Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO'S Secretary

The CEO'S Secretary

Bilang CEO ng Montenegro Cars Inc., kilala siya sa kanyang hindi mapaglabanang dominanteng presensya, na nagiging dahilan upang siya ay pagpantasyahan ng maraming kababaihan. Gayunpaman, kilala rin siya sa kanyang malupit na taktika sa negosyo. Ano ang mangyayari kapag nagkrus ang landas niya sa isang babaeng lampa at nakakainis na umabala sa isa sa kanyang mahahalagang board meeting?
Romance
215 viewsOngoing
Read
Add to library
TO LOVE A BILLIONAIRE

TO LOVE A BILLIONAIRE

Lumaking puno ng pagmamahal si Jayda ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Jethro Montenegro, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Jethro na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya? Jethro Montenegro Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na minsan hindi niya nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Jayda sa kanya?
Romance
10177 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng walong taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Trinidad ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang divorce papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
102 viewsOngoing
Read
Add to library
In the Shadow of Power

In the Shadow of Power

In the Shadow of Power 💼 Romance / Corporate Drama / Mature (18+) Ayaw naman talaga ni Cassandra Vale na maging CEO ng Vale Industries—pero nung biglaang nawala ang kanyang ama, wala siyang choice kundi akuin ang responsibilidad. Bata pa siya, matalino, pero baguhan sa mundo ng business empires. At ngayon, kailangan niyang harapin ang board na duda sa kanya, ang media na laging may masasabi, at ang mga kalabang handang agawin ang trono niya. Doon bumalik si Damien Kade. Ang lalaking tinawag ng lahat na traydor. Dating top executive ng kalabang kumpanya, sinisisi siya sa halos ikalugmok ng negosyo ng pamilya ni Cassandra. Tahimik, mapanganib, at may karismang mahirap tanggihan—siya ang huling taong dapat pagkatiwalaan ni Cassandra. Pero sa desperasyon niyang maisalba ang Vale Industries, pinili niyang ibalik si Damien. Lihim, laban sa kagustuhan ng board at ng buong mundo. Habang magkasama silang lumalaban sa corporate wars—sa mga lihim na kasunduan, mga banta ng takeover, at mga panganib na di nakikita—unti-unting humihigpit ang tensyon sa pagitan nila. Ang inakala niyang laro ng kapangyarihan at survival, naging apoy na mahirap nang patayin. At habang lumalalim ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, mas lalo silang napapalapit sa bangin ng pagkawasak. Pero sa mundo kung saan nabibili ang loyalty at ang pagtataksil ay parang business deal lang—paano malalaman ni Cassandra kung alin si Damien: ang taong magliligtas sa imperyo niya... o ang magpapabagsak nito?
Romance
79 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status