya. Isang kontrata sa kasal ang nagsimula ng kanilang kwento, ngunit ang tunay na pag-ibig ba ang magiging bunga nito? O isa lamang itong paghihiganti na magwawakas sa pagkawasak?
Romance
81.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ms. Athena Saint Claire

Ms. Athena Saint Claire

Galit na galit ako ngayong araw na ito. particularly sa isang tao or rather sa isang stupidyante. Bakit ako galit? Kinuha lang naman niya sa akin ang isang napakahalagang bagay na iyon, na ibibigay ko lang naman sana sa aking future husband. Pero anong nangyari? Nawala na lang ng ganon ganon lang at sa isang babae pa. Magbabayad talaga siya. Kulang pang kabayaran ang sampal ko sa kanya. Kulang na kulang pa iyon
LGBTQ+
1018.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
Romance
8.6109.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

Zxoul49
Masaya at makulay ang buhay ng isang artista. Tulad ni Aaron, na halos nasa kanya na ang lahat: kasikatan, kaibigan at minamahal na kasintahan. Ano pa bang kulang? Siyempre, para sa kanya ay wala na. Pero paano kung isang araw ay may magbago. Paano kung isa sa mga ito ang mawala sa buhay niya? At pumalit ang isang responsibilidad na hindi niya minsan na isip sa tanang buhay niya.
Romance
104.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Atonement

The Atonement

Alex Dane Lee
Si Clarissa Montecillo ay isang simple, masipag at magandang probinsiyana mula sa probinsiya ng San Carlos City, Pangasinan. Pangarap niya ang maging isang nurse at makapunta ng ibang bansa upang matulungan ang kanyang pamilya. Nakaplano na ang gagawin niya sa kanyang buhay ngunit bigla namang sumingit sa kanyang buhay ang magkapatid na sina Rafa Esquivel at Ralf Esquivel. Ang magkapatid ba ang magiging hadlang sa kanyang mga pangarap sa buhay?
Romance
2.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Moon of Love

The Moon of Love

Virgosterious_moon
Reika just wants to live her rich life, she wants to travel and be a successful model. Masaya na ang buhay niya, perpekto para sa iba. Pero nagulo ang buhay niya nang pumasok sa buhay niya ang lalaking hindi niya alam na nag-e-exist pala sa mundo. Will destiny let them have a happy ending? Will the Moon shine when they are on their darkest night? Sasang-ayon ba ang mundo sa relasyon nila o pipilitin silang mapaghiwalay dahil hindi sila pwede?
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Playboy Surgeon's Mistakes(Jace Villareal)

The Playboy Surgeon's Mistakes(Jace Villareal)

Matapos ang balitang sumuko na sa pag-ibig ang kilalang playboy na si Sebastian Castillo, ang akala ng lahat ay wala nang makakatibag sa "malamig na pader" ni Dr. Jace Villareal. Si Jace ang pinakamatalino, pinaka-arogante, at ang tanging miyembro ng The Quad na walang puso. Para sa kanya, ang emosyon ay parang isang sakit na dapat i-opera para tuluyang mawala. ​Hanggang sa makilala niya si Zoe Mondragon. ​Si Zoe ay ang "Nation’s Sweetheart"—isang sikat na aktres na sanay sumunod sa script. Pero sa isang gabi ng mapusok at hindi inaasahang pagtatagpo, ang script ng buhay niya ay tuluyang nagbago. Isang gabi lang ang kailangan ni Jace para ituring si Zoe na isang "mistake" sa kanyang perpektong buhay. Kaya naman bago pa siya itaboy ng hambog na doktor, pinili ni Zoe na maglaho nang parang bula. ​Apat na buwan ang lumipas. Isang positibong pregnancy test ang magpipilit kay Zoe na bumalik sa mundong pilit niyang tinalikuran. ​Ngayon, kailangang harapin ni Zoe ang malamig at mapanghusgang mga mata ni Jace. Mapipilitan siyang manatili sa loob ng "golden cage" sa penthouse ng doktor—isang high-risk pregnancy sa ilalim ng pagbabantay ng lalaking ayaw siyang mahalin. ​Ito ay isang kwento ng mga nakatagong sugat, mga sikretong anak, at isang surgeon na malapit nang matuklasan na ang pinakamalaking "pagkakamali" niya ang tanging bagay na hindi niya kayang bitawan.
Romance
20 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Husband's Affair [FILIPINO VERSION]

My Husband's Affair [FILIPINO VERSION]

Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako para sa kaniya, dahil ganoon ako magmahal. Ang tanging hangad ko lamang ay isang masaya at buo na pamilya kasama siya, ang magkaroon kami ng anak, ngunit tila sa iba niya na pala tinutupad ang aking pangarap para sa amin. Ano nga ba ang kaya mo gawin kung ang lalaki na siyang nangako sa iyo sa altar na mamahalin ka ng tapat, ay patago ka na palang ipinagpapalit?
Romance
1024.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3233343536
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status