Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

Isang trahedya ang nagpabago sa buhay ni Amanda, ngunit ito rin ang nagdala sa kanya sa masaya at magandang buhay. Subalit ang kapalit nito ay ang pagkalimot niya sa kanyang nakaraan at mabuhay ng iba ang katauhan. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang niya nakilala ang isang Jeremy Dawson. Ang Hot and Gorgeous Hotelier na isa rin sa Founder ng Hotel sa Venice Italy kung saan siya nag-attend ng OJT. Dahilan rin ito kung bakit nagsimulang malito ang kanyang puso. Ngunit hindi niya maitatanggi na ito rin ang nagturo sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Nanaisin pa ba niyang balikan ang kanyang nakaraan upang makilala ang sarili o mananatili na lang sa buhay na puno ng kasinungalingan? Paano kung ang katotohanan pa lang ito ang mas higit na sisira sa kanyang pagkatao? Gugustuhin pa ba niyang malaman ang totoo o mas gugustuhin pa niyang baguhin na lang ang kanyang kapalaran? ___ Kaya ating tunghayan ang laban ng dalawang pusong nagmamahal. Ngunit walang kalayaang ibigin ang isa't-isa. Dahil sa pag-ibig palaging may nasasaktan at nagdurusa. ***** By: LadyGem25 06-28-22
Romance
7.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10577 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Unexpected Marriage

Her Unexpected Marriage

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?
Romance
1061.7K viewsCompleted
Show Reviews (58)
Read
Add to library
Morianne Joy Tayamora
So far so good mr.A...First time ever na mgbasa ako ng romance novel na lalaki ang author.And ur doing great....I love the flow of da story,the emotions were there at mgnda ang pagkaedit.The character's attitude had been introduce slowly dat made me hooked and curious at da same time...Nice work...
xhhxchcj
I like the plot of the story. It was unique for me. Isa sa mga gusto ko sa kuwento ay ’yong linis ng narrations and this novel get me there. Sobrang linis din dialogue, walang sabaw na batuhan ng linya. Congratulations sa author nitong kuwento. keep it up the good work...
Read All Reviews
The Runaway Bride's Keeper

The Runaway Bride's Keeper

Nag runaway bride ang dalagang si Girly, sa kadahilanang hindi niya mahal ang lalaking pakakasalan. Tinakasan niya ang kanyang mapapangasawa sa mismong araw ng kanilang kasal. Humingi siya ng tulong sa estrangherong lalaki na naka-encounter niya, ngunit ayaw naman siya nitong tulungan. Sa kadesperadahang makalayo ni Girly sa bayan nila ay nagbitiw siya ng salita na gagawin niya ang gustong ipagawa sa kanya ng lalaki basta ilayo at itago lang siya nito sa kanyang ama at kay Vincent. Nagkataong nangangailangan din ng tulong ang binatang bilyonaryo na si Enrico Briones kaya pumayag na siya na itago si Girly. In one condition, magpapanggap ang dalaga na girlfriend niya. Pumayag naman agad si Girly ng hindi na inisip ang maaaring maging consequences ng pagpapanggap niya. Sa angking karisma at gandang lalaki ni Enrico, hindi kaya ma-in love sa kanya si Girly? Ano kaya ang mararamdaman ni Girly kapag nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya pinagpanggap na girlfriend ng binata? Hindi kaya siya magsisi sa pagpayag niyang maging fake girlfriend ni Enrico? Masaktan kaya ang puso ng dalaga sa kanyang mga madidiskubre?
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Home Run In Love

Home Run In Love

sheswritehere
Fhoreviy is a frustrated twenty-six year old woman who keeps looking for her main purpose in life and is in the brink of giving up. Naniniwala kasi siya na ang tunay na kasiyahan ay saka niya lang makakamit kapag nahanap na niya ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. Pagkatapos niyang mag resign bilang isang grade three teacher ay kaagad siyang nag trabaho sa flower shop ng kanyang best friend habang patuloy pa ring hinahanap ang kanyang 'purpose' sa buhay. A day before her duty in the flower shop starts, she meets the major league superstar, Hinode Shinkei whose life has always been dedicated to baseball. Pagkatapos ng araw na iyon ay sunod-sunod na ang pagkrus ng kanilang mga landas. Two souls who have never been in love, united by fate. Panandalian ba silang malilihis sa mga prayoridad nila sa buhay? Isang magandang pangyayari kaya ang makilala nila ang isa't-isa, o ito pa ang magdadala sa kanila ng trahedya?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Pinuntahan ni Monique si Aidan sa condo niya pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita niyang walang saplot ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Nang makita siya ni Aidan ay blangko lang ang mukha ni Aidan. Pinulot ni Aidan ang damit niya at isinuot niya yun saka niya nilapitan si Monique. Ang buong akala ni Monique ay magpapaliwanag sa kaniya si Aidan kung bakit kasama ni Aidan ang bestfriend ni Monique pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang paalisin siya ni Aidan at hindi man lang nagpaliwanag kung ano bang nangyayari. Tiningnan ni Monique ang bestfriend niya pero umiwas ito ng tingin. Minahal ni Monique si Aidan kahit na sa kabila ng alitan ng kanilang mga pamilya. Ang buong akala niya, katulad niya ay ipaglalaban din siya ni Aidan pero nagkamali pala siya. Paano niya nagawang pagkatiwalaan ang dalawang taong mahalaga sa kaniya? Hindi niya akalaing mga taong malapit pala sa kaniya ang wawasak ng puso niya.
Romance
1026.2K viewsCompleted
Read
Add to library
CARMELLA

CARMELLA

"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya."O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding. "Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya."Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya."Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
9.943.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

Akala ni Evan ay tama ang desisyon niyang pakasalan ang lalaking pinapangarap niya---hanggang sa ang desisyong iyon ay nauwi sa isang bangungot. Naipit siya sa isang loveless marriage, muntik makunan ng dinadalang sanggol, at sa huli’y nakulong pa ng limang taon. Hindi naman siya masamang tao, ngunit hindi niya alam kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay niya. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, dahil ang dinadala pala niya ay hindi kay Kenneth. Isang pagkakamaling hindi sperm cell ng asawa ang naiturok sa kaniya sa ospital. Dahil sa takot, inilayo niya ang anak kay Kenneth at iniwan ang pangangalaga nito sa isang kaibigan. Paglaya ni Evan, nalaman niyang ang malamig at tahimik na tiyuhing si Kevin ay nagkaroon ng anak habang siya’y nasa kulungan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makaramdam ng kakaibang koneksyon sa bata. Mas lalo siyang naguluhan nang hindi na niya mahanap ang kaibigang pinag-iwanan sa sariling anak. "Ella, kapag nahanap mo ang file ng doktor na iyon para sa akin, I will divorce Kenneth immediately. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang taong inaasam ko buong buhay ko sa kulungan, hindi ako narito para makipag-agawan sa'yo sa asawa ko."
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
He Loves Me, He Loves Me Not

He Loves Me, He Loves Me Not

Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya. Kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din ni Brent iyon. Paano kung nagbago ang lahat nang halikan siya ni Brent? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman no'ng gabing hinalikan siya nito. Pinagbigyan niya ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Romance
109.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Sold to a Hot Zillionaire Priest

Sold to a Hot Zillionaire Priest

Binili ng isang hot na pari si Natashia sa isang underground auction. He is Jacc Tyrone Jade Volcoviks. And she expects luck worse than death. In the auction, she sees the highest bidder steps forward and bid in just one single blow. His face is hidden with a pig mask. Nang nasa kamay na siya nito at gawing sex-slave sa isang private island nito, unti-unting na-reveal ang lahat. Siya raw ang runaway bride nito? Siya raw ang arranged marriage woman? May amnesia raw si Natashia? At siya raw ang dahilan kung bakit nasaktan si Father Jacc? All of that revealed by Father Jacc. Walang alam si Natashia. Pero bakit unti-untinay naging maliwanag sa kaniya ang lahat, lalo pa't nabasa niya ang isang makapal na journal. “I will never belong to you! You are a priest and a sinner, Father Jacc!” sigaw ko kay Father Jacc. Father Jacc smirks at me. “But you already do, my little angel. You are contracted to marry me. You are my runaway bride. You are signed and sold.” Natashia is forced into a contract marriage with Jacc, before she knew it. Iyon ang nakalimutan niya dahil sa isang amnesia raw? Pero ang alam niya, niloloko lang siya ng mga tao na nasa paligid niya. But she vows to fight him at her very best she can do. “Confess your sin, my angel,” Father Jacc murmurs. But I glare at him. “I’d rather die and burn in hell kaysa umamin!” “Then let’s burn together in hell, my angel,” he replies seductively.
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status