Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Wild Night With Miss Intruder

A Wild Night With Miss Intruder

Birthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
Romance
1086.9K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (26)
Read
Idagdag sa library
rjpasiano13
Kapanapanabik ang bawat chapter Ms. A, ipon lang ako ng coins para mabasa ko pa mga next chapter. Please continue nyo po, sana matapos nyo to at makagawa pa kayo ng maraming story. Nakakakilig talaga. God bless you author.
Lyn Gambito
mahal lan kc ang bayad sa coins ky hind namin masyado binabasa ang manga story don kmi sa mura lan ang coins kung mura lan sana ang bawat chapter u 5 peso bka marami mag basa sa story u mahal 26 bawat chapter u talagan kunti lan
Basahin ang Lahat ng Review
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
Romance
9.5259.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Chasing Her Heart

Chasing Her Heart

Childhood love. Diyan nagsimula ang lahat. Akala ko matamis ang unang pag-ibig. Pero ito pala ang magtuturo sa akin na sa buhay ay hindi puro kasiyahan lamang— na ang reyalidad sa mundo ay may kaakibat na paghihirap at sakit. Ibinigay ko ang lahat na kahit ang pangarap kong maging engineer ay isinakripisyo ko alang-alang sa lalakeng minamahal ko. Akala ko ay sapat na iyon para masungkit ko ang puso niya at ipaalala sa kanya ang mga pangakong binitiwan niya. Pero hindi pa pala sapat kahit na pati sarili ko ay ibinigay ko ng buo sa kanya. Walang kulang, labis-labis na pagmamahal. Lumayo ako dala ang bunga ng aking pagmamahal at ng kanyang kapusukan. Hindi ko sinalba ang sarili ko, sinalba ko ang magiging anak ko. Muli, inakala kong nakalaya na ako sa bulag na pag-ibig. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana— nagkita kaming muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Wala siyang maalala. Ginamit ko iyon para makapaghiganti. Pero hanggang kailan ko lolokohin ang sarili? Hanggang kailan ako tatakbo para hanapin ang sariling minsang nawala dahil sa aking unang pag-ibig?
Romance
225 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
It's My Day, Happy Birthday!

It's My Day, Happy Birthday!

cuttie.psycheDramaCampus
Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.
Romance
104.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Secret Romance

My Secret Romance

Paano kung may makilala kang tao na lahat ng ayaw mong ugali ay nasa kaniya? Isang taong papahirapan at guguluhin ang mundo mo. Meet Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng may pagka-boyish at head over heels sa bestfriend niyang lalaki. Isang babae na lahat ng gugustuhin ay makukuha niya, pero maliban sa isa. Meet Dylan Rodriguez--- ang tahimik, matalino, mayaman, guwapo at masasabi mong Perfect Guy. Ang bestfriend ni Zoe. Dalawang magkaibigan na magka-iba ang ugali. Nagkalayo dahil sa isang maling pangyayari, pero magsasama muli dahil sa isang kasunduan. "Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para sa mahal mo ay dapat nasa akin," nakangising sabi ni Zoe. Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal!" sagot ng binata. One Deal! One Secret! Isang sekretong magpapabago ng mga mundo nila. Isang sekretong may kapalit. Pero paano kung maging malapit sila sa isa't isa at tuluyan nang mauwi sa love? Are they going to prove that total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? "He is my secret. My beautiful little secret," nakangiting sabi ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Dylan.
Romance
105.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
THE MAN WHO BREAKS MY HEART

THE MAN WHO BREAKS MY HEART

Sa kagustuha na makaraos sa pang araw-araw na pangangailan ay kailangang magtrabaho ni Aubree Lyn Corpez sa isang company na mataas magpasahod ngunit malayo naman sa kanyang mga anak na kambal na nasa edad five years old. Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ang magiging boss niya ay ang dating kasintahan na kung saan pilit niya na itong kinalimutan ng ilang taon dahil sa isang pagkakamali na relasyon at dahilan kung bakit inilayo niya ang kanyang mga anak sa tunay nitong ama. Kaya niya bang panindigan na hindi na siya magbibigay ng second chance sa taong nananakit sa kanya kundi ang maghiganti? Ryker Matt Sullivaño ay kilalang ruthless, arrogant CEO/ boss ng isa sa kilalang real estate sa buong bansa. Sa muling pagkikita ng kanyang dating girlfriend, may pag-asa pa kayang maitama niya ang mali ng nakaraan? Paano kung huli na at may mahal na siyang iba?
Romance
1024.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
THE BLIND BILLIONAIRE

THE BLIND BILLIONAIRE

“I don't love you. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay at alam mo ito.” - Audric Villanueva “M-maghihintay ako. Maghihintay ako na darating ang araw na matutunan mo akong mahalin. Hindi ako m-mapapagod na hintayin ang araw na iyon, at kung s-sakaling mapagod man ako, magpapahinga lang ako at muli kang mamahalin ulit, Audric.” - Ffion Sacueza ••••• Isa lang naman ang gusto ni Ffion, ang mahalin ang asawa niya araw-araw kahit sobrang imposible na matugunan ito. Oo, mag-asawa sila pero sa papel lang ito dahil ang totoo, hinding-hindi siya kayang mahalin nito. Isa pa, paano siya magagawang mahalin ni Audric? Lalo na't muling bumalik at pumasok sa buhay nito si Ivony, ang babaeng totoong mahal ng lalaki. Ang babaeng dapat sana ay nasa katayuan niya bilang asawa nito. Ang babaeng pinakamamahal nito. Buntis ang babae. Magiging isang masayang pamilya na ang mga ito. Habang siya? Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang lumayo kahit dala-dala niya sa sinapupunan ang isang gabing inangkin siya ni Audric. Kailangan niyang lumayo kahit parang hinihimay-himay ang kaluluwa niya sa sobrang sakit. . .
Romance
1079.1K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (22)
Read
Idagdag sa library
Jellaixx
sobrang ganda ng nobelang ito! andito lahat e, sakit, kilig, luha, iyak, tawa! Overall nandito lahat na kahit ako ay parang tanga na sumisigaw sa kilig ...... pero wag palinglang sa kilig dahil sobrang sakit din ng kwento ni audric at ffion.,, halos nadurog din ako sa sakit. Highly recommended ko to!!
ICEVILLE
I thought at first na boring basahin to. Yong mga cliche na billionaire's love pero hindi, ibang-iba pala to. Mix emotion habang binabasa ko ito. Mapapaluha ka talaga. Worth Reading! ... Hands up sa otor nito. So far ito pa lang ang billionaire theme na iba ang plot, purong puro at literal na solid!
Basahin ang Lahat ng Review
Finding My Boss A New Secretary

Finding My Boss A New Secretary

Ang boss ko ay may matinding trust issues—at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya, kahit madalas niya akong nasisigawan. Pero kailangan ko nang mag-resign dahil kailangan ako ng ate ko na nasa Dubai. Ang problema? Ayaw akong pakawalan ng boss ko maliban na lang kung makahanap ako ng kapalit… in just three months. Eh choosy pa naman siya! Paano ko ‘to maaayos bago ako maiwan ng eroplano?
Romance
249 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Professor Sweetest Addiction

Mr. Professor Sweetest Addiction

Binibining_Nhor
LOVER BOY SERIES: 1 His Student, Become His Sweetest Addiction. Nakatalikod ako ngayon mula sa stage dahil gusto kong hanapin si Joana pero pagka lingon ko kasabay din ng pag lingon ng isang lalake. Bigla nalang parang tumigil ang oras at huminto ang lahat naka tutok lang ang atensyon at mga mata ko sa lalakeng kaharap ko ngayon it's been a 4 years nung huli ko syang makita mas lalong naging matipuno ang katawan nya kapansin pansin pa rin ang mala abo nyang mata at mapupula nyang mga labi. Ngayon ko lang napagtanto na ang tagal pala namin hindi nagkita. Gustong gusto ko syang yakapin, halikan at sabihin na may anak kami. At dun ko lang napagtanto na ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay ang dating lalake na masasabi kong... He was My Teacher that was Addicted To Me.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status