Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)
Tempting My Dad’s Irresistible Best Friend (SSPG)
“I’m your dad’s friend, your boss… but tonight, I only want you, baby girl.”
***
Hindi inakala ni Engr. Andrea Ramirez na ang isang gabi na puno ng saya at kalibugan ay kayang baguhin ang buong mundo niya. Isa lang dapat itong walang kahulugang one-night stand—isang hamon mula sa kaniyang mga kaibigan, at pagkakataon para patunayan na hindi na siya bata sa mata ni Luca.
Ngunit kinabukasan, ang estrangherong hindi niya matigil na iniisip… ay walang iba kundi si Luca Romanov. Her dad’s best friend. Her boss. Her protector. At ang lalaki na matagal na niyang hinahangaan—ang kaniyang lihim na paghanga na akala niyang hindi niya kailanman makakamtan.
Si Luca ay kaakit-akit, puno ng kumpiyansa sa sarili, at tila walang balak magseryoso sa pag-ibig dahil halos ang trabaho na lamang ang pokus niya. Ngunit sa kabila ng propesyonalismong iyon, hindi maiwasang madama ni Andrea ang kakaibang tensyon sa pagitan nila—isang apoy na hindi niya kayang patayin.
Alam ni Andrea na mali at delikado ang pagsasama ng trabaho at pagnanasa. Pero bawat tingin, bawat galaw, bawat salita ni Luca ay pumupukaw sa kaniya. Hindi niya maitatanggi ang nararamdaman, at sa bawat sandali, nahuhulog siya nang mas malalim sa lalaking matagal niyang pinapangarap.
Wala siyang ibang plano kundi paibigin si Luca. Handa siyang ilagay sa panganib ang lahat—ang kaniyang reputasyon, ang kaniyang trabaho, at ang kaniyang puso—upang mahulog sa kaniya ang kaibigan ng kaniyang ama. Ngunit hanggang saan siya handang magtiis bago tuluyang masunog sa apoy ng kanilang ipinagbabawal na pagnanasa?