Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
107.5K viewsCompletedAdded to Library 240 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
9.937.6K viewsCompletedAdded to Library 1.5K Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Something Borrowed

Something Borrowed

SELCOUTHLOVE
Nakauwi si Misha sa pamilya at fiance niya pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog dahil sa coma. Sa pagbalik niya, kasabay ng pagtuklas ng katotohanan na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang mga magulang ay nalaman din niyang engaged na sa iba ang lalaking pinakamamahal niya. Sa isang iglap nawala ang lahat sa kanya. Pero isang bagong pangyayari ang dumating sa buhay niya na nag-udyok para hiramin niya ang buhay ng isang babaeng kamukha niya. Hanggang saan siya dadalhin ng pagpapanggap niya? Kakatok ba ang pag-ibig sa puso niya habang nagpapanggap siya?
1.7K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Sweet Summer With Mr. Millionaire

Sweet Summer With Mr. Millionaire

Sa batang puso ni Nikka ay minahal na niya ang kanyang senyorito ngunit ang kanilang katayuan sa buhay ay hadlang sa sumisibol niyang damdamin. Sa patagong paraan ay inalagaan niya ang pagtangi sa amo niyang hindi niya malaman kung pinaglalaruan ba siya o may pagtingin din sa kanya. Ang lahat ng pangarap at pagasa ni Nikka ay naglaho dahil sa isang kasinungalingan at isang katotohanang kailangan niyang harapin. Sa kanyang pagbabalik ng Hacienda makalipas ang ilang taon, muling sumariwa ang pait at sugat ng una niyang pagibig at pagkabigo. Ngunit muli rin naman nabuhay ang apoy ng pagmamahal niya ng muling makita ang amo at kababatang hindi niya malaman kung bakit namumuhi na sa kanya ngayon.
107.8K viewsCompletedAdded to Library 240 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
The Twin Mistake with Mr. CEO

The Twin Mistake with Mr. CEO

Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne Miguel Ventura, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa at nobyo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ang problema nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa dahilan upang itakwil siya ng kanyang ama dahil hindi niya masabi dito kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Tumakas at nagtago si Rebecca kasama ng lihim na pilit niyang itinatago tungkol sa tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang mahigit anim na taon, muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne ngunit sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanya daliri. Kaya ba niyang tumakas at magtagong muli sa pangalawang pagkakataon?
10131.9K viewsCompletedAdded to Library 4.1K Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Wife of Mr. Azrael Alcazar

Wife of Mr. Azrael Alcazar

Si Alora Hazel Valezka ay dating babaeng walang pangalan at pamilya na ang ikinabubuhay lang ay ang pamamalimos. Nakuha niya lamang ang pangalan na iyan sa isang nawawalang bata sa simbahan at iyon ang ginamit niya noong tanungin siya ng dumukot sa kanya kung sino siya. Iyon din ang dahilan kung bakit nakilala niya si Azrael Alcazar na nagbigay sa kanya ng offer na maging stand-in wife siya ng lalaki. Sa pag-asang makakawala siya sa kamay ng dumukot sa kanya ay pumayag siya sa gusto ni Azrael ngunit makakawala din ba siya sa kamay ng tadhana? Ano naman ang mangyayari kung bumalik ang totong Alora Hazel Valezka?
104.1K viewsOngoingAdded to Library 82 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
The CEO's Unwanted Bride

The CEO's Unwanted Bride

Leona D.
Mahigit dalawang taon na pilit itinatago ni Britanny at ng kanyang kasintahan ang kanilang relasyon sa kaniyang mga magulang. Bagamat mahirap ito para sa kanila ay nakukuntento naman sila sa kanilang sitwasyon.Palihim silang nagkikita, nag-iintay nang tamang panahon upang maipagtapat ito sa kaniyang mga magulang. Ngunit sa isang araw lamang ay nagbago ang lahat. Ang buhay ni Britanny ay tila naging isang bangungot ng sa kaniya iniatang ang responsibilidad na hindi naman dapat sa kaniya. Kaya ba niyang panindigan hanggang huli ang napakalaking responsibilidad na ito? Magpapadala na lamang ba siya sa agos ng tadhana na tila iginuhit sa kanyang palad ng kanyang mga magulang?
3.0K viewsOngoingAdded to Library 121 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
The Billionaire's Mark

The Billionaire's Mark

One night. One stranger. One mark that changed everything. Averylle Jasmine Yñigo has it all beauty, wealth, and power. Pero sa likod ng tagumpay niya ay isang mundong kontrolado ng mga lalaking ginagamit siya bilang tulay sa negosyo, lalo na ang ama niyang mapag-kalkula at ang boyfriend niyang sinungaling at manloloko, si Sam Reyes. Pagod na si Ave sa kasinungalingan at pananakit, kaya isang gabi, pinili niyang tumakas at doon siya napunta sa mga bisig ng isang estrangherong nag-iwan ng marka sa kanyang balat… at sa kanyang buhay. Pagkalipas ng ilang linggo, muli silang nagtagpo sa isang corporate event, sa pinakahuling taong inaasahan niyang makita. Aiden Ethan Blackthorne, the cold, powerful billionaire owner of her company… at ang lalaking tumatak sa kanya noong gabing iyon. Ngunit hindi tadhana ang naglapit sa kanila, kundi paghihiganti. Ethan believed Ave’s family was responsible for his late fiancée’s death a lie carefully crafted by Sam and Ethan’s current fiancée, Celeste Navarro. At sa gitna ng pagnanasa at galit, ginamit niya si Ave para sa kanyang kagustuhang makagpaghiganti hanggang siya mismo ang mahulog sa bitag ng damdamin. Pero habang lumalalim ang koneksiyon nila, lumalim din ang dilim sa paligid. Sam’s obsession turns deadly, leading to an ambush that leaves Ave’s mother comatose a tragedy that breaks everything apart. Deceived by lies, trapped by love, and haunted by the mark of her past. Is love still worth of saving even if it's started as revenge?
102.5K viewsOngoingAdded to Library 96 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
1012.6K viewsOngoingAdded to Library 466 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status