Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. CEO, Marry My Mommy

Mr. CEO, Marry My Mommy

Hindi akalain ni Guia Cordero na pagtataksilan siya ng kanyang boyfriend na si Renz at best friend na si Melinda. Sa sobrang sama ng kanyang loob, naglasing siya. Isang misteryosong lalaki na nangagalangalang 'John' ang nagligtas sa kanya sa isang ma***k. Kinabukasan, natagpuan na lang ang sarili niyang walang saplot kasama si John. Tumakas siya bago pa man ito nagising. Nagbunga ang isang gabing iyon at nalaman ng kanyang magulang dahilan para ipatapon siya sa Australia dahil sa kahihiyan. Limang taon ang nakalipas, muli siyang nagbalik para kitain ang amang may sakit, kasama ang kambal na anak. Unang araw pa lang sa trabaho nagkasalubong na ang kanyang mga anak at ang among si JJ Larsen. "Mr. CEO, Marry My Mommy," sabi ng isa sa kambal.
Romance
1091.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang asawa kong Bilyonaryo

Ang asawa kong Bilyonaryo

Walang magagawa si Stella kundi ang sumunod sa huling hiling ng kumupkop sa kaniya at tumayong ina na pakasalan ang kaisa-isa nitong anak. Mayroon itong malubhang sakit at may taning na ang buhay ngunit ang hindi niya inaasahan na ang lalaking anak nito—si Ace Alcantara—ang ama ng kaniyang anak. Apat na taon na ‘rin ang nakakaraan mag-mula ng magkita ang dalawa. Magagawa ba nilang lutasin ang problema sa nakaraan ng magkasama o hahayaan nila na lamunin sila ng nakaraan at tuluyan nang magkalayo?
Romance
10141.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ex-wife Return: Love Me Again

Ex-wife Return: Love Me Again

Si Avigail ay ikinasal sa isang mayaman, gwapo at matalinong lalaki na si Dominic Villafuerte. Sa tatlong taon nilang kasal, hindi man lang siya tinabihan ni Dominic. Kaya naman, ginamitan niya ito ng drugs para makasama niya ng isang gabi. Matapos iyon ay umalis siya at nag-iwan ng annulment paper para kay Dominic. Umalis siya ng bansa at nag-aral ng husto. Ngunit nalaman niyang siya ay buntis sa triplets. Kahit natatakot, itinuloy niya ang kaniyang pagbubuntis. Iyon nga lang, mahina ang bunso at nag-iisang babae sa triplets at idiniklara itong patay ng ipinanganak. Malipas ang anim na tayo, kinailangan niyang bumalik sa bansa dala ang kambal na kamukha ng ama niyo. Ngunit nalaman niyang may anak ang lalaki na kasing edad ng anak niya. Anak niya kaya ito sa ibang babae? Paano kung malaman ni Avigail na ito ang anak niyang akala niya patay na? Anong kahahantungan ng kanilang relasyon?
Romance
1095.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY PROFESSOR IS MY HUSBAND

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND

I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Business Administration. 3rd year na ko. Oh if it isn't obvious. I'm already married. I'm the secret wife of my obnoxious professor Thunder Rein Montenegro Written by: @KayeEinstein
Romance
9.2158.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
I Accidentally Sleep With My Boss

I Accidentally Sleep With My Boss

Veronica is an intern who join a company outing. Sa kagustuhan niyang makilala pa ang kasamahan, sumama siya sa isang kasiyahan ngunit ang kasiyahang iyon ay magdudulot ng malaking pagbabago sa kan'yang buhay. At ang kaunting alak na 'yon ang nagpalimot sa kan'ya sa reyalidad. After two months Veronica discovered that she was a pregnant. Ang isang gabi ay nagbunga na hindi niya matatakasan. Paano niya matatakasan ang daddy ng kan'yang mga anak kung magkawangis ang mga mukha nito. "Hindi ka pwedeng mag resign, Veronica, lalo na't hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang mga anak ko???
Romance
9.5147.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.871.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Im Inlove With My Nanny?

Im Inlove With My Nanny?

"I'm glad you're not my past, but I want you to be my present. And only you in the future until it last Zafy." Zafira Mejia is a run away seniorita of Rancho Mejia at ang nag-iisang anak nina Don at Donya Mejia. She was born with a golden spoon, at ultimo pagsalin ng tubig ay may gumagawa para sa kaniya. Nagbago ang lahat ng lumayas siya upang takasan ang sinasabi niyang "matandang hukluban na amoy lupa." Na dapat sana'y ipakakasal sa kaniya, na kahit sa panaginip ay hindi niya man lang kayang ilarawan ang mukha. Hanggang sa natagpuan niya na lang ang siriling nag aapply bilang isang kasambahay sa mansion ng napakagwapo ngunit ubod ng sungit na si Justine Cortes. Ang lalaking ni pagngiti ay hindi magawa. At halos isumpa ang lahat ng kaniyang ginagawa. Kaya kayang tumagal ng isang hacienderang seniorita ang maging yaya ng amoy baby at gwapo pero nuknukan ng sungit niyang alaga?
Romance
1093.4K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (21)
Read
Idagdag sa library
Paupau
Hello po... Natutuwa ako na hanggang ngayon ay may nagbabasa at sumusuporta pa rin sa kwentong ito ni Justine and Zafira. Thank you big time po sa lahat! Sa mga nagtatanong po kung mayroon po bang story ang friends ni Justine, YES po meron po. Originally, Series po tlga... See comments section po
Maricar Palaming
ang ganda .. feeling ko kapatid ni zafy si lenny .. sna dto na lng sa story ni zafy at justine sinulat un kng mgkapatid nga sila .. mejo magulo lng ung part ni nico lenny and blue .. di ko pa nmn nbbsa ung promiso rota story ni nico and lenny .. pro bkt ganun author ? sa pgkakaalam si nico mahal nia
Basahin ang Lahat ng Review
Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Hot Sugar Mommy (Tagalog)

Kwarenta anyos na si Romana ngunit never na sumagi sa kaniyang isip ang pag-aasawa. Nasa kaniya na halos ang lahat; talino, ganda, marangyang buhay, at koneksiyon . . . kabiyak na lamang ang kulang. Hanggang sa nakilala niya si Vincent. Isang lalaki na namasukan bilang dancer sa bar upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang asawang may sakit sa puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napukaw ang interes ni Romana ng isang lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay nakatali na. Nalagay sa peligro ang asawa ni Vincent. Ginamit ni Romana ang pagkakataon na iyon upang makuha ang nais. Binayaran niya nang malaking halaga ang lalaki kapalit ang isang kasunduan; ang maging kaniyang fvck buddy. Pumayag si Vincent sa kagustuhan ni Romana upang maisalba ang buhay ng asawa. Sapat nga ba ang pera at galing sa kama upang makuha ang puso ng taong minamahal? Paano kung ang pag-ibig na nais ay makasisira ng isang masaya at buong pamilya? Handa bang maging makasarili o pipiliin na magpaubaya?
Romance
10136.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Contractual Wife

The Contractual Wife

Kailangang pakasalan ni Harvy Austria, ang kanyang assistant na si Dahlia Vega dahil sa hiling ng kanyang lolo na may karamdaman. Ngunit nakapangako na siya sa kasintahan niyang si Audrey na ito ang pakakasalan niya. Subalit ang last will ng lolo niya ay nakakadismaya. Ibibigay lahat ng kayamanan kay Dahlia kung sakaling hindi niya ito pakasalan. Sa loob ng tatlong taon, kapag hindi sila naging ikay, maaari na silang maghiwalay at makukuha niya ang kanyang mana. Kaya kinausap niya si Dahlia, at nalaman niya ang mga kondisyon ng dalaga. Walang side chick habang kasal, magkikita pero privately lang. Ito ang hahawak ng kanyang pera. Aalisan muna ng ATM si Audrey, para matutong magtrabaho. Magiging sweet sila at okay sa harap ng ibang tao. Ngunit nahihirapan siya sa ganitong sitwasyon, lalo na at nasa paligid lang niya ang dalawang babae. Lalo pa at habang tumatagal, ang timbangan ng puso niya ay nahahati na. Pero kailangan niyang tuparin ang pangako niya kay Audrey. Matagalan kaya ni Dahlia ang pasakit na ibinibigay niya dito? O susuko na lamang ito para bigyan naman ng dignidad ang sarili?
Romance
9.9105.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Hot Night With Mattheus Martinez

Hot Night With Mattheus Martinez

SPG/ R-18+ Story of Mattheus Martinez, son of Marycole and Rowan Martinez, of the story ( Secretly In Love With You) Bata pa lang si Brenda Polido ay pangarap na niyang maging isang tanyag na newscaster sa sikat na TV network ng bansa, walang iba kun’di ang RMTV, ang pangarap ng katulad niyang mass com newly graduate dahil nangunguna ito sa mga ratings, hindi lang sa mga news ngunit maging sa show ng nasabing TV channel. Pinalad si Brenda matanggap sa nasabing kompanya. Subalit hindi bilang isang newscaster na pangarap niya, kun'di maging secretary ng president at anak ng may-ari na walang iba kun'di si Mattheus Martinez, ang matagal na n'yang crush, college student pa lamang siya. Si Mattheus kasi ay dati munang sikat na model, newscaster, at naging isang TV actor bago pamahalaan ang TV network na pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng isang taon ng pagiging secretary ni Brenda kay Mattheus, lihim na nahulog ang loob niya sa binatang amo. Ngunit paano naman niya iyon masasabi rito kung ubod naman ito ng pagiging babaero? At isa pa, malabo siyang mapansin nito dahil mga model at artista ang tipo ng amo niya. Samantala siya, isang hamak na sekretarya lamang na pangkaraniwan ang ganda. Ngunit paano kung isang araw, nagkaroon si Brenda ng pagkakataon na makasama si Mattheus sa iisang kama at nakalimot sila? Kaya nga bang humarap ni Brenda kay Mattheus kinabukasan? Kapag humupa na ang init ng kanilang pinagsaluhan lalo na't alam ni Brenda na meron talagang kasintahan si Mattheus at nagbabalak na itong pakasalan? Abangan ang buhay pag-ibig ni Brenda Polido at Mattheus Martinez. Hot Night With Mattheus Martinez.
Romance
1096.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3334353637
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status