Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
9.329.2K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as diego dora the explorer
Read
+Library
Ang Pulang Kuwintas

Ang Pulang Kuwintas

Whiteknight Magico
Dichas, sol y amores (ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, senorita Toma unos cientos de anos En la primera reunion Te mirare de Nuevo (Maghihintay ako, binibini Abutin man ng ilang daang taon Sa unang tagpuan Muli kita'y susulyapan) Sa inaakala mong tahimik na buhay, pa'no kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? ‘Yong tipong hindi mo na nga sineryoso history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang mga kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nag iba pang pagpipilian… Ano ang gagawin mo? Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handing abutin ng siyam-siyam. Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat? Paano kung kinakailangan mo nang mamili? Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kan'yang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kan'yang isipan?
1012.0K viewsCompletedAdded to Library 396 Times as diego dora the explorer
Read
+Library
Isang gabi sa piling ni Bakla

Isang gabi sa piling ni Bakla

Kung hindi pa malalagay sa malalang karamdaman ang ina ni Basha, hindi niya malalaman ang kanyang tunay na pagkatao. Hindi niya akalain na anak siya ng isang mayamang businessman. Sa kagustuhan na maoperahan ang kanyang Ina ay lumuwas siya ng maynila upang humingi ng tulong dito. Ngunit kahihiyan lamang ang inabot niya dahil pinagtabuyan siya nito at hindi kinilalang anak. Dahil sa kaibigan niyang si Myla nagkakilala sila ni Diego. Naghahanap kasi ito ng surrogate woman na papayag makipagtalik sa kanyang nobyo na si Thaddeus upang magkaroon ng anak at maipamana kay Thaddeus ang lahat ng ari-arian ng kanyang lolo. Pumayag siya sa isang gabi kapiling ang isang bakla upang tuluyang mapaoperahan ang kanyang ama at dalhin ang magiging anak nito. Nakipagsiping si Basha habang nakatakip ang kanyang mga mata ay patay ang ilaw kaya hindi niya alam kung ano ang anyo ng lalaking katabi niya sa kama. Simula nang makatikim ng babae si Thaddeus ay palagi na niyang naalala ang gabing angkinin niya ang babae. Hangang sa humantong sila sa kasal at kasunduan. Mapanindigan kaya ni Basha at Thaddeus ang kunwaring pagsasama nila para sa kasal at upang mailipat kay Thaddeus ang hinahangad na mana? Magawa kaya ni Thaddeus na iwan si Diego at talikuran ang ilang taon nilang relasyon upang mas maging tahimik ang kanyang buhay at maging asawa at ama sa dinadala ni Basha?
109.8K viewsCompletedAdded to Library 312 Times as diego dora the explorer
Read
+Library
THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM

THE BILLIONAIRE UNLUCKY CHARM

Si Lucky Zeppelin Diego ay isang simpleng babae na kilala sa kanyang matinding kamalasan. Sa edad na dalawampu't dalawa, pangarap lamang niyang magkaroon ng maayos na trabaho upang matulungan ang kanyang pamilya. Ngunit sa araw ng kanyang job interview, isang hindi inaasahang aksidente ang nangyari nang mabuhusan niya ng kape ang batang billionaire CEO na si Tianzon Yeovil Devon. Akala ni Lucky ay tuluyan nang nasira ang kanyang pagkakataon, ngunit laking gulat niya nang siya pa mismo ang matanggap bilang executive assistant ng binata. Habang magkasama silang nagtatrabaho, hindi nawawala ang mga aksidente, asaran, at misunderstandings sa pagitan nila. Sa kabila ng kanilang magkaibang mundo, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa hanggang sa naging lihim silang magkasintahan. Ngunit hindi lahat ay masaya sa kanilang relasyon. Si Elisha Montenegro, ang ambitious at manipulative na childhood friend ni Tianzon, ay handang gawin ang lahat upang maagaw ang binata. Gumawa siya ng mga kasinungalingan at pekeng ebidensya upang palabasing ginagamit lamang ni Lucky si Tianzon para sa pera at may lihim itong relasyon sa kanyang best friend na si Zachary Villanueva. Dahil sa mga intriga, naniwala si Tianzon sa mga kasinungalingan at tuluyang sinaktan ang babaeng pinakamamahal niya. Sa sobrang sakit ng loob, umalis si Lucky papuntang Singapore upang magsimula ng panibagong buhay, hindi alam ng binata na buntis siya sa kanilang anak. Makalipas ang limang taon, bumalik si Lucky sa Pilipinas bilang isang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya. Ngunit muling guguluhin ng tadhana ang kanilang buhay nang makita ni Tianzon ang isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa muling pagtatagpo nila, handa ba niyang maibalik ang tiwala at pagmamahal ng babaeng minsan niyang sinaktan?
125 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as diego dora the explorer
Read
+Library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status