His Poisonous Touch
Si Adelaine Funtales, kilala sa screen name bilang Lalaine ay nagtungo sa Berlin kasama ang buong production team.
Sa bansang iyon nakilala niya si Mr. Schmidt. Ang direktor ng Germany show business at entertainment. Wala itong ibang pagnanais kundi ay ang makilala si Lalaine nang lubos.
Lingid sa kanyang kaalaman ang masamang binabalak nito. Nilagyan ni Schmidt ang puting tela ng chloroform dahilan kung bakit nakatulog si Lalaine sa loob ng sasakyan nito.
Nang siya'y magising, nasa ibabaw na siya ng kama. Tanging kumot ang nakatakip sa katawan, naghihingalo sa takot, nanginginig sa lamig.
Akala ni Lalaine ay doon nagtatapos ang kasamaan ni Schmidt.
Dinala siya nito sa auction hall. Ang lugar kung saan ay mga babaeng katulad niya ang ibinibenta para sa mga banyaga ng legal. Walang papeles, madaliang proseso.
Walang nakakaalam sa lugar na iyon kundi ay ang mga taong hayok sa laman.
Binili siya ni Massimo Valerio sa napakalaking halaga.
Akala niya'y tutulungan siya nitong makalaya ngunit dinaig pa nito si Mr. Schmidt sa kasamaang binabalak laban sa kanya. Lalo at nalaman ni Lalaine ay ito pala ang Chief Executive Officer, Chairman, or Founder ng buong major media conglomerates, studios, o talent agencies.
Ano ang laban niya sa isang mayaman, at makapangyarihang lalaki?
Paano siya makakalaya?