Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
774 viewsOngoing
Read
Add to library
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MY ONLY PROBINSYANA

MY ONLY PROBINSYANA

Ambisyosa22
Logan Yu, nag iisang anak ng at tagapagmaan ng angkan ng mga Yu. Logan is a half Filipino and half chinese. Logan never felt loved by his parents. Dahil sa naranasan na treatment naganrap na ang binata ng simpleng buhay pero buo at masayang pamilya. Cristine Ally Perez a hopeless case, but now Ally is ready to get the revenge sa mga taong binawi ang saya niya mula pa kamusmusan. Hahanapin ni Ally ang mga dahilan at kasangkot ng pagiging ulila sa kapatid na hindi niya alam ay tunay niya palang ina. Ang nakaraan nga talaga ata ang hahadlang sa ligaya niya. Ngunit hindi naman uso kay Logan ang sumuko at iwan na lang basta ang pangako niya sa babaeng nakikita at alam na alam niyang tanging mag bibigay ng ligaya sa kanya na matagal ng hangad. Ang puso nga ang tunay na magdidikta kung ano at paano mananaig ang pag-ibig nila. Ilalaban ang alam na tama makamit lang ang kanyang nag iisang My Only Probinsyana..
Romance
107.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Shotgun Marriage with the President’s Son

Shotgun Marriage with the President’s Son

Si Soleil Yna Ong, tagapagmana ng Ong Technologies Inc., ay nakaranas ng matinding pagtataksil nang lokohin siya ng nobyo niyang si Jared Joaquin habang siya’y nagbubuntis. Para sa pamilya niya, malaking kahihiyan at malas ang pagkakaroon ng anak nang walang asawa. Dahil dito, desperado siyang protektahan ang reputasyon ng pamilya at masiguro ang kanyang mana. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nila ni Lysander Alcantara, anak ng pangulo ng bansa at CEO ng Asiana Airlines. Matapos ang isang di-sinasadyang halik, diretsahan siyang nagtanong, “Now that you’ve kissed me, merry me.”  Pero agad siyang tinanggihan ni Lysander. Muling nagtagpo ang landas ng dalawa sa ika-60th birthday ng kanyang ama, kaya isang matapang na hakbang ang ginawa ni Soleil—ipinakilala niya si Lysander bilang kanyang fiancé, na labis na ikinagulat ng lahat. Dahil sa takot sa iskandalo, pumayag itong makipagkasal sa kanya—isang kasal na walang halong pag-ibig. Pero habang nagsasama sila at sa gitna ng kanilang pekeng kasal, mananatili ba silang malamig sa isa’t isa o may lugar pa kaya ang tunay na pag-ibig sa kanilang dalawa, dahilan para maputol ang sumpa?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Regret Well, Mr. Branson

Regret Well, Mr. Branson

ELEIGHPI
Niloko ni Heilan Branson ang asawa n'ya at hiniwalayan. Inalok pa n'ya ito ng isang billion dahil akala n'ya pera lang ang dahilan kung bakit s'ya pinakasalan ng asawa n'ya. Ngunit nagkamali pala s'ya. Huli na n'yang natuklasan na bunsong kapatid pala ng isang Trillionaire Tycoon ang babae. After six years nagkita silang muli at ang masakit dahil maliban sa kalaban n'ya ito sa negosyo, iba na rin ang mahal nito at may anak pang limang taong gulang na lalaki. Ngunit lingid sa kaalaman n'ya ang anak ni Margarette ay sa kanya pala. Malalaman kaya n'ya lalo na't ayaw ni Margarette na makilala s'ya ng bata?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
352 viewsOngoing
Read
Add to library
Cecilia

Cecilia

doswrights' wp
Na sa bingit na sana ng tagumpay si Cecilia sa paghihiganti laban sa mga Samson, ang pamilyang umampon sa kanya na siyang dahilan sa ilang taong paghihirap niya. Ngunit tatlong putok ng baril mula sa lalaking itinuturing na niyang kapatid ang agad na bumawi sa buhay niya, or so she thought, dahil sa muling pagbukas ng kanyang mga mata ay natagpuan niya ang sarili niyang nakakadena sa loob ng isang madilim na underground. She then realized, that her soul was transmigrated in the body of the mentioned character in the book that she once read. Cecilia Eckhart Campbell, the unwanted wife of the male lead. ' I will not let the book dictate your life Cecilia. Gagawin ko ang lahat upang manatiling buhay ang character mo hanggang sa huling kabanata ng librong ito. I, Cecilia Samson, who's currently living in the body of Cecilia Eckhart Campbell, is ready to dominate and play a hellish game in this hellish world. ' -- Cecilia Samson
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
Romance
1067.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Marahuyo

Marahuyo

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
THE CEO'S ENTERTAINER

THE CEO'S ENTERTAINER

Sanay si Belle Elfero mamuhay sa makasalanang mundo. Tumagal siya sa trabaho niya bilang entertainer sa loob ng anim na taon at nananatiling protektado. Isa siyang berhin, na nakakuha ng attention ng isang doctor na tumingin sa kaniya sa health center. Naging dahilan iyon upang bisitahin siya ng lalaki sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Hindi niya akalain na iyon ang simula ng pagbabago ng kaniyang buhay. Mahalaga para sa kaniya ang salitang first time at kasal, nais niyang makamit ito sa isang lalaking mahal niya sakaling magkaroon siya. At ang alas na mayroon siya ay ang pagiging berhin niya. Ngunit ang doctor na iyon, na nakilala niya bilang Hivo Soulvero, isa rin palang CEO at nais siyang bilhin upang gawing legal na asawa sa milyones na halaga. Nagkataong nagkaproblema siya sa kaniyang pamilya at talagang kailangan niya ng isang milyon. Wala siyang ganoon kalaking halaga at ang tanging paraan lamang niya ay ang tanggapin ang kasal na alok ng doctor na CEO. Papayag kaya siyang magpakasal sa isang lalaking binibili lamang siya?
Romance
1026.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status