Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Pretentious Love

His Pretentious Love

Nag-propose na rin sa wakas ang limang taon na nobyo ni Mia sa kanya sa araw ng kanilang anniversary. Masaya siya dahil nagbunga na rin ang kanyang paghihintay ng ilang taon. Sa gabi ding iyon walang pag-aalingan na ibinigay ni Mia ang kanyang pagkababae sa kanyang nobyo sa unang pagkakataon. Naging mapusok at mainit ang pinagsaluhan nilang pagkakaisa kaya naman sa labis na pagod ay nakatulog si Mia. Pero nagising siya makalipas ang ilang oras nang may tumawag sa kanyang cellphone. Ilang ulit na humingi ng tawad ang kausap niya sa kabilang linya dahil hindi raw ito nakarating sa kanilang anniversary dahil may importanteng inasikaso. Nagulat si Mia nang malaman niya na ang kausap niya ay ang nobyo niya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil alam niya ang boses nito. Napatingin si Mia sa higaan at nagtaka siya. Kung ang kausap niya sa cellphone ay ang totoong nobyo niya, sino pala ang lalaking ito na kamukhang-kamukha ng nobyo niya na natutulog sa kama? Sino pala ang lalaking ito na nagpropose sa kanya at nagkunwaring boyfriend niya?  At ang nagpakaba kay Mia ng husto ay ang katotohanan na naipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi naman pala talaga niya kilala.
Romance
10764 viewsCompleted
Read
Add to library
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
Romance
10986 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Malditang Nerd Series #1: Althea Summer Velazquez

Ang Malditang Nerd Series #1: Althea Summer Velazquez

Pseudonym
Althea Summer Velazquez known as malditang nerd sa school nila. Maldita at cold minsan, ang gusto nya ay mag-aral at wag syang d-distorhin pero dahil kay Kenneth ay hindi sya nakakapag focus. Kenneth Lazaro a typical playboy type pero ang tanging babaeng gusto nya ay si Althea. Mga bata palang sila ay may gusto na sya rito kahit sobrang suplada nito sakanya. Pinangako sa sarili na kahit na sinong babae pa ang dumating sa buhay nya ay papatulan nya ito pero ang babaeng pakakasalan nya ay si Althea. Kahit na anong pag papansin ang gawin nya ay balewala lang kay Althea hanggang sa pinakiusapan na nya ang Mommy nya ipagkasundo silang ikasal ni Althea dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang nila ay pumayag ito. Pero pano si Althea? Pano kung umayaw sya sa kagustuhan nila? Pero pano kung wala kang choice kundi ang sundin ang mga magulang mo?
YA/TEEN
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
When Lust and Love Collides

When Lust and Love Collides

Nang malaman ni Glea na may boyfriend na ang kaaway niya mula kolehiyo ay nakaramdam siya ng inis at selos dahil pakiramdam niya talunan siya. Nagplano siyang maghanap ng boyfriend para hindi siya mahuli at masapawan nito pero nang makita niya kung gaano ka gwapo ang boyfriend ng mortal niyang kaaway ay nagbago ang isip niya. She doesn't want a boyfriend, she want her enemy's boyfriend. At aagawin niya iyon sa kahit anong paraan na nanaisin niya. She will seduce the billionaire named Isaac Falkerson. She's lusting over her and she wants to slap on her enemy's face that she's good at anything. But what if lust and love will collide? Paano kung ang plano na agawin lang ang kasintahan ng kaaway ay masira dahil natatagpuan na niya ang sariling nahuhulog dito? At paano kung mag bunga ang pang-aakit niya? Ano ang kaya niyang gawin para sa isang bilyonaryo na si Isaac? Will she face that she's a loser for falling in love or not?
Romance
9.930.6K viewsCompleted
Read
Add to library
A Wild Night With Miss Intruder

A Wild Night With Miss Intruder

Birthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
Romance
1086.9K viewsCompleted
Show Reviews (26)
Read
Add to library
rjpasiano13
Kapanapanabik ang bawat chapter Ms. A, ipon lang ako ng coins para mabasa ko pa mga next chapter. Please continue nyo po, sana matapos nyo to at makagawa pa kayo ng maraming story. Nakakakilig talaga. God bless you author.
Lyn Gambito
mahal lan kc ang bayad sa coins ky hind namin masyado binabasa ang manga story don kmi sa mura lan ang coins kung mura lan sana ang bawat chapter u 5 peso bka marami mag basa sa story u mahal 26 bawat chapter u talagan kunti lan
Read All Reviews
Arrangement Between Strangers

Arrangement Between Strangers

EMRLDX
"I-I just married a stranger!" Isang kasunduang kasal ang naganap sa pagitan ng mga estranghero, maisakatuparan lang ang kanya-kanyang layunin. Ang negosyo ng pamilya Alvarez ay unti-unti nang nalulugi na siya ring dahilan ng unti-unti nitong pagbagsak. Isa nalang ang paraan upang maisalba lahat ng pinaghirapan nila, iyon ay ang ipagkasundong ipakasal ang anak nilang si Elle, sa anak ng mag-asawang Martinez. Si Ashton Klyde ang natatanging binata na ipinagkalooban ng naipong mana mula sa angkan ng Martinez. Ngunit, makukuha lang nito ang lahat kung siya ay ikinasal na. At sa kagustuhang maipasa sa kanya ang mana, pumayag siya sa isang kasunduang labag rin sa loob niya... Ang kasunduang ikasal sa taong wala siyang pagkakakilanlan. Dalawang bagay lang ang kailangan nilang gawin upang magtagumpay, ang tumira sa iisang bubong at magpanggap bilang mag-asawang nagmamahalan. Ngunit, may mabubuo kayang pag-ibig sa kasal na wala namang pagmamahal? At, pauusbungin pa ba nila ang mga nararamdaman nila sa oras na malaman nila ang tunay na pagkakakilanlan ng taong pinakasalan nila?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding My Professor's Daughter

Hiding My Professor's Daughter

(GORGEOUS MEN SERIES 39: Michael "Mavi" Villahermosa) Tinakwil siya ng kanyang ama dahil sa biglaang pagbubuntis. Kalaunan, iniwan naman siya ng kanyang kasintahan dahil sa maling akala. Naging mapagbiro man ang tadhana, hindi 'yon naging hadlang para buhayin ni Vesper ang anak niyang si Myla. Makalipas ang walong taon, nagpasya si Vesper na ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo alang-alang sa future nilang mag-ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila ni Mavi Villahermosa—ang ex-boyfriend niya na ngayo'y isa nang ganap na propesor sa paaralan! Naalarma si Vesper gayong maliit na ang mundong ginagalawan nila. Isa lang ang nakatatak sa isip niya noong mga oras na 'yon. Hindi niya hahayaang makita ni Mavi ang kanilang anak! Ngunit isang araw, natunton ng lalaki ang tinitirahan niya at nasurpresa siya sa kanyang naabutan... "Bakit mo yakap-yakap ang anak ko?!" *** Started: May 25, 2022 Finished: February 18, 2023 Sequel: Hiding My Student's Son
Romance
1018.6K viewsCompleted
Read
Add to library
She Married the Cold-Hearted CEO

She Married the Cold-Hearted CEO

Umaasang aalukin si Maliah ng boyfriend niyang si Jacob ng kasal. Nagplano na siya para sa kanilang kinabukasan. Pero ang lahat ng 'yon ay nasira nang sumapit ang kaniyang kaarawan. Nahuli niya sa aktong nakikipagtalik ito at sa mismong best friend pa niya. She want to move on, kahit masakit ay pilit niya kinalimutan ang manlolokong nobyo at kaibigan. Upang makalimot ay kailangan niya ng new environment. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil magpahanggang sa trabaho ay sinusundan siya ng ahas. Suddenly, nakilala niya ang guwapong lalaki ngunit sa maling lugar. Nasermunan siya nito sa loob ng restroom. Sa kasamaang palad, ito rin pala ang magliligtas sa kaniya at ang pinapangarap niyang kasal at aalukin siya ng kasal. Tuluyan na ba siyang makalimot sa una niyang pag-ibig sa oras na pakasalan niya ang lalaking hindi pa lubusang kilala, o panibagong pagdurusa ang danasin sa piling ng cold-hearted na CEO? Paano kung huli na nang malaman niyang tito ito ng ex-boyfriend niya?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status