Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back

My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back

Matagal nang pinapangarap ni Aerial si Diego. Nang magkaroon siya ng pagkakataong makalapit dito, naganap ang isang gabing puno ng kalasingan na nagbunga ng isang batang babae, na nagbigay-daan kay Aerial upang matupad ang kanyang pangarap na maging asawa ni Diego Natividad. Sa kabila ng katuwang na pangarap, nagdulot din ito ng galit at pagkamuhi ni Diego sa kanya, dahil pinakasalan lamang siya nito dahil sa kanyang dinadala. Napagkasunduan nilang ipawalang-bisa ang kanilang kasal matapos niyang ipanganak ang kanilang anak. Sa loob ng siyam na buwan ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, unti-unti niyang naramdaman na walang patutunguhan ang kanyang pagmamahal, lalo pa’t patuloy na malamig si Diego sa kanya. Nang muling banggitin ni Diego ang paghihiwalay, agad siyang pumayag. Wala na siyang maaasahan at nais na niyang muling buuin ang sarili na matagal na niyang tinalikuran para sa pagmamahal kay Diego. Kailangan na niyang lumayo upang tuluyang makalimot sa sakit na dulot nito. Ngunit sa oras na handa na siyang magbago at kalimutan ang lahat, si Diego ayaw na siyang pakawalan.
403 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
Two Flames In A Dress

Two Flames In A Dress

MarkusJuan
Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
102.0K viewsOngoingAdded to Library 42 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
SHE'S MY BODYGUARD

SHE'S MY BODYGUARD

RRA
Blurb: Matagal nang may mga nagbabanta sa buhay ni Mathew, kaya naman naghahanap siya ng isang batikan at magaling na bodyguard, kaya lang ay hindi siya makakuha ng taong mapagkakatiwalaan, hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang babaeng misteryoso para sa kanya. Nakita niya ang angking galing at tapang nito nang ipagtanggol siya niyo sa mga nais pumatay sa kanya. Kaya lang hinahabol ito ng mga alagad ng batas, at nagtatago sa mga di kilalang tao. Ano kaya ang mangyayari sa pagsasama ng isang serius type girl at clamsy and clingy type boy na CEO? Maipagkakatiwala kaya ni Matthew ang buhay niya sa babaeng isa pa lang Assassin?
103.3K viewsCompletedAdded to Library 114 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Tahimik at maayos ang pamumuhay ni Viva Guardian at ng asawa niyang si Emmanuel. Pero nagising na lamang si Viva isang gabi na may hawak na kustilyo, puno iyon ng dugo. At wala nang buhay si Emmanuel. Si Viva ang itinuturo ng suspect sa pagkamatay ni Emmanuel. Nakulong siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Nang magkaroon ng sunog sa Manila City Jail ay kinuha ni Viva ang pagkakataon na iyon para tumakas. Pero ang kalahati ng kanyang mukha ay nasunog. Ginamit niya ang mukha ng dating asawa ni Hendrix Lorenzo, ang witness, sa pagkamatay ni Emmanuel. At gagamitin rin ni Viva si Hendrix para alamin kung ano ang nangyari sa asawa niya at lilinisin ang pangalan niya.
583 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
Slow Dance Beneath The Stars

Slow Dance Beneath The Stars

Ernie Bueno
Mula sa pantalan ay hinagod ng tingin ni Guen ang buong kapaligiran. Malamig ang gabi, tahimik na tahimik ang malawak na lawa, gumuguhit ang liwanag ng buwan sa tubig. Napakasarap ng may kayakap ng mga sandaling iyon. "I've always wanted to slow dance beneath the stars..." aniya.Pero nang humarap siya kay Kibaweg, ibang sayaw ang ginawa nila. Mapusok, nag-aalab sa init ang halik ng binata. Gusto sana niya itong itulak, pigilan sa ginagawa, pero hindi niya magawa. Ngayon lang niya naranasan ang ganitong sensasyon kaya huli na nang mapansin niyang hinuhubad na nito ang pang-ibaba niyang saplot...
105.5K viewsCompletedAdded to Library 181 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
Sold To A Billionaire

Sold To A Billionaire

Nakabuntis ang boyfriend ni Zyra Bermudez kaya nakipaghiwalay ito sa kanya. Para makalimot ay inaya siya ng kaibigan sa bar at doon niya nakilala si Gaustav Ramos, isang bilyonaryo na pressured nang magkaroon ng asawa at anak. Sa sobrang kalasingan ay may nangyari sa kanila at inalok siya ng lalaki ng malaking pera at ang kapalit ay magiging asawa siya nito. Pero tinanggihan iyon ni Zyra. Ngunit kinakailangan pala niya ang tulong ng lalaki dahil nakulong ang kapatid ni Zyra. Nang puntahan niya ito may kausap itong babae na may kargang bata. Huli na ba siya para ialok ang sarili niya uli kay Gaustav?
104.8K viewsOngoingAdded to Library 144 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
The Mafia Lord's Greatest Sin

The Mafia Lord's Greatest Sin

NottiePha
"Muli akong nabuhay para sa paghihiganti at tapusin ang mission para sa ibang tao." - Saviah Suer. Paano kung isang umaga'y nagising ka na lamang sa isang madilim at masikip na lugar. Ano'ng iyong gagawin kung nalaman mo namatay kana at muling ka lamang na buhay? Not a empress but a heiress. Hindi alam kung sa'n patungo ang buhay dahil sa galit nang kanyang nararamdaman. Pero, na tapos ang lahat nang 'yon na siya'y namatay at muling na buhay sa ibang katawan. At makilala ang lalaking nag-aagaw buhay sa gitna nang kagubatan. Paano kung isang araw ay mag-krus muli ang kanilang mundo at hindi niya inaasahan na alukan siya nito nang kasal?! Tatanggapin kaya niya kung ang kanyang muling pagkabuhay ay may dahilan sa lahat ng nangyayari. May connection sa lalaking kanyang iniligtas? At paano kung sa lahat ng kanyang nakikita at naalala'y may madilim na nakaraan?
102.3K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
1.3K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
The Revenge Of Mistreated Wife

The Revenge Of Mistreated Wife

WennieWrites
Matagal nang umiibig si Irine Evangelista kay Ruyi Walton mula pa noong bata pa sila. Kaya nang itinakda ng kanilang mga magulang na magpakasal sila, buong puso pumayag si Irene kahit alam niyang hindi iyon ang gusto ni Ruyi. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, iginugol ni Irene ang kanyang buhay para kay Ruyi, umaasa na magbabago ang isip nito at sa huli'y mahulog sa kanya. Ngunit biglang gumuho ang lahat nang magising na lamang si Irene isang araw na nasa tabi ng kapatid ni Ruyi, si Kyler, wala silang mga saplot at magkayakap. Hindi alam ni Irene kung paano iyon nangyari, pero isa lang ang sigurado siya—hindi niya magagawang saktan at lokohin si Ruyi. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ni Irene ay hindi nakinig sa kanya si Ruyi, sa halip ay nag-file ito ng divorce.
10828 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as difference between ng and nang
Read
+Library
The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal

Nasira ang relasyon ni Celeste sa kanyang asawa na si Darson nang malamang siya ay baog. Isang araw ay nagdala na ng mistress si Darson sa kanilang tahanan na noon ay apat na buwan nang buntis. Her husband soon divorced her and abandoned her in a dangerous place mercilessly after the dirty thing that mistress did to her. Pero hindi niya aakalain na sa delikadong lugar na iyon ay aksidente niyang maliligtas ang buhay ng isang mafia boss na si Primo Semion Lombardi, at mag-alok ito ng marriage proposal!
1083.6K viewsCompletedAdded to Library 3.0K Times as difference between ng and nang
Show Reviews (26)
Read
+Library
Selene O. Maralit
Miss A more more update pa po please sobrang ganda po ng story nio.. na halos hindi muna tigilan ng pagbabasa dahil habang tumatagal lalo kang gaganahan sa mga pasabog pa ng story na ito. Lalo pa at umamin na si Simeon love ko.........
P.P. Jing
Author here! Mayroon po akong 3 stories in total so far! 1.) SOLD TO THE ABANDONED HUSBAND (Available both Filipino/English) 2.) THE REMARRIED PERFECT HOUSEWIFE: A MAFIA BOSS PROPOSAL 3.) AMNESIA TRIPLET MOMMY: BILLIONAIRE'S LOST LOVE
Read All Reviews
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status