Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Sixteen Year's Old Meixie

My Sixteen Year's Old Meixie

Thegirlmakesyouhappy
I'm only sixteen ng makilala ko si Franz Zorego, ang hot business man na mas matanda sakin ng s'yam na taon. Unang kita ko pa lang sa kanya nasabi ko agad sa sarili ko na itong ang lalaking mamahalin ko. Kaya naman ginawa ko ang lahat para akalain nito na nasa tamang edad na ako. Pero hindi naitatago ang sikreto ng matagal na panahon. Dahil natuklasan nito na isa lang akong highschool student sa paaralang mismong pag aari ng kanilang pamilya. Mula noon ay umiwas na ito sa akin at 'di na ako pinapansin. Aaminin ko nasasaktan ako sa pag iwas nito pero anong magagawa ng isang gaya ko? Sabi nga nila isa lang akong hamak na bata na pagdating ng panahon mawawala at mababago rin ang nararamdaman. Totoo ba ang gano'n? Paano kung hindi?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
Romance
10566 viewsOngoing
Read
Add to library
It's My Day, Happy Birthday!

It's My Day, Happy Birthday!

cuttie.psycheDramaCampus
Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.
Romance
104.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Nawalan ng trabaho si Atasha Charlotte Diaz matapos magsara ang BPO company na pinagtatrabahuan niya. Habang ang mga dati niyang officemates ay nakahanap agad ng bagong trabaho, siya naman ay naiwan na walang income, baon sa utang, at hinahabol ng bills at loan collectors. Out of desperation, sinubukan niyang lumapit sa mga kaibigan—ang iba para singilin, ang iba para manghiram. Pero lahat sila, wala ring maibigay. Hanggang sa dumating ang isang offer na hindi niya akalaing tatanggapin niya: ang maging mistress ng nag-iisang Rev Kurozawa Alcantara. Siya ang taong pinaka-kinamumuhian ni Atasha. They met once before. Isang gabi lang. Isang pagkakamali na kumitil sa kanyang pagkabirhen, at pagkatapos noon ay iniwan siya ni Rev na parang wala lang nangyari. Simula noon, isinumpa na niya ang pangalan ng lalaki. Pero ngayong lugmok siya, siya rin ang taong muling kahaharapin niya. Sa huli, Atasha was forced to be Rev's mistress… kahit para kay Atasha, mas katanggap-tanggap pa sana kung maging legal na asawa na lang ang inalok sa kanya ng lalaki. “I only want a mistress… ’cause I already have a fiancée.” —Rev
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Lost Wife

The Mafia's Lost Wife

Scorpiowarrior
After Fyrah Samañiego had an accident, lumabas din siya ng hospital. Doktor ang kanyang boyfriend, pero may mga gabing she had a nightmare. Bagay na hindi niya masabi- sabi sa nobyo niyang si Doc. Raphael Cortez. Until one day, bigla na lang siyang kinuha ng mga taong hindi niya kilala. At dinala sa kanilang amo na ang pangalan ay Cameron Montecillo, isang Mafia boss. Iginigiit na siya ang asawa nitong gold digger. Bagay na itinatanggi ng dalaga, tatakas na sana siya nang may isang batang tumawag sa kanya ng Mommy. She can help it but his voice melt her heart. Ramdam niyang nasa kanyang puso ang batang nasa kanyang harapan. Siya ba talaga ang ina nito? Asawa ba niya ang isang Mafia? Subalit bakit wala siyang maalala? Ano ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao? Ano bang nangyari at wala siyang kaalam- alam na asawa siya ni Cameron at may anak pa silang hinahanap- hanap ang kanyang kalinga?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Divorce Wife’s Possessive Attorney

The Divorce Wife’s Possessive Attorney

Aurelia Navarro gave her love, her time, her fortune—everything. Pero sa dulo, siya pa rin ang iniwan… ipinagpalit sa ibang babae. Dalawang taon siyang nagsakripisyo bilang asawa ni Matteo Navarro. Ngunit nang malugi ang Navarro Holdings na siya mismo ang nagpapatakbo ay siya rin ang sinisi, at nasira ang pangalan niya. Hanggang sa dumating ang misteryosong lalaki na nag-alok ng investment. “I can give you 5% of my shares,” sabi nito. Ngumisi si Aurelia. “Five percent? Keep it. I can build my own empire.” Walang nakakaalam na sa likod ng pangalang Aurelia Navarro ay nakatago ang tunay niyang pagkatao— isang major shareholder ng Gatchalian Inc., international professor, renowned painter, at ang pinakakilalang assassin sa underground world. At nang lumuhod si Matteo sa ilalim ng ulan para humihingi ng tawad, isang lalaking may itim na payong ang nakatayo sa tabi ni Aurelia. “Mr. Navarro, please leave,” malamig nitong sambit. “Who are you to her?” singhal ni Matteo. Emil smirked. “Atty. Emiliano De Rossi. I’m her lover.”
Romance
110 viewsOngoing
Read
Add to library
Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2

Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2

TRIGGER WARNING: MATURED CONTENT Hanz and Yeisha divorced six months after getting married. Reason? Nahuli ni Hanz na nagtataksil sa kaniya si Yeisha. But, after seven years, muling nagkrus ang mga landas nila. At iyon ay sa mismong kasal ng babaeng nagkaroon ng puwang sa puso ni Hanz. Si Andrea Monte Bello. His ex-fiancee. Subalit, kahit anong iwas ang gawin ni Hanz, he always ended up being with Yeisha. Lalo na ng pakiusapan siya mismo ni Andrea na maging abogado nito. At ang hindi alam ni Hanz, sa pagsasama nilang muli ay marami siyang matutuklasang sekreto ni Yeisha; na gigimbal nang husto sa mundo niya. Makayanan kaya niya ang lahat ng iyon? Lalo na kung sa ikalawang pagkakataon ay muling tumibok ang puso niya para rito?
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge Of Mistreated Wife

The Revenge Of Mistreated Wife

WennieWrites
Matagal nang umiibig si Irine Evangelista kay Ruyi Walton mula pa noong bata pa sila. Kaya nang itinakda ng kanilang mga magulang na magpakasal sila, buong puso pumayag si Irene kahit alam niyang hindi iyon ang gusto ni Ruyi. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, iginugol ni Irene ang kanyang buhay para kay Ruyi, umaasa na magbabago ang isip nito at sa huli'y mahulog sa kanya. Ngunit biglang gumuho ang lahat nang magising na lamang si Irene isang araw na nasa tabi ng kapatid ni Ruyi, si Kyler, wala silang mga saplot at magkayakap. Hindi alam ni Irene kung paano iyon nangyari, pero isa lang ang sigurado siya—hindi niya magagawang saktan at lokohin si Ruyi. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ni Irene ay hindi nakinig sa kanya si Ruyi, sa halip ay nag-file ito ng divorce.
Romance
10566 viewsOngoing
Read
Add to library
Inangkin Ako Ni Ninong

Inangkin Ako Ni Ninong

Hindi maipaliwanag ni Jasmine Arriola ang kaba at tuwang naramdaman nang ianunsyo na pansamantala siyang magiging secretary ng Ninong slash Boss niya. Sa kabila ng pagiging fresh graduate, pakiramdam niya ay isang malaking oportunidad ito. Si Alejandro Pascaul II ay hindi lang CEO ng malaking kompanya sa bansa—kundi matalik na kaibigan rin ng kanyang mga magulang. Hindi maikakaila ang karisma nito. Matangkad, laging maayos manamit, at may presensiyang kay hirap balewalain. Kaya kahit hindi sadya, napapatanong si Jasmine kung bakit nananatiling binata ang tulad nitong lalaki. At ngayong magkakatrabaho na sila, hindi niya naiwasang samantalahin ang pagkakataong mapalapit dito. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nahuhuli ng kanyang mata ang mga panakaw na tingin nito. May kung anong bigat at lalim sa bawat titig. Hindi niya alam kung ganoon lang ba talaga ito tumingin sa lahat, o sadyang may nais itong iparating—sa kanya lang.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status