His Pregnant Ex-Wife
iampammyimnida
Hindi makapaniwala si Octavia na sa ilang taong pagsasama nila ng kan’yang asawa na si Lincoln Grey Griffin ay magagawa pa siya nitong saktan at hiwalayan mismo sa kanilang third wedding anniversary. Halos gumuho ang kan’yang mundo nang malaman pa niya ang rason at totoo—
“May mahal na akong iba, Octavia at si Dianna iyon. Ilang taon na tayong nagsasama ngunit hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak. Sorry, but let’s have a divorce… I love her, Octavia. I love my secretary.”
Iyan ang eksaktong sinabi ni Lincoln sa kan’ya at iniwan na lamang siya basta-basta. Ginawa niya ang lahat para maayos ang kanilang sitwasyon, halos lumuhod siya at magmakaawa sa lalaki ngunit hindi man lang ito naawa. Wala nang mas hihigit pa sa sakit nang malaman din niyang buntis ang sekretarya nito at sa araw ding iyon hindi niya inaasahang buntis siya ng anim na buwan.