Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
101.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1022.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Sweet Flames Of Vengeance

Sweet Flames Of Vengeance

It was just a silly game, a bet between her and her friends. Kung magagawa niyang paibigin si Zeth Miranda sa loob ng dalawang linggo, expenses free, trip to boracay for three days ang premyo sa sinumang mananalo. Siyempre, tinanggap niya ang hamong iyon sa pansarili ring dahilan, it was also a challenge to her, patutunayan niya sa lahat na walang sinumang lalake ang hindi nabibighani sa charisma ni Andreanna Monteville, kahit na si Zethrius pa iyon na kilalang serious and cold hearted man sa kanilang campus. Ginawa niya ang lahat to get his attention and she succeeded. He fall inlove with her. Okey na sana ang lahat, everything was perfect kaya lang natuklasan nito ang ginawa niya at may mas matindi pa siyang kasalanang nagawa rito na ikinapoot at ikinasuklam nito ng labis sa kanya. They parted ways with him hating her so much. After so many years, sa di sinasadyang pagkakataon muling nagkrus ang landas nilang dalawa. Ibang-iba na ito sa Zethrius na nakilala niya. He became ruthless and dangerous. And all he wanted was revenge! At wala itong ibang hinihinging kabayaran kundi siya at ang kanyang katawan!
Romance
1015.8K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (6)
Read
Idagdag sa library
Shanelaurice
hello po sa mga readers nina Drey at Zeth, na double update ko po yung chapter sixty dahil sa mahinang internet connection, huwag niyo ng i open ung isang chap para hnd masayang ang coins. kasalukuyan ko n pong kinontak ang SE tungkol dito. thank u po.
Gene Darden
Isang napakagandang kwentong pag ibig nina Zeth at Drey... one of my favorite story. ang ganda ng pagkakwento na ayaw mong tigilan hanggang matapos. Yong sakit tagos sa puso pero laging may happy ending. Satisfied ka pagtapos mong magbasa♡Thanks Ms. Shane. More power and God bless you♡♡♡♡
Basahin ang Lahat ng Review
FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

Tahimik na buhay. Ipinagbabawal na pag-ibig. Isang lihim na maaaring sumira sa lahat. Para kay Elicia Torrez, nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali—ang umibig sa dating asawa ng kanyang ina, si Demon Villamor. Ngunit ang pagkakamaling iyon ay nag-iwan ng isang lihim: siya’y buntis, at si Demon ang ama. Ayaw niyang sabihin ang katotohanan. Ex-husband ng ina niya si Demon, at anak ni Demon ang lalaking ngayo’y papasok sa kanyang buhay—si Daniel Valdez. Ngunit si Daniel ay may puso, at handang maging ama ng bata, kahit hindi niya ini-expect na ang pagmamahal na ibibigay niya ay magdadala rin ng panganib at sakit. Dahil si Daniel… anak din ni Demon. Sa pagbabalik ng ina, at sa pagbubunyag ng mga lihim, pipili si Elicia sa dalawang lalaking magdudulot ng kapahamakan sa kanya: Ang lalaking bawal na ama ng kanyang anak… o ang lalaking tapat na magmamahal sa kanya, kahit dala niya ang sugat ng nakaraan?
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back

Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back

Hiniwalayan ng cold-blooded CEO na si Max ang kanyang asawa na si Khelowna matapos ang dalawang taong pagsasama na walang pagmamahalan. Naniniwala siyang si Khelowna ang nag-frame up sa kanyang tunay na mimanahal, na si Maveliene dahilan kung bakit na-coma ito sa ospital ng mahabang panahon. Nang malaman niyang buntis si Khelowna ng hindi sinasadya, kinuha niya ang anak nila matapos maipanganak at nilayo ito sa asawa niya. Gusto niyang maging ina ng anak niya ay si Maveliene. Ngunit makalipas ang anim na taon, muling nagkita sina Max at Khelowna sa isang ospital kung saan dinala ni Max ang anak niya para ipagamot. Dahil doon nagtatrabaho si Khelowna bilang doctor, napagalaman niya na ang batang dinala ng ex-husband niya sa ER ay anak pala nila. Agad siyang nangako sa sarili niya na kukunin niya ang anak niya. Ngunit bago niya iyon magawa, kailangan niya munang harapin ang ex-husband niya na hanggang ngayon ay galit pa rin sa kaniya. Ano ang mangyayari kay Khelowna sa pinaplano niya?
Romance
10102.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Divorce Wife’s Possessive Attorney

The Divorce Wife’s Possessive Attorney

Aurelia Navarro gave her love, her time, her fortune—everything. Pero sa dulo, siya pa rin ang iniwan… ipinagpalit sa ibang babae. Dalawang taon siyang nagsakripisyo bilang asawa ni Matteo Navarro. Ngunit nang malugi ang Navarro Holdings na siya mismo ang nagpapatakbo ay siya rin ang sinisi, at nasira ang pangalan niya. Hanggang sa dumating ang misteryosong lalaki na nag-alok ng investment. “I can give you 5% of my shares,” sabi nito. Ngumisi si Aurelia. “Five percent? Keep it. I can build my own empire.” Walang nakakaalam na sa likod ng pangalang Aurelia Navarro ay nakatago ang tunay niyang pagkatao— isang major shareholder ng Gatchalian Inc., international professor, renowned painter, at ang pinakakilalang assassin sa underground world. At nang lumuhod si Matteo sa ilalim ng ulan para humihingi ng tawad, isang lalaking may itim na payong ang nakatayo sa tabi ni Aurelia. “Mr. Navarro, please leave,” malamig nitong sambit. “Who are you to her?” singhal ni Matteo. Emil smirked. “Atty. Emiliano De Rossi. I’m her lover.”
Romance
266 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Making her Mine (The Servano Siblings #1)

Making her Mine (The Servano Siblings #1)

annerie15
Laura Nicole was married to the oldest son of the Servaño, Hiro Servaño. Pero hindi kagaya niya na excited na maging asawa ang binata ay hindi nito gusto ang kanilang kasal. Kaya naman ay nagtiis si Laura na manatili sa piling nito sa pag-asang magugustuhan din siya ng binata kalaunan. Ngunit nagkamali siya dahil makalipas ang dalawang taon ay nag-file ng divorce ang kaniyang asawa. Masakit man ay tinanggap iyon ni Laura. Pinakawalan niya ang asawa kahit na nalaman niyang buntis na siya. Makalipas ang ilang taon ay muling nagkita ang dalawa. Walang ideya si Hiro na may anak si Laura. Ngunit mariin itong tinatanggi ng dalaga na siya ang ama ng bata. Ngunit hindi mapakali si Hiro kaya minabuti niyang alamin ang katotohanan. Sa ikalawang pagkakataon na sila ay magtatagpo, magawa na kayang buksan ni Hiro ang puso para sa dating asawa? O magawa pa kayang tanggaping muli ni Laura ang binata kahit na makalipas ang ilang taon ay nasasaktan siya dahil dito?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Romance
590 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ninong Elias Got Me Pregnant

Ninong Elias Got Me Pregnant

Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakakalimutan ni Erica ang gabing nagbago ng lahat. Isang umagang iniwan niya ang lalaking hindi niya kilala, dala ang perang kinuha mula sa pitaka nito at ang lihim na kalaunan ay magiging bunga ng isang anak na babae. Simula noon, mag-isa niyang itinaguyod ang bata, walang alam sa tunay na pagkakakilanlan ng ama. Sa unang araw niya bilang janitress sa isang mataas na gusali, inatasan siyang linisin ang opisina ng CEO sa top floor. Doon niya nabasa ang pangalang matagal nang pamilyar sa kanya, si Elias Samonte, ang ninong na hindi kailanman nagpakita sa kanyang buhay. Ngunit ang mas malaking pagkabigla ay nang harapin siya ng lalaking nasa loob ng opisina. Sa isang iglap, bumalik ang alaala ng gabing pilit niyang kinalimutan. Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay ang estrangherong naging ama ng kanyang anak. At sa muling pagtatagpong iyon, malinaw na ang nakaraan na kanyang tinakbuhan ay hindi pa tapos sa kanya.
Romance
97 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3132333435
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status