تصفية بواسطة
تحديث الحالة
الجميعمستمرمكتمل
فرز
الجميعشائعتوصيةمعدلاتتحديث
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
104.0K وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
Bastarda Series-|√: Deal of Love

Bastarda Series-|√: Deal of Love

Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
Romance
104.5K وجهات النظرمكتمل
قراءة
أضف إلى المكتبة
CEO & Secret Mafia Wedding Dare

CEO & Secret Mafia Wedding Dare

Si Kiashandra Eal Yie na mas kilala sa tawag na Kiey, ay anak ng dalawang bilyonaryo sa iba't-ibang bansa, subalit isang malaking sindikato ang naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag ina, na naging dahilan kaya nabuhay sa mahirap na pamilya si Kiey. Inalagaan siya ng dalawang mag kasintahan hanggang sa magkaroon na ito ng tamang pag iisip, at nag decision na tumira mag isa sa ibang unit, sa murang edad ay binuhay niya ang kaniyang sarili at tinustusan ang kaniyang pag-aaral. Sa ngayun siya ay kasalukuyang 23 y.o at malapit naring matapus ang kaniyang kurso sa kolehiyo, mayroon siyang boyfriend na halos 5 years narin ang relasyon nila kung kaya tiwala na siya dito, nag decision na silang mag pakasal ngunit isang secreto ang natuklasan niya, isang araw sa hindi inaasahan naabutan niya ang isang kababalaghan sa pagitan ng kaniyang boyfriend at ng matalik niyang kaibigan na naging dahilan ng kanilang pag hihiwalay, dahil naintindihan na niyang hindi talaga siya ang mahal ni Jhave at ginagamit lang ang mga disinyo niya para ma promote si Jhave bilang isang derector designer, masakit para kay Kiey ang mga nalaman niya, pero wala siyang pinag sisisihan doon, dahil iyun ang tama. Ngunit sinong mag -aakala na magbabagu ang lahat sa buhay ko dahil lang sa pangyayaring iyon? At dahil lang sa isang laro makikilala ko ang taong totoo akong mahal at kayang gawin lahat para saakin, dahil lang sa isang kasunduan sa laro ay magbabago ng malaki ang takbo ng buhay ko, sino ang mag aakala na ang isang CEO at Secret Mafia ay mahuhulog saakin, dahil lang sa isang aksedenting pag kikita ay mag babagu ang lahat na kahit sa panaginip ay hindi ko inaasahan. Muntik konang isumpa na hindi na ako magmamahal ulit, dahil naniniwala ako na lahat ng lalaki ay pa
Mafia
353 وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
Billionaire hiding twins

Billionaire hiding twins

Yona
Good afternoon tuloy po kay- natutup ni Yumi ang bibig ng makita ang apat na lalakeng pumasok sa flower shop nya. kahit ang apat na lalake ay gulat na gulat ang mga ito. Y-yumi? sambit ng lalake na iniwan nya 7 years ago. Ang liit ang mundo ano?di mo akalain na dito pala natin sya makita.saad ng kasama ng lalakeng pilit kung kinalimutan. A'ah bibili po ba kayo ng bulaklak?wait lang po tawagin ko lang ang assistant ko. parang gusto kunang mag palamon ng lupa at ngayon mismo. aaslis sana ako...Oo bibili kami sagot ng lalakeng masama ang tingin nito sa kanya at nakatiim bagang pa. Okay maupo muna kayo dyan para hintayin ang oorderin nyo. tatalikod na sana ako pero bigla itong nag salita. bakit mo ako iniwan? tanong nito na kulang nalang ay kainin ako nito ng buhay. ah sir hindi kupo ang alam ang sinasasabi mo cge po tawagin ko lan-mommy mommy sabay sabay ng dalawang bata na kakapasok lang. nanghihina ang tuhod ko bahang nakatingin sa dalawang bata sa harapan ko. mommy mommy pukaw nito sakin..tiningnan ko ang hitsura ng kaharap kung lalake.ay maskin sya ay nanlalake ang mga mata.habang nakatingin sa dalawang bata mom I'm hungry na po saad ng anak kung babae. me too mom i'm hungry too. A-ah okay cge mga anak pumasok muna kayo sa loob mag hahanda ako ng food nyo. okay mom sabay sabay nitong sagot. ma'am may order ba? sulpot ng assistant ko. para naman akung nakahinga ng dumating ito. ah Oo mae pasuyo naman sa order nilang bulaklak ha! tatalikod nako ng nag tanong ito.Anak mo sila? hindi nako lumingon pa dito. Oo lang sagot ko at umalis nako dahil parang matutumba nako sa lambot ng binti ko. wrong timing talaga!
Romance
6.7K وجهات النظرمستمر
قراءة
أضف إلى المكتبة
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K وجهات النظرمكتمل
قراءة
أضف إلى المكتبة
LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND

LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND

Executive Secretary si Jonie ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa na si Kenneth Enriquez. Di tulad ng ibang mga babae na nagkakandarapa sa Boss nya, sya lang ang natatanging walang interest dito. Ayaw nyang maging laruan ng amo nya, may plano pa cya sa buhay lalo na't nag-iisa nyang tinataguyod ang Mama nyang may Cancer. Sa di inaasahang pagkakataon ay nalaman nito na nangangailangan cya ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng Mama nya. Inalok cya nito ng sampung milyon kapalit ang pagkababae nya at manirahan kasama ito sa iisang bubong sa loob ng tatlong bwan. Nung una ay ayaw nyang pumayag pero wala cyang magagawa. Hindi nya makakain ang prinsipyo nya at buhay ng Mama nya ang nakataya dito. Hanggang sa isang gabi ay nasampal cya nito dahil sa selos.... "Siguro ibabalik ko nalang ang pera mo Sir.. Hindi ko po kasi kayang makipag mabutihan sa lalaking nananakit ng babae. Bahala na po kung saan ako kukuha ng pang opera ng Mama ko pero ayaw ko din isaalang-alang ang buhay ko.." "Babe please!... I'm not as bad as you think. Hindi ko din alam kung bakit ko nagawa sayo yun...first time nangyari sa akin to, hindi ko na kilala ang sarili ko..." "Nakapag desisyon na po ako Sir.. aalis nalang po ako dito sa condo nyo." "Please stay... Hindi ko kukunin ang pera sayo.... sayo na yun.. para sa Mama mo, pero hindi na kita aangkinin, walang mangyayari sa atin sa loob ng tatlong buwan...wag ka lang umalis dito..." Gusto nyang pumayag...bentahe lahat sa kanya ang kondisyon ng boss nya pero ang hindi nya sigurado ay kung kakayanin nya ang pang-aakit nito sa kanya kahit pa sabihing walang mangyayari sa kanila. Masyadong matagal ang tatlong buwan para matiis nya ang karisma ng isang Kenneth Enriquez.
Romance
9.76.4M وجهات النظرمستمر
عرض التقييمات (468)
قراءة
أضف إلى المكتبة
Mohammad Nor Yap Sacadal
di po ako nanghihinayang n gumastis s pg babasa ng story na to... love it po talaga...ang galing mo po author of this story more more p po sana s mga excitement s bawat chapter po ng story n to.........di po xa nkakasawa basahin every chapter po, because of this story u po lagi ako puyat hehe.. love it
Marie Joana
ang galing ng author,maganda ang story,,,sana author ikaw nalang magtuloy ng arrange marriage with the ruthless ceo ung kay nathalie at mateo,,gawan mo ng story... kc nkkbwset na ung tangang author nyan tapos ang tagal pa mag update,,,hindi pa.pala tapos ipinublish na 362 episode na taon na bunabasa
قراءة كل التقييمات
السابق
1
...
394041424344
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status