Short
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Par:  Momo Isn't WhiteComplété
Langue: Filipino
goodnovel4goodnovel
Notes insuffisantes
9Chapitres
359Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.

Voir plus

Chapitre 1

Kabanata 1

“Elliott, mapapautang mo ba ako ng seventy thousand dollars?”

Agad na napatigil ang masiglang kwentuhan sa loob ng isang private room sa bar na para bang may nagpatay sa switch ng mga ito.

Agad namang nagdilim ang mukha ni Elliott Mason sa kaniyang narinig. Tumitig ang malalim at hindi mabasa niyang mga mata sa akin, naging direkta at hindi matigil ang mga tanong nito. “Seventy thousand? Para saan?”

Bago pa man ako makasagot, nakarinig ako ng isang mahinang tawa na sumira sa katahimikan. Nagmula ito kay Tiffany Taylor, ang kaibigan ni Elliott mula pagkabata na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang tabi.

“Sinbihan na kita, hindi ba? May mga tao talagang nagpapanggap na inosente at puro, agad silang gagawa ng paraan para mahuthutan ka. Mukhang mas importante nga talaga ang pera para sa kaniya kaysa sa iyo.”

Tumusok ang kaniyang mga sinabi, at habang nagsasalita, hindi niya napigilang tumingin nang makangisi sa akin na siyang nagpaikot sa aking sikmura.

Tinitigan ko si Elliott, sa pagasa na ipagtatanggol niya ako, pero hindi siya gumalaw sa kaniyang kinauupuan. Umupo lang siya roon habang pinapakinggan niya nang walang pakialam ang mga sinasabi ni Tiffany.

Napansin ng iba ang kawalan niya ng pakialam, nasusurpresang kumislap ang kanilang mga mata bago magbago ang kanilang mga kilos.

Alam ng marami na ayaw sa akin ni Tiffany. Hindi ako gusto ng karamihan sa mga kaibigan ni Elliott. Naniniwala sila na ninakaw ko ang puwestong nakalaan para kay Tiffany habang ipinapasok ko ang aking sarili sa mundo na hindi naman nararapat para sa akin.

Pangkaraniwan naman akong ipinagtatanggol ni Elliott, maaaring dahil ito sa respeto—o sa takot—kaya sila naging mabuti sa akin. Pero agad na nawala ang pagtitimpi ng mga ito nang manahimik si Elliott.

“Napakalakas naman ng loob mo, Candice. Nagawa mong humingi ng seventy thousand nang ganoon ganoon na lang?”

“Iniisip mo ba na tumutubo na parang mga puno ang pera ni Elliott?”

Agad na nabalot ng panglalait ang buong kwarto.

“Ito ang dahilan kung bakit hindi ka dapat makipagdate sa mahihirap na tao. Dahil sa sandaling gawin mo ito, siguradong magiging charity ka na lang nila.”

“At ang mukhang mga inosente ang pinakadelikado sa kanilang lahat. Hindi nagdadalawang isip ang mga ito sa sandaling manghingi sila ng pera sa iyo.”

“Candice, hindi ba mas mabilis kung manghoholdap ka na lang ng bangko?”

Gumawa naman ang isa sa kanila ng bastos na biro. “Puwede ka rin namang sumama sa akin. Bibigyan kita ng ten thousand. Pagisipan mo ito nang maigi.”

Itinaas ni Elliott ang isa sa kaniyang mga kilay nang marinig niya iyon pero wala pa rin siyang nasabi na kahit ano. Si Tiffany ang nagsalita matapos nitong mapapigil hininga habang nagpapakita ng pekeng takot sa kaniyang mukha. “Huwag ka naman maging ganiyan kabastos. Nanghihingi lang naman siya ng pera, hindi niya ibinebenta ang sarili niya. Baka naman matakot sa iyo ang kawawang babae na ito.” Humarap siya sa akin habang nagpapakita siya ng tagumpay na ngiti sa kaniyang mukha.

Naramdaman ko na para akong isang clown na pinagpipyestahan ng lahat, humiwa sa akin ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig. Nanatili namang tahimik si Elliott habang inoobserbahan niya ako, pinanood niyang mangyari ito na para bang isa itong play puwede niyang pagkalibangan.

Masyadong nakakasakal ang sakit na naramdaman ko pero wala na akong panahon para magpaapekto sa mga ito. Kailangan na ng ina ko ng pera para maoperahan. Nagngitngit ang aking mga ngipin habang humaharap ako pabalik kay Elliott para magmakaawa, “May sakit ang ina ko, Elliott. Kailangan ko talaga ng pera. Kaya pakiusap, maaari mo ba akong matulungan?”

Hindi pa nakakalabas halos ang mga salitang ito sa aking bibig nang muling tumawa si Tiffany.

“Gumawa ka naman ng mas madaling dahilan, Candice. Hindi mo ba alam na ilang milyong beses na naming naririnig ang mga cliché na iyan?”

“Hindi, hindi ito katulad ng iniisip ninyo,” Sinubukan kong magpaliwanag gamit ang nanginginig kong boses. “Biglang inatake sa puso ang mama ko. Kailangan niyang sumailalim sa bypass surgery—"

Bago pa man ako matapos sa pagsasalita, diretsong tumayo si Elliott bago ito maglakad papunta sa akin. Hinawakan niya ako sa baba gamit ang isa niyang kamay para mapatingin ako pataas sa kaniya. Nagdilim ang malalim niyang mga mat ana para bang karagatan sa gitna ng hatinggabi.

“Candice, iniisip mo ba na hindi ko alam ang katotohanan? Nasa opisina pa rin hanggang ngayon ang medical report ng mom mo nitong nakaraang mga buwan. Sinasabi roon na okay ang kaniyang kalusugan.” Nanlamig ang kaniyang boses. “Inatake sa puso? Gaano katagal mo ba pinaplanong magsinungaling sa akin? Mahal na mahal kita pero ito lang ba ang tingin mo sa akin? Isang mangmang na puwede mong gatasan?”

Sinubukan kong alisin ang kaniyang mga daliri pero masyadong mahigpit ang kaniyang pagkakahawak. Hindi ko pa nakikita ang side niyang ito noon—masyado itong nakakatakot, at nanlalamig.

“Hindi… hindi ito kagaya ng iniisip mo! Hindi ako nagsisinungaling sa iyo!” Iyak ko habang nanginginig ang aking boses.

“Dinismaya mo talaga ako ngayon, Candice.” Walang emosyon niyang sinabi. At pagkatapos ay agad niya akong kinwelyuhan bago niya ako itulak papunta sa lamesa.

Direktang tumama ang noo ko sa kanto nito kaya agad akong nakaramdam ng sakit na kumalat sa buo kong katawan. Tumulo ang maligamlam kong duglo sa aking sintido na siyang nagpapula sa aking paningin.

Parang artista namang napabuntong hininga rito si Tiffany. “Maghinay hinay ka lang, Elliott! Babae pa rin siya.”

Hindi naman siya pinansin ni Elliott. Hindi nito inalis sa akin ang nangangalkula at nanlalamig niyang tingin. “Bibigyan kita ng seventy thousand,” sinabi nito sa huli.

Isang sandaling kumislap ang pagasa sa aking mga mata.

Bago siya muling magsalita, “Inumin mo ang bawat bote ng whiskey sa lamesang ito at iyo na ang perang hinihingi mo.”

Natigilan ako sa aking narinig, hindi ako makapaniwala nang tingnan ko siya.

Alam naman nito na hindi ako umiinom.
Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

Pas de commentaire
9
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status