Owned by the Devil
“Ang ibon na yon ay parang tao lang. Kapag masyado na pong toxic ang kapaligid sa ‘tin, magkakasakit tayo. Kung hindi man physically, pwedeng mentally at emotionally. It could be draining. Kaya mas mainam na umalis sa environment na ‘yon kaysa magkasakit ka.”
That made her smile even more. “Ang dami niyo pong alam na words of wisdom, Manong.”
Mahina itong natawa. “Marami na rin po kasi akong naging pasahero. ‘Yung iba, umiiyak at kinakausap ako lalo na kapag mahaba ang biyahe kaya marami na rin akong napapayuhan.”
“Ganon po ba,” she said and nodded. “Can I ask another question?”
인기 회차