Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
OPERATION: Seducing Ruthless Tycoon

OPERATION: Seducing Ruthless Tycoon

Matapos ang isang malaking pagkakamali sa huli niyang mission, napilitan si Charlene Dumont na tanggapin ang trabahong personal secretary ni Bastien Morel, ang kilalang masungit, perfectionist, at ruthless na CEO ng Vireya Corporation, isang high-profile na kumpanya sa Pilipinas. Pero hindi lang basta trabaho ang pakay ni Charlene. May kailangan siyang makuhang code mula kay Bastien, isang critical na detalye para maayos ang sablay sa nakaraan niyang operasyon. Ang hindi niya alam, si Bastien ay hindi basta-basta boss. Isang maling kilos lang at puwede kang mawalan ng trabaho... o masira ang buong pangalan mo sa industriya. Iisa lang ang reputasyon nito: terror. Pero handa si Charlene na gawin ang lahat, kahit pa ang pakisamahan ang lalaking tingin ng lahat ay halimaw. Ang hindi niya inaasahan? Na unti-unti siyang mahuhulog sa lalaking dapat sana’y lalabánan niya. Makukuha ba niya ang code bago siya tuluyang bumigay sa tukso? O tuluyan na bang magiging Mission Impossible ang lahat?
548 viewsOngoingIdinagdag sa Library 15 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
The Mafia's Lost Wife

The Mafia's Lost Wife

Scorpiowarrior
After Fyrah Samañiego had an accident, lumabas din siya ng hospital. Doktor ang kanyang boyfriend, pero may mga gabing she had a nightmare. Bagay na hindi niya masabi- sabi sa nobyo niyang si Doc. Raphael Cortez. Until one day, bigla na lang siyang kinuha ng mga taong hindi niya kilala. At dinala sa kanilang amo na ang pangalan ay Cameron Montecillo, isang Mafia boss. Iginigiit na siya ang asawa nitong gold digger. Bagay na itinatanggi ng dalaga, tatakas na sana siya nang may isang batang tumawag sa kanya ng Mommy. She can help it but his voice melt her heart. Ramdam niyang nasa kanyang puso ang batang nasa kanyang harapan. Siya ba talaga ang ina nito? Asawa ba niya ang isang Mafia? Subalit bakit wala siyang maalala? Ano ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao? Ano bang nangyari at wala siyang kaalam- alam na asawa siya ni Cameron at may anak pa silang hinahanap- hanap ang kanyang kalinga?
103.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 103 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
DYING TO HOLD YOU

DYING TO HOLD YOU

Rinoah Margarette Elizalde was engaged at the age of 18 to a certain Claudio Rivero—pangalan palang mukhang triple na ang agwat ng edad sa dalaga. Walang nagawa si Rinoah kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ng ama niya na sundin ang nasa last will ng mommy niya. Ilang buwan bago ang pagtatapos sa kolehiyo, inanunsiyo na ang araw ng kasal niya sa lalaking never pa niyang nakadaupang palad. Saka niya na-realize na ayaw niyang maikasal—lalo na sa lalaking ni hibla ng buhok hindi pa niya nakikita. Makikipagkasundo sana siya rito sa gabi ng pagtatapos niya, ngunit hindi ito nakadalo. Kaya naman isang plano ang naisip niya—ang magrebelde para lang matakasan ang napipintong kasal. Isang planong babago sa buhay niya Sa isang gabing pagrerebelde, dalawang buhay ang hindi niya akalaing mabibitbit niya sa pagtakas. At sa kaniyang pagbabalik para bawiin ang ipinamanang kumpaniya ng ina, mahanap din kaya ni Rinoah ang ama ng mga anak niya?
10253 viewsOngoingIdinagdag sa Library 8 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
Deseri Under Our Uniform

Deseri Under Our Uniform

Si Yana "Kelly" Reyes, medical graduate na maling inakusahan ng plagiarism at itinakwil ng sariling pamilya, ay tumatakbo sa kanyang nakaraan sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang nurse sa MS Pacifica, isang mamahaling cruise ship na naglalakbay mula sa Pilipinas patungo sa Europa. Si Kapitan Lucas "Alex" Montenegro, ang matapang, gwapo, ngunit lubhang misteryosong pinuno ng barko, ay una nang nagdududa kay Yana — akala niya ay isang espiya o mandaraya. Ngunit habang nakikita niya ang kanyang katapatan sa pag-aalaga ng mga pasyente at tapang na harapin ang sunud-sunod na kakaibang pangyayari sa barko (misteryosong sakit, nawawalang gamot, pati na rin ang mga nakakatakot na "aksidente"), unti-unting nahuhumaling si Alex sa kanya. Habang mas malalim na iniimbestigahan ni Yana ang mga kaganapan, natuklasan niya ang isang malawak na sabwatan na kinasasangkutan ng mga mayayamang negosyante, pulitiko, at maging ang sariling pamilya ng barko — isang sabwatan na hindi lang nasa MS Pacifica, kundi may malalim na ugnayan sa kanyang sariling iskandalo noon. Kasama si Alex, na may sariling nakaraan na kinasasangkutan din ng sabwatan, kailangan nilang harapin ang panganib, linisin ang kanilang mga pangalan, ilantad ang buong katotohanan, at ipaglaban ang isang ipinagbabawal na pag-ibig na maaaring magbago ng lahat ng kanilang alam.
10671 viewsKumpletoIdinagdag sa Library 24 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
Dominguez Vampire

Dominguez Vampire

Binibining Vera
“If you don't have a choice, let me be your option. I can carry all those pain just to stay with you. But if you want me to let you go, just close your eyes and I will go away from you,” -Tyzon ~ Family ni Isabelle ang may-ari ng Winston Classical Academy kaya pinayagan siya ng mga magulang niyang doon mag-aral. Siya ang tipo ng babaeng kinatatakutan ng lahat dahil sa matunog nitong pangalan sa kaguluhan. Ngunit dumating ang isang araw, nagbago ang lahat noong pumasok ang magkapatid na Dominguez sa buhay niya at kapwa may malaking lihim sa tunay nilang pagkatao. Paano kung ang misyon ng magkapatid na muling ituloy ang naudlot na labanang mahigit isang daang taon na nakalilipas ay magbago sapagkat ang propesiya ay muling isusulat sa ikawalong salinlahi? Ano nga ba ang papel ni Isabelle Jaydon sa likod ng nakaraang gusto balikan ng magkapatid?
1010.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 241 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
The Young Bride of Mr. Alaric Levine

The Young Bride of Mr. Alaric Levine

Walang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa mansyon ng hindi niya kilalang magiging asawa? Ang dinig niya pa ay matanda na ito at mahilig pa raw sa mga babae. Handa kaya siyang harapin ang pagsubok sa kanya ng kapalaran? Kaya niya bang mag isa na harapin ang pait at kasakiman ng mga may ayaw sa kanya? O sasamahan siya at poprotektahan ng lalaking nagpakilalang anak ng matandang mapapangasawa niya?
13.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 412 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
Isabella Flores

Isabella Flores

Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente. Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
1011.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 247 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)

Nawalan ng trabaho si Atasha Charlotte Diaz matapos magsara ang BPO company na pinagtatrabahuan niya. Habang ang mga dati niyang officemates ay nakahanap agad ng bagong trabaho, siya naman ay naiwan na walang income, baon sa utang, at hinahabol ng bills at loan collectors. Out of desperation, sinubukan niyang lumapit sa mga kaibigan—ang iba para singilin, ang iba para manghiram. Pero lahat sila, wala ring maibigay. Hanggang sa dumating ang isang offer na hindi niya akalaing tatanggapin niya: ang maging mistress ng nag-iisang Rev Kurozawa Alcantara. Siya ang taong pinaka-kinamumuhian ni Atasha. They met once before. Isang gabi lang. Isang pagkakamali na kumitil sa kanyang pagkabirhen, at pagkatapos noon ay iniwan siya ni Rev na parang wala lang nangyari. Simula noon, isinumpa na niya ang pangalan ng lalaki. Pero ngayong lugmok siya, siya rin ang taong muling kahaharapin niya. Sa huli, Atasha was forced to be Rev's mistress… kahit para kay Atasha, mas katanggap-tanggap pa sana kung maging legal na asawa na lang ang inalok sa kanya ng lalaki. “I only want a mistress… ’cause I already have a fiancée.” —Rev
106.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 232 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
Chasing Zander Frovizo

Chasing Zander Frovizo

youreminestrawberry
Zander Frovizo was her besfriend since his day one in the orphanage. Bata pa lang, hinahangaan na ng babaeng si Novelyn Basañes ang kaibigan na lalaki. Malapit sila sa isa't isa at palaging pinoprotektahan ni Zander ang kaibigan niyang babae. Hindi sila mapaghiwalay. Magkasama sa hirap at ginhawa. Ngunit, ang maginhawang buhay ni Novelyn kasama ang kanyang pinapangarap na makasama habang buhay ay sa isang iglap, napalayo sa kanya. She thought she lost him at hindi na niya maibabalik iyong pagkakaibigan nila. After several years of carrying the pain, nagpakita sa kanya ang kaibigan niya at minuto pa lang ay napaibig na siya nito ulit. She became more possessive and obsessed with him. Ang gusto niya lang ay makuha ang lalaki at maitali na sa kanya habang buhay. Ngunit, makakaya niya nga ba ang kagustuhan sa isang tao na nalimutan na siya at ang pinagsamahan nila? Zander couldn't remember her or their past. Ni pangalan niya ay hindi maalala nito. Magtatagumpay kaya siya sa pag angkin rito kahit na hindi siya maalala ng lalaki? O susuko nalang siya at aalamin ang mga nangyari sa kaibigan noong hindi sila magkasama?
101.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 35 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
Serving the Billionaire

Serving the Billionaire

Sa gitna ng milyun-milyong makukulay na ilaw at nakabibinging ingay ng malaking siyudad, magtatagpo ang dalawang pusong parehong nagtatago sa sarili nilang dilim. Si Chrisha, isang mahusay na chef na sugatan, ay lumipat sa Maynila bitbit ang mga piraso ng kaniyang nadurog na puso matapos ang isang masakit na pagkabigo sa pag-ibig. Ang kaniyang tanging hiling ay ang makapagsimula muli, patunayan ang kaniyang sarili, at lunurin ang mga alaala ng kahapon sa pamamagitan ng kaniyang hilig sa pagluluto. Ngunit sa isang gabi ng matinding pangungulila, dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang high-end bar kung saan ang isang basong inumin ay naging mitsa ng kaniyang kapangahasan. Doon, sa ilalim ng malamlam na lila at gintong neon lights, sinalo siya ng isang makapangyarihang estranghero. Si Wesley Mendez—isang bilyonaryo at striktong CEO na sanay na nakukuha ang lahat ng kaniyang gusto. Ang isang gabi ng purong apoy at mapusok na pagnanasa na walang mga pangalan ay mag-iiwan ng malalim na marka. Sa pagtakas ni Chrisha, mag-iiwan siya ng isang galit at determinadong lalaki na gagawin ang lahat mahanap lang siya. Ang hindi nila alam, ang tadhana ay may mas matinding laro dahil ang estrangherong kaniyang tinakasan ay ang mismong bilyonaryong kaniyang paglilingkuran.
111 viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2 Beses bilang astig na pangalan
Read
+Library
PREV
1
...
1314151617
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status