Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Don. Rafael at napadpad siya sa kabundukan ng Sierra madre. Tinulungan ng dalagang taga bundok ang matandang Don ngunit ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang may sakit nitong lola. Sa pagkamatay ng matanda ay isang lihim ang natuklasan ni Don. Rafael tungkol sa pagkatao ng dalagang nagligtas sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inampon ng matanda ang dalaga. Ang tanging paraan na naisip ni don Rafael upang ma-protektahan ang dalaga laban sa angkan niyang ganid sa salapi ay maikasal ito sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay si Don. Rafael at inihabilin niya ang lahat sa isa nitong apo na si Alexander lll. Labis na nagimbal ang lahat dahil sa huling testamento na iniwan ng matanda at iyon ay kailangang pakasalan ni Alexander ang asawa ng kanyang Abuelo para makuha ng binata ang kanyang mana. Zanella Smith- isang inosenteng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra madre. Isang malaking katanungan para sa lahat ang kanyang pagkatao na tanging si Don. Rafael lang ang nakakaalam. Alexander lll- kilala ng lahat bilang suplado at masama ang ugali ngunit sa pagdating ni Zanella ay biglang nagulo ang noo’y tahimik na buhay ng binata. Paano kung sa huli ay malaman ni Alexander na ang lahat ng yaman na mayroon sila ay napunta sa pangalan ng asawa ng kanyang Lolo, kay Zanella, masunod kaya niya ang habilin ng kanyang Abuelo na kailangang protektahan ang dalaga na ngayon ay asawa niya o katulad din siya ng iba niyang kamag-anak na walang ibang ni nais kundi ang mawala sa landas nila ang dalaga upang mabawi ang yaman na nasa pangalan nito? “Ito ang ikatlong yugto ng kwentong Behind Her Innocence…”
Romance
1011.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER

THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER

Hindi mapupunta kay Shanna Cole ang lahat ng mana na iniwan ng kanyang mga magulang bago sila mamatay at mana ng kanyang lolo at lola kundi mapupunta lang ito sa kanyang step mother o charity kung hindi siya magpapakasal. Hindi man makatarungan na dahilan kaya walang magawa si Shanna Cole kundi ang maghanap ng lalaking magpapakasal sa kanya. Sa sobrang crush niya kay Xyvielle Mornett, kaya niligawan niya ito pero walang epekto sa kanya ang lalaki kaya sa sobrang despirada na makuha ang mana, kaya isa lang ang tamang paraan ang naisip niya. Ito ay kidnapin ang crush n'yang si Mornett para siya ay pakasalan. Magtagumpay kaya si Shanna Cole kung 60 days lang ang palugit ng kanyang lola para mahanap ang mapapangasawa niya? Paano kung pumayag ang lalaki na magpakasal sa kanya pero natuklasan ni Shanna na maling tao pala ang kinidnap niya. Handa na ba siyang mawalan ng mana o ipagpatuloy niya ang plano kahit ikakasal na sa iba ang taong natutunan na niyang mahalin?
Romance
106.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE LINK

THE LINK

Chi Jads
Isa lamang ang nais makamit ni Saxira at iyon ay ang mahanap niya ang pumatay sa kaniyang lola matagal na panahon na ang nakalilipas. Siya ay mayroong espesyal na kakayahan at iyon ay ang nakikita niya ang mga taong mamamatay sa pamamagitan ng kaniyang mga panaginip. Bukod pa rito, nakikita rin niya ang mga sundo ng kamatayan o tinatawag na soul reapers. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang cold at masungit na soul reaper na si Xyu. Isang link na sumpa ang nag-uugnay sa kanilang pandama. Dahil sa sumpang ito, nag-desisyon sila na humanap ng paraan kung paano ito mapuputol ngunit ito pala ay magiging susi upang matuklasan ang mga krimeng naganap ilang taon na ang nakalilipas. Isang mapait na krimen na magbibigay linaw sa kanilang tunay na pagkatao. Sino nga ba talaga sila at ano ang kanilang nakaraan sa likod ng krimen na kanilang matutuklasan?
Mystery/Thriller
101.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
6.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hot Night With CEO

Hot Night With CEO

Hindi alam ni Lia kung bakit napakamalas niya pagdating sa pag-ibig, twenty-eight years old na sya ngunit NBSB pa rin na maging ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay nababahala na rin… Na nagtulak sa kaniya para pumasok sa isang night bar. “Don’t be nervous, Lia, matutuwa ka sa main event ng bar na ito!” Saad ng kaibigan niya habang nakatanaw sa entablado. Bago pa man makakibo si Lia at nagsimula ng maghiyawan ang mga babae sa paligid, isang lalaking naka-mask ang lumabas na tanging brief lamang ang suot. “The bidding will start now!” anunsyo ng MC sa gilid. “29 thousands!” Sigaw ng isang babae na nagpatahimik sa lahat. “29 thousands, going twice, going trice, wala na bang hahabol?” Muling tanong ng MC. Hindi alam ni Lia kung ano ang pumasok sa isip niya para itaas ang kamay, “30 thousand!” Sigaw niya bago pa man i-close ang bidding. “30 Thousand, the bidding is close! You’ll have one night with him!"
Romance
1031.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A Perfect Man For Me (Filipino)

A Perfect Man For Me (Filipino)

Isabel Rodriguez is working as a journalist for six years and she was assigned to interview Callix Montero who is a well-known businessman. Callix Montero is not only a businessman, he's also a billionaire. He's handsome. He's hot. A lot of women are fantasizing him. Unang kita pa lang niya dito ay aminado na siya sa sarili niya na gusto na niya ito. Akala ni Isabel ay mai-interview na niya ang guwapong si Callix ng araw na 'yon ngunit hindi pa pala. Callix told her that he'll only allow her to interview him if she would have sex with him. Hindi siya puwedeng magsumbong sa editor-in-chief nila dahil nalaman niya na pamangkin si Callix nito. Kahit magsumbong siya ay wala siyang magagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. Pumayag si Isabel na makipag-sex kay Callix para ma-interview ito. Mahal niya ang kanyang trabaho at kapag hindi niya nagawa 'yon ay posibleng mawalan siya ng trabaho. Dahil sa pagpayag niyang 'yon sa nais na mangyari ni Callix ay tuluyan na ngang nagbago ang takbo ng buhay niya. Habang tumatagal na nakakasama niya ito ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya? Ano'ng gagawin niya? Is he the perfect man for her or a perfect man to destroy her life forever?
Romance
3.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Secretly Married To My CEO

Secretly Married To My CEO

Malaking halaga ang kinakailangan ni Colleen Perez para mabili ang bahay na kanyang nais para sa kanila ng kaniyang kapatid. Ngunit dahil hindi sapat ang kanyang ipon ay pumunta siya sa bangko para kumuha ng loan. At ang housing loan lamang ang available para sa halaga na kinakailangan nya. Hindi naging madali ito dahil hindi pa siya pasado sa kwalipikasyon. May kinakasama o dapat kasal na ang maaaring maka avail lamang ng loan na ito. Dahil dito tinanggap niya ang alok ng kakilala niyang lola na makipag blind-date sa kaniyang apo at pumayag sa alok nitong kasal. Ang hindi niya lang inaasahan ay boss niya sa trabaho ang magiging ka blind-date niya at agad siyang pumayag sa idea na sila ay magkaroon ng isang contractual relationship sa loob lamang ng isang taon.
Romance
395 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1074.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3940414243
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status