Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1012.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Romance
1016.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1024.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Dealing With The Arrogant CEO

Dealing With The Arrogant CEO

It's just a deal, but destiny was playful sometimes. Sa halip na ipakulong dahil sa ninakaw niyang singsing matapos ang kanilang one-night stand, pumayag si Cassandra sa deal ni Stefan na pakasalan ito. She got the benefits she wants, ang matustusan ang paggagamot sa kaniyang type 1 diabetes. Tiniis niya ang aroganteng binata para lang maresolba ang kaniyang problema. Ngunit ang desisyon pala niyang iyon ang magdadala sa kaniya sa mas mabigat na responsibilidad, ang lihim na pag-ibig sa binata. Hanggang kailan niya matitiis ang sarili gayung nangako siya sa ex-girlfriend at babaeng mahal ni Stefan na isang taon lang ang marriage agreement? Palalayain ba niya ang hinaing ng puso o magpaparaya?
Romance
1025.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin

Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin

Napagkamalan si Candice na kasabwat sa pagkidnap sa 'anak' ng pinakamayamang tao sa Puerto del Cielo, si Sebastian Monte Bello. Pero hindi lang ito basta mayaman, makapangyarihan din ito, arogante antipatiko, at walang modo. Pero bakit sa halip na magalit siya dito, kabaliktaran noon ang nararamdaman niya. She was slowly falling in love with him. Paano nga ba namang hindi? Ito na yata ang pinaka-gwapo at pinaka-seksing nilalang na nakilala niya kahit na nakatalikod! Pero paano kung ang kapalit ng pagmamahal niya dito ay isang nakaambang panganib? Susugal pa ba siya?
Romance
108.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sino Ang Nagsisisi Ngayon

Sino Ang Nagsisisi Ngayon

Si Macie Smith ay kasal kay Edward Fowler ng dalawang taon na—dalawang taon na pagiging housekeeper ni Edward, walang pagod na naging tapat at mapagkumbaba. Dalawang taon ay sapat na para maubos ang bawat butil ng pagmamahal niya kay Edward. Ang kasal nila ay natapos nang bumalik mula sa ibang bansa ang first love ni Edward. Simula ngayon, wala na silang kinalaman sa isa’t isa. Wala na silang utang sa isa’t isa. “Hindi na ako bulag sa pag ibig, Edward. Sa tingin mo ba ay susulyapan pa kita kung nakatayo ka sa harap ko ngayon?” … Pinirmahan ni Edward ang divorce papers, hindi nag aatubili. Alam niya na mahal siya ni Macie ng higit pa sa buhay mismo—paano siya iiwan ni Macie? Hinihintay niya na pagsisihan ni Macie ang lahat—babalik si Macie ng luhaan, nagmamakaawa na tanggapin siya ni Edward. Gayunpaman, napagtanto ni Edward na mukhang seryoso si Macie ngayon. Hindi na mahal ni Macie si Edward. … Noong tumagal, lumabas ang katotohanan, at nabunyag ang nakaraan. Sa huli ay nagkamali si Edward kay Macie noon. Nataranta siya, nagsisisi, at nagmamakaawa kay Macie upang patawarin siya. Gusto niyang makipagbalikan. Sa sobrang irita ni Macie sa ugali ni Edward ay nagpadala siya ng notice na nagsasabi na naghahanap siya ng asawa. Sa sobrang selos ni Edward ay halos mawala siya sa tamang pag iisip. Gusto niyang magsimula muli, ngunit napagtanto niya na hindi man lang siya pasok sa minimum requirements.
Romance
1.6K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
Romance
1027.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Nightly Obsession (SPG)

Nightly Obsession (SPG)

Warning: This Book is not suitable for young readers or sensitive minds. Some parts contains graphic sex scenes, adult languages and situations intented for mature readers only! Ilang taon niyang itinago ang anak sa kanyang ex nang lokohin at saktan siya nito. Ngunit hindi niya akalaing sa kanilang muling pagkikita ay mapapatunayan niya sa kanyang sariling hindi lamang ang anak nila ang itinago niya, itinago niya rin ang hindi mawalang pagmamahal niya dito, kahit pa sa ilang taong hindi sila nag kita ay ibang katauhan na nito ang madadatnan niya, malayong-malayo na ito sa dating buhay nito noong iwan niya. Naibalik man ang dating init ng bawat tagpo at gabi sa pagitan nila, buo pa rin anv pasya niyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak na itinatago niya. Ngunit nang minsang manganib ang buhay ng kanyang anak, nawalan siya ng ibang pagpipilian kundi ang lapitan ang lalaki at humingi ng tulong dito. He gave her only one option. BE WITH HIM, BACK HOME AND TO HIS BED!
Romance
1026.7K DibacaOn going
Baca
Tambahkan
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1018.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
ANG NABUNTIS KONG PANGIT

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

TRENDING: Ang panget na si Yolly Peralta, nabuntis ng Campus Heartthrob na si Andy Pagdatu! Miserable ang buhay ni Yolly sa Sanchi College dahil laging tampulan ng tukso ang kanyang kapangitan. Pero dahil sa isang selfie, napalapit siya sa campus heartthrob na si Andy Pagdatu at naging kaibigan pa ito. Naging close pa sila sa close. Pero paano kung isang gabing ay malasing sila? Tapos magbubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit at si Andy raw ang ama? Matatanggap kaya ni Andy na nakabuntis siya ng pangit? At ang tanong, totoo nga kaya na buntis si Yolly?
Romance
1022.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4041424344
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status