Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
OVEN

OVEN

Imelda Aviles
Si Carlo Tavez nag iisang namumuhay sa mundo. Akalain niyo ba naman mula ng nagkaisip siya ay hindi na niya nasisilayan o makita man lang ang kanyang ama. Ang kanyang ina lamang ang kanyang nakakasama hanggang sa lumaki siya. Subalit sa kasawiang palad ay biglaan ang pagkamatay nito dahil sa isang kagimbal gimbal na aksidente. Lumaking walang mga magulang si Carlo. Dahil masipag ito at hindi umaasa sa mga kamag anak ay matiyagang namuhay mag isa ang binata. Hanggang sa nakapagtrabaho ito ng maganda. At binigyan sila ng break ng kanilang CEO. Sino mag aaakala na halos kalahating taon ang binigay sa kanila na bakasyon. Laking tuwa ng mga ito ngunit ang ipinagtataka nila bakit ang tagal ng kanilang bakasyon anim na buwan. Dito pala makikita ni Carlo ang kanyang ama na matagal nang nawala. Dito niya matutuklasan ang katotohanan ng matagal na niyang hinahanap ang mga kasagutan. Ang mga sigaw na lagi niyang naririnig mula ng bata pa siya magpasa hanggang ngayon ay dito lang pala niya malalaman ang mga katotohanang nagaganap . Ang kanyang laging nakikita sa panaginip . Ang taong sumisigaw at humihingi ng saklolo. Ang taong sinaksak, pinaghiwa hiwa ang mga laman nito na parang karne. Ginawang chop at nilagyan ng paminta , asin, soysauce, bawang , sibuyas, asin , sugar. Saka minarinate ng dalawang oras . Pagkatapos ay nilagay sa oven niluto at pagkatapos ay inihain sa mesa at kinain. Brutal ang pagpatay at talagang hindi makatao ang ginawa . Ano ang intesiyon ng kanilang Ceo bakit sila pinadala sa isang forest para magbakasyon. Ano ang magiging papel ng kanilang Boss sa kwentong ito. Bakit parang weird ang kanyang mga galaw. Abangan niyo mga tagpong kagimbal gimbal dito lang yan sa aking kwentong oven. Sana po ay tatangkilin niyo po ang aking obra maestra at inyong subaybayan ang mga tagpo . Salamat po..
103.3K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as batang bata
Read
+Library
An Affair To Remember

An Affair To Remember

WARNING: Masarap ang bawal na pag-ibig- nakakabaliw! nakakapanabik! nakakawala ng wisyo! Naghihimagsik ang puso't isipan ni Clarisse ng malaman niyang nagpakasal ang kanyang ina sa batang-batang lalake na halos matanda lang sa kanya ng ilang taon ayon pa sa nabalitaan niya.Hindi niya na sana naisin pang umuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa nalaman. Kaya niyang tikisin ang ina kahit pa ilang taon at kahit sa huling araw nito sa mundo dahil sa matinding pagkasuklam niya rito.Namatay ang kanyang ama sa sama ng loob dahil sa pangangaliwa ng ina.Sa pagkamatay ng ama sabay niya ring kinalimutan ang ina at nagpakalayo-layo sa Amerika.Tahimik na sana ang buhay niya kung hindi lang dahil sa nalaman niyang masamang katotohanan na wala siyang mahihita ni isang kusing na kayaman kung hindi siya uuwi ng Pilipinas at makikisama at titira sa iisang bubong kasama ang ina at kanyang stepdaddy na isa pa lang kasalukuyang gobernador ng kanilang probinsiya. Paano niya mapaglalabanan at maiiwasan ang tukso ng mabagsik na karisma ng kanyang super hunk and sexy stepdaddy na si Christopher Del Fuego, ang lalakeng matagal niya ng gusto buhat ng siya'y labingwalong taon pa lamang ngunit ang tingin nito sa kanya ay bata at hindi kaibig-ibig. Hindi man lang siya nito tinatapunan ng pansin kahit ipinagduldulan niya na ang sarili noong nasa nasa unang taon niya pa lang sa kolehiyo at nasa huling taon na sa university ng binata .Kasabay ng kanyang paglalayas ay sinundan at hinanap niya ito sa America ngunit nabigo siya. Sa kanyang pag-uwi, magkrukrus muli ang landas nila ng binata na ngayon ay kanyang stepdaddy. Paano kung hindi lang pala stepdaughter ang tingin sa kanya ni Chris? May mamuo bang matinding pagnanasa sa isa't isa kahit alam nila na bawal ang kanilang pag-iibigan?
105.0K viewsOngoingAdded to Library 105 Times as batang bata
Read
+Library
Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
1025.4K viewsCompletedAdded to Library 686 Times as batang bata
Read
+Library
PREV
1
...
434445464748
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status