Vengeance of the Ugly Assistant
BrownEyes
Mahirap mabuhay sa mapanghusgang mundo , lalo na kung ikaw ay nabibilang sa hanay ng di gaanong kagandahan. Tukso , panlalait at pandidiri ang makukuha mo.
Si Nathalia Montessa ay isang Executive Assistant . Hindi ito kagandahan at madalas ay tampulan ng tukso dahil sa itsura nito. Siya ay iibig sa kanyang boss na si Luisito Monteverde na isang napakagwapo na CEO. Kapalit ng sampung milyong piso ay makikipagrelasyon ang binata sa kanyang Assistant . Sobrang kinadurog ng puso ni Nathalia nang malaman ang pangloloko na ginawa sa kanya ng lalaking iniibig.
Ito ang magtutulak sa kanya para magparetoke at mabuhay sa bagong katauhan. Paano nga ba niya isasagawa ang kanyang paghihiganti bilang si Rosalia Montes , isang sikat na modelo. Magtatagumpay ba siya sa pagdurog sa puso ni Mr. Monteverde o siya mismo ang mahuhulog sa sarili niyang paghihiganti?