Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contract Marriage With The CEO

Contract Marriage With The CEO

Walang ibang hinangad si Leil Hidalgo kung hindi ang mabigyan nang maayos at matiwasay na buhay ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang kapatid. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglaang naglaho, pati na rin ang kanyang pinakaiingatang trabaho. Kasabay ng kanyang paglugmok ay ang pagbabalik ni Roscoe Villafuerte, ang kaniyang dating kaibigan. Siya ang may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Sa kanilang pagkikita, umusbong ang galit na mayroon si Roscoe kay Leil at dahil nasisiguro niyang nangangailangan ng pera ang babae, inalok niya ito ng kasal, kapalit ng bagay na sigurado siyang hinding-hindi matatanggihan ng babae.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A Stolen Night of Seduction

A Stolen Night of Seduction

BabyblueAye
Para sa kaniyang inang may sakit, kinailangan ni Kaia na maghanap ng trabaho na makakatulong sa kaniyang humanap ng malaking pera para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Kahit na masira pa ang kaniyang buong pagkatao, gagawin niya kumita lang ng pera na makakatulong sa kaniya sa pagpapagamot ng kaniyang Nanay. Seduction is the only key to success. Pero makakaya kaya niya kung kainosentehan ang namamayagpag sa kaniyang isipan? Magtatagumpay kaya siya sa balak niyang gawin na nakawin ang puso ng lalaking alam niyang mahirap paamuhin?
Romance
825 viewsOngoing
Read
Add to library
A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

A PLAYFUL AND PRETENTIOUS LOVE

SAAN KA NGA BA DADALHIN NG TAPANG MO KUNG PUSO MO NA ANG MAGING DUWAG AT MAGING MAHINA ? MAGPEPRETEND KA PARIN BANG MATAPANG KUNG SA LOOB MO AY PINANGHIHINAAN KANA NG LOOB? TULUYAN KA PARIN BANG MAGTATAGO SA PAGKATAONG KAHIT IKAW ALAM MO SA SARILI MO NA NAGTATAGO KA SA ANYO NG KATAPANGAN PERO KABALIKTARAN NAMAN NG NAKIKITA NG KARAMIHAN?  PAANO KUNG DUMATING YUNG TAONG MAGPAPALAMBOT AT MAGPAPADAMA SAYO NG TUNAY NA PAGMAMAHAL PERO LAHAT NG IYON AY MAY HANGGANAN? SUSUGAL KA BA O PATULOY MO NALANG IDADAAN SA KATAPANGAN KAHIT ALAM MONG IKAW LANG ANG MASASAKTAN?
Romance
10597 viewsOngoing
Read
Add to library
Destined to be Hurt

Destined to be Hurt

Eli
Si Paul ay anak ng isang Pastor kaya takot siyang gumawa ng mga bagay na hindi maganda sa paningin ng tao at ng Diyos. Ngunit nang nagsimula siyang umibig at nabigo ng maraming beses ay nagbago ang lahat sa kanya. "I was destined to be hurt," he said. Then he became a black sheep of the Family. He met a beautiful woman with a good heart and God -fearing. Isang babaeng wala ng magulang ngunit nanatiling matatag para mabuhay. Mababago kaya ng babaeng ito ang pananaw ni Paul sa kanyang buhay? o maging dahilan siya upang tanggapin na lang ni Paul na naitadhana talaga siyang masaktan.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
Romance
1012.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Alpha's Heat

The Alpha's Heat

Yoongdy
Ako si Sapphire, isa akong taong lobo. Isa ang lahi namin sa maraming nilalang na sinasabing produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao. Siya si Night, ang anak ng alpha ng aming tribo. Matagal ko na siyang kilala ngunit kamakailan lang nang muli kaming nag-usap. Sa hindi malaman na dahilan ay masungit at malamig siya sa akin. Siya ang dati kong malapit na kaibigan, pinaglayo kami ng isang aksidente. Malungkot man ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin, namuhay naman ako ng normal sa kabila nito. Pero sa paglipas ng mga taon ay muli kaming pinagsama sa isang proyekto para sa kinabukasan ng aming tribo. Ang mas malala pa rito ay kailangan namin na tumira sa iisang bubong. Paano ko kaya malalagpasan ang matinding pagsubok na ito sa buhay ko? May pag-asa pa kaya na maibalik ang dati naming pagkakaibigan? O baka may iba pa kaming madiskubre sa isa’t isa na maaaring magsilbing mitsa ng mas malaking pagbabago sa matagal nang sira naming relasyon.
Other
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Love With My Step-Sister

Forbidden Love With My Step-Sister

Silas Cahir is a man who has an intimidating aura. Ngunit kahit ganoon ay gustong gusto pa rin siya ng mga babae, nilalapitan pa rin siya ng mga ito. Sa ibang bansa siya nanirahan ng maraming taon, at sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas para sa isang misyon ay nakilala niya ang isang babaeng ubod ng sungit at talim ang mga salitang lumalabas sa bibig na umangkin ng pamamahay niya. At ang babaeng magpapabago ng takbo ng kanyang buhay, ang babaeng magtuturo sa kanya kung paano umibig at maging masaya, ang babaeng ito ay walang iba kundi si Xandra Williams na sa kasamaang palad ay step-sister niya.
Romance
183 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

“Be my wife, Lianna.” Kapalit ng pagpapagaling ng kanyang ama na nasa kritikal na kondisyon ay napilitan si Lianna na kumapit sa isang bagay na wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging kalalabasan at nagpakasal sa isang bilyonaryong lalaki na si Emmanuel Montecarlo. Akala niya ay magiging masaya na ang lahat, akala niya ay maging kaaya-aya na ang kanyang buhay sa piling ng kanyang asawa ngunit tila nagkabaliktad ang mundo ng unti-unti niyang malaman madilim at mapanganib na sikreto nito pati ang pamilya Montecarlo. Ano nga ba ang magiging buhay ni Lianna sa likod ng maamong mukha at matatamis na ngiti ng mga taong nakapalibot sa mansyon ng Montecarlo? Ano nga ba ang mga sikretong kanyang malalaman upang maranasan niya ang mala-impyernong buhay sa loob ng pamamahay ng kanyang asawa? “Good girl, Lianna. Now, start taking off your clothes. I want you naked tonight,”
Romance
1019.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status