THE UGLY ME & MY ROMANCE
Katulad ng ibang babae pangarap ni Dianne na makilala ang kanyang prince charming at makasama ang kanyang forever, ang lalaking itinadhana sa kanya na makapiling niya habang buhay. Na mahal niya at mamahalin din siya ng buong buo.
Ngunit magkatotoo kaya ang pinapangarap niyang iyon kung siya ang tipong babae na madalas ay husgahan na pangit, baduy at napagkakamalan na katulong sa tuwing magkasama sila ng mga naggagandahang mga kaibigan niya?
Ang totoo madali siyang mafall inlove sa lalaking magaling sumayaw, kumanta at maggitara.
Si DJ mayaman at gwapo sana pero ito ang lalaki na kinaiinisan ni Dianne, yong feeling na stress sya sa tuwing magkuros ang landas nila dahil sa panghuhusga at pang iinis sa kanya, minsan ay nasabi niya sa kanyang mga kaibigan na kahit ito na lang ang lalaking natitira sa mundo, hindi mangyayari na magkagusto siya.
Ngunit paano kung sa hindi niya inaasahan ay mabihag nito ang kanyang puso? Saka niya lamang nalaman na bukod sa gwapo at mayaman ito na nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya ay taglay nito ang gusto niya sa isang lalaki na magaling sumayaw, kumanta at maggitara...at higit pa doon, may taglay itong mabuting kalooban.
Basahin ang kwentong magpapaantig sayong puso, magpapakilig at maaaring makakapagbigay ng ngiti sayong natutulog at naiidlip na damdamin...