His Wild Mistake
Eunwoo_bluedust
Si Isabel Herrera ay may tinatakasan na nakaraan. At sa murang edad na labing-siyam ay nagsimula na siyang magpalipat-lipat ng tirahan kasama ang kaniyang anak na lalaki at yaya Lorna na itinuring niya ng parang tunay na ina simula nang pumanaw ang kaniyang biological mom na si Elina. Pagod na pagod na siya sa ganoong routine subalit sa kagustuhang takasan ang bangungot ng kaniyang nakaraan ay wala siyang nagawa kung 'di ang gawin iyon.
Nakatatak na sa isipan ni Isabel na hinding-hindi siya magpapapasok ng kahit na sinumang lalaki sa kaniyang buhay kaya lahat ng nanliligaw sa kaniya ay binabasted niya lang. Kahit nga pagkakaibigan lang ay hindi niya pinapahintulutan ang mga ito.
Ayon pa nga sa kaniya ay okay lang mamatay siya na walang ibang lalaki sa buhay kung 'di ang anak niya lang .
Subalit isang gabi, habang sinusubukang tumakas sa isang birthday party ng kaniyang kasamahan sa trabaho na ginanap sa isang engrandeng hotel ay bigla na lamang may humila sa kaniyang matipuno at ubod ng gwapong lalaki.
Sobra-sobra ang pagpupumiglas na ginawa niya sa mga sandaling iyon pero dahil mas malakas ito ng ilang beses sa kaniya ay walang kahirap-hirap siyang nadala ng lalaki sa isang malawak at engrande ring silid.
At doon isang mainit at masarap na gabi ang kanilang pinagsaluhan.
Napamura pa siya sa isipan kinaumagahan nang bigyan niya ito ng huling sulyap bago umalis. Ang lintik naman kasi, hindi manlang nabawasan ng kahit kaunti ang kagwapuhan kahit tulog at gulo-gulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot niya.
Hindi makapaniwala si Isabel sa pangyayaring iyon. Hindi niya akalaing ganoon na lamang siya kabilis na bumigay sa lalaking kahit pangalan ay wala siyang kaide-ideya.
Lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaking iyon na kaniyang nakatalik ay isa pala sa dahilan kung bakit patuloy siyang tumatakas sa nakaraan.