Warming the bed of my ex-boss’s Rival
Si Winona Perez ay kilala sa social circle bilang katulong ng pamilya Mendoza, siya ang yaya ni Clifford Mendoza. Hindi lamang siya sekretarya nito kundi pati na rin alalay rin.
Siya ay laging nasa tabi ni Clifford mula ng mga bata pa sila, inaasikaso ang lahat ng bagay para sa binata.
Later on, dahil sa isang pangyayari ay nagtalo ang dalawa at madiing sinabi ni Clifford ang ilang kataga. "You're just a lowly servant, get out, tinatanggal na kita."
At talaga ngang umalis si Winona, pero ang akala ni Clifford ay hindi ito makakatiis at magmamakaawang pabalikin siya sa kumpanya.
Pero ng magkita sila ulit, nasaksihan ni Clifford si Winona na may kahalikan at ang mas nagpapuyos sa galit ng binata ay ang kahalikan nito—Si Xavier Uno Zalvariano, ang matagal na niyang karibal sa lahat ng bagay simula ng highschool pa sila.
"Winona, Come back to me, please come back to my side" pagmamakaawa ni Clifford, lumuhod pa ito sa harap ng dalaga.
Ngunit, agad na hinapit ni Xavier ang bewang ng dalaga at hinatak ito papalapit sa kanya. Pinapakita sa binata ang pagiging possesive nito at pagmamarka ng pag aari niya.
"Clifford Mendoza, kahit kailan ay hindi na babalik sa impyenong tabi mo ang babaeng mahal ko"
Akala ng lahat ay parausan at laruan lamang ni Xavier Uno Zalvariano si Winona, Iniisip na iiwan rin ito ng binata kinalaunan.
Not until may isang video ang nag viral sa buong social media na nagpayanig sa buong Pilipinas.
Ang respetado, stricto at malamig na tagapagmana ng Zalvariano Group pf Companies ay dahan dahang inaamo at nilalambing ang isang maliit na babae na nasa kandungan nito.
"Darling, be a good girl. Stop biting me.." pag uutos nito ngunit hindi nakinig ang dalaga.