Arianne's Revenge
Simpleng buhay lang ang pangarap ni Arianne Arevalo. Mula sa simpleng pamilya na nangangarap na makaahon sa kahirapan na naging dahilan para iwan ni Arianne ang pinakamamahal na Palawan at lumuwas ng Cebu upang makapagtrabaho.
Subalit hindi trabaho ang kaniyang natagpuan kundi isang kabaliwang tradisyon ng pamilya Del Fuego.
Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa? Bakit siya ang napili maging biktima?
Cards is game of luck. Pero paano kung sa larong pusoy, lamang ang madaya?
Sa bawat araw na muli siyang nabuhay sa ikalawang pagkakataon, walang ibang sinisigaw ang puso at isip niya....
Paghihiganti!
Isang salitang itinatak na niya isip sampu ng kaluluwa niya!
Hindi siya titigil hanggat di nakakamtan ang hustisya!
Babawiin niya ang lahat ng dapat ay nasa kaniya.
Hanggang saan aabot ang kaniyang paghihiganti?