Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I SECRETLY WED the BOSS

I SECRETLY WED the BOSS

Palihim na nagpakasal si Analyn Ferrer sa masungit at demanding niyang boss ng DLM Group of Companies na si Anthony De la Merced. Isa lang itong marriage for convenience, at pareho silang makikinabang. Pero habang nagtatagal ang kanilang kunwariang kasal, hindi alam ni Analyn kung mawawasak ba ito ng kanilang mga sikreto? O matatagpuan ba nila ang mga sarili nilang umiibig na sa isa't isa?
Romance
9.7221.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BEAT OF BILLIONAIRE'S HEART

BEAT OF BILLIONAIRE'S HEART

Danica Trina Vitorri Toretto, is a mafia princess of the Vitorri-Toretto clan. A billionairess on her own at the age of five. She has everything in life and she always gets what she wants. She is a dangerous mafia assassin in her generation. Owned a chain of businesses all over the globe, Trina lives a lavish life eversince. But there's only one thing na hindi n'ya makuha-kuha. At ano yon? Ang atensyon at pagmamahal ng panganay na anak ng kan'yang ninong Howald at ninang Amber. Joshua Hades El Frio, is the only man na minahal n'ya simula pagkabata. Wala s'yang ibang hinangad kundi ang atensyon at pagmamahal ng lalaki. But Joshua is not interested to her. Harap-harapan nitong isinasampal sa kan'yang pagmumukha— na ayaw s'ya nito at wala itong kahit katiting na nararamdaman sa kan'ya. Saan kaya hahantong ang kabaliwan n'ya kay Joshua? Matutugonan kaya ng lalaki ang nararamdaman n'ya rito? Oh baka habangbuhay lamang s'yang kamumuhian nito dahil sa kan'yang nakaraan.
Romance
10215.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Three Month Agreement

Three Month Agreement

“Tatlong buwan na kasunduan sa isang Aroganteng Bilyonaryo." Dalawang bagay lang ang mahalaga kay Zehra: ang kapatid niya at pera. Sa murang edad ay namulat na siya sa hirap ng buhay kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho upang matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ngunit isang dagok ang siyang susubok sa kaniyang katatagan—nagkaroon ng malubhang sakit ang kaniyang minamahal na kapatid. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mga oras na iyon; wala siyang malapitan at wala rin siyang ideya kung saan kukuha ng malaking halaga. Sa gitna ng kaniyang pakikipagsapalaran, isang kilalang tao ang lumapit sa kaniya sa pinagtatrabahuhan niyang bar. Ito ay si Thauce Arzen Alessandro Cervelli. Isang bilyonaryong negosyante. In-offer-an siya nito ng limang milyon kapalit ng tatlong buwan. Kailangan niyang kuhanin ang atensyon at mapaibig ang pinsan nito na si Errol sapagkat ito ang napupusuan ng babaeng minamahal ni Thauce. Ngunit sa loob ng tatlong buwan na kasunduan, aayon kaya ang lahat sa plano? Mapapaibig nga kaya ni Zehra si Errol o sisingit ang mapaglarong tadhana at iba ang mahuhulog sa kaniya?
Romance
9.9196.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Binili ako ng Boss ko para gawing Sex Slave

Binili ako ng Boss ko para gawing Sex Slave

Si Camilla Lopez ay isang bread winner ng pamilya, siya ang nagpapa-aral sa kaniyang nakababatang kapatid. At the same time isa siyang secretary ng binatang si Akihiro Smith. Isang araw, nalaman na lamang niya na binenta siya ng kaniyang madrasta sa isang baklang nagre-recuit ng mga dalaga at pinilit siyang isama sa isang pribadong lugar. Ng nasa stage na si Camilla upang ibenta na sa mga customer ay wala siyang magawa kundi ang tumayo sa gitna ng stage habang naghihintay kung sino ang bibili sa kaniya. Akala niya ay ang makakabili sa kaniya ay ang isang matandang lalaki, ngunit nagulat na lamang siya ng biglang sumulpot ang boss niya sa kung saan. At binili siya nito sa halagang sampung milyong piso. Akala ni Camilla ay walang kapalit ang pagtulong ng boss niya sa kaniya. Ngunit nagulat siya ng sabihin ni Akihiro Smith sa kaniya na kailangan niyang bayaran ang sampung milyong piso. Ng sabihin ng dalaga na hindi niya kayang bayaran ang sampung milyong piso. Inalok siya ni Akihiro Smith na maging Sex Slave nito. “Be my Sex Slave.” —Akhiro Smith said. Papayag kaya si Camilla Lopez sa inaalok ng kaniyang boss? Ano kaya ang naghihintay kay Camilla once na tanggapin nito ang hinihinging kapalit ng binata?
Romance
10199.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
BAKAS NANG KAHAPON

BAKAS NANG KAHAPON

Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay. Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae. Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa? Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
Romance
9.923.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Secretary is a Single mom

My Secretary is a Single mom

‼️Warning matured content‼️ Caye Flores isang single mom na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak. Papasok siya sa isa sa mga malaking kompanya sa bansa bilang isang secretary nag hot at super gwapo na CEO. Luke Samuel Blake isang certified na masungit pero gwapong CEO ng Blake Company. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman niya sa kanyang secretary na isang Single mom?
Romance
10120.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Heartless CEO (Tagalog Version)

The Heartless CEO (Tagalog Version)

Wala nang sasakit pa ang itakwil ka ng sarili mong mga magulang dahil mas pinaniniwalaan ng mga ito ang taong itinuring niyang tunay na kaibigan. Ang akala ni Nicole na mapabuti ang buhay sa tulong ni Danica ay kabaliktaran ang nangyari. Ginamit siya nito upang matupad ang ambisyon sa buhay—ang maikasal sa isang arogante at may pusong bato na si Steven. Hindi na nagtaka si Nicole kung bakit nagawa siyang traidurin ng kaibigan dahil sa lalaking ito. Bukod sa milyonaryo na, angkin pa nito ang katangiang kinababaliwan ng kababaihan sa isang lalaki. After six years, babalik si Nicole upang agawin ang bagay na inangkin ni Danica, kasama na ang lalaking nagbitaw ng isang salitang hindi siya karapat-dapat maging ina ng anak nito.
Romance
10188.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
Romance
9.5133.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
isa Pala akong Batang Bilyonaryo

isa Pala akong Batang Bilyonaryo

Isang Batang Lalake ang Nabuhay na Mag isa, Dahil ang kaniyang magulang Ay namatay nang si Brayan Brilliones Ay 8 Years Old Palang, at Tanging mag bubukid ang kaniyang kinabubuhay habang nag Aaral si Brayan Brilliones, bago ito pumasok ng School, si Brayan ay nag titinda muna ng mga Gulay at Prutas na tanim nito sa Kaniyang Bukid kaya sa Araw araw na ginagawa ni Brayan ito, si Brayan ay nakapag Tapos ng 4th Year High School pagkalipas ng ilang araw, tuloy tuloy si Brayan sa kaniyang kasipagan habang naka iipon ito para sa kaniyang kinabukasan hanggang isang Araw, nagbago ang buhay ni Brayan simula nang nag Invest siya nung Bata pa lang siya sa isang Crypto Currency ng FTNS Corporation na ang Value nuon ay 0.01 Sentabos lang, ngunit pagkalipas ng ilang taon, ang Pera na Inimvest ni Brayan ay umabot ng 99 Trillion Pesos dahil ang value ng Crypto nya dati ay umabot na sa 330,000 pesos ang Value Ang Ama ni Brayan Brilliones ay isang napaka husay Fighter sa kanilang Lugar, ngunit ang Ama ni Brayan ay hindi kaylan mab sumasali sa mga Tournament, kaya mas pinili nalang nito ang maging Coach isang Araw si Brayan ay isinaman ng kaniya Ama sa Studio na kaniyang pinag Tuturuan, habang may Lumapit sa kaniyang Ama at binigyan siya ng isang Treasure Map, kaya ng Magtatanong pa si Zaldy Brilliones ang Ama ni Brayan, ay bigla nalang ito nawala, ngunit ang hindi alam ni Zaldy Brilliones, si Brayan ay Binigyan ng Matanda ng isang Magic Item, ito ang Red Brilliant Stone na Singsing may Apat na uri ng Brilliant Stone, ito ang Black, Blue, Green at ang pinaka Malakas sa lahat ng Brilliant Stone ay ang Red Brilliant Stone ni Brayan kaya naman si Brayan Brilliones ang Pinaka Mayaman at Pinaka malakas sa Kasaysayan
Fantasy
9.542.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

WARNING ⚠️ SOME SCENES AND WORDS ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK..!! Isang gabing kabiguan na nauwi sa isang pagkakamali. Pinagtagpo ngunit hindi ba tinadhana? Saan hahantong ang nangyari sa kanilang pagkakamali? Would they be continue the mistakes they made o gagawin nila ang tama para maitama ito lalo pa at alam nila na pareho na silang committed sa iba. Ano ang naghihintay sa dalawang nilalang na ang tanging hangad lamang ay makatakas sa parehong kumplikadong sitwasyon ngunit mas naging masalimuot pa ang lahat ng umeksena ang mga taong nakatakda nilang pakakasalan. Mangingibabaw kaya ang parehong nararamdaman sa unang pagkikita pa lamang? Saan sila dadalhin ng pagkakamali na nagawa nila? Kaya ba nilang labanan ang lahat, matagumpayan lamang ang hinahangad na kaligayahan? How can the one night mistake become their favorite and the mistake they treasured the most?
Romance
10118.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2526272829
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status