Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
WIFE SERIES : HIS IMPOSTOR MISTRESS

WIFE SERIES : HIS IMPOSTOR MISTRESS

Anasity Constanino Miller, babaeng nagmahal ng tapat, ngunit hindi pa pala sapat sa asawa nitong si Guthrie Miller. A rich businessman, owner and CEO of New Crest Miller's Mining Company. Subalit hindi pala porket ikinasal na kayo ng lalaking pinakamamahal mo ay magiging happily ever after na. Dahil doon pa lang magsisimula, simula nang kan'yang pagluha. Nasaan na ang mga sinumpaang pangako nito sa harap ng Diyos noong araw na mag-isang dibdib sila? Kasinungalingan! Para siyang isang babasagin, na matapos magka-pirapiraso ay mahirap nang buo-ing muli. Sa kan'yang pagbabalik, si Anasity naman ang manlilinlang. She's taking revenge on her husband as HIS IMPOSTOR MISTRESS. Tuluyan na nga kayang mamuhi si Anasity kay Guthrie? Hanggang saan ang kaya niya kung ang puso't isipan ay hindi magkaisa?
Romance
10697 viewsOngoing
Read
Add to library
Senshi Yuki

Senshi Yuki

"You'll fight for me right?." Nasasaktan siya sa kung paano tumitig ang mga nangungusap na mata ng kaibigan sa kaniya, hindi nito 'yon kailangang gawin. Hindi ito dapat magmakaaawa. Ang propesiya sa mundo ng mga mahika ang siyang pinagtutuonan ng lahat at walang magagawa ang kahit na sino kung hindi sundin ang propesiya, sapagkat ito na ang kanilang tadhana. Subalit hindi sang-ayon si Brythe Gijeon ang dalagang isa sa napili na natatangi sa lahat, kasama ang mga kaibigan na puksain ang kasamaan na lumilipol sa kanilang henerasyon. Nais nilang baguhin ang lahat. Itama ang mga pagkakamali, punan ang mga pagkukulang na nagawa at gawin ang kanilang misyon. Subalit ang tadhana ay mapanlinlang, napaikot sila nito sa makapangyarihang kasamaan. Naging kalaban ang dapat na kasamang lumaban at trinaydor ng lubos niyang pinagkatiwalaan.
Other
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Chosen Wife

The Chosen Wife

CRISTINA JERMELINE
Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
CARIÑO ETERNO

CARIÑO ETERNO

Tale of Sol
Si Selestina Amor, isang dalagang ipinanganak noong 1724 ay nakatakdang mamatay sa kanyang ika-21st birthday subalit nakatadhana ring muling mabuhay paglipas ng isang daan taon pagtapos. Ang sumpang iyon ay bigay ng Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Pero apat na beses lamang siyang pwedeng muling mabuhay at ang kanyang minamahal na si Pedro Lazaro lamang ang makakapigil sa mapait niyang tadhana. Si Pedro Lazaro, isang katutubong kayumanggi ang balat na nagtatago sa gitna ng kabundukan kasama ang kanyang mga ka-tribo dahil sa walang tigil na pagpatay ng mga Kastila sa kanilang lahi. Sa di inaasahang pangyayari ay nakakilala siya ng isang dalagang anak ng isang mayamang Mestizo. Ang dalagang iyon na nagpaibig sa kanya ay si Selestina. Ngunit nang mamatay ang kanyang iniirog ay nakipagkasundo siya sa Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Binigyan siya ng walang hanggang buhay upang hintayin muli ang muling pagkabuhay ng kanyang Greatest Love.
Fantasy
5.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Isang video ng boyfriend ko na nagpo-propose sa kanyang secretary ang nag-trending. Lahat ay kilig na kilig at sinasabing napaka-romantic at nakakaantig ang eksena. Nag-post pa mismo ang secretary niya sa social media: "Matagal kitang hinintay, at buti na lang hindi ako sumuko. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sayo, Mr. Emerson." Isa sa mga komento ang nagsabi: "Diyos ko, sobrang sweet nito! CEO at secretary—bagay na bagay sila!" Hindi ako umiyak o nag-eskandalo. Sa halip, tahimik kong isinara ang webpage at hinarap ang nobyo ko para humingi ng paliwanag. Doon ko siya narinig na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Wala akong choice. Mapipilitan siyang pakasalan ang isang taong hindi niya mahal kung hindi ko siya tinulungan." "Eh si Vicky? Siya ang totoong girlfriend mo. Hindi ka ba natatakot na magalit siya?" "Eh ano naman kung magalit siya? Pitong taon na kaming magkasama—hindi niya ako kayang iwan." Sa huli, ikinasal ako sa parehong araw ng kasal nila. Nang magkasalubong ang aming mga sasakyan, nagpalitan kami ng bouquet ng kanyang secretary. Nang makita niya ako, labis siyang nasaktan at humagulgol.
Short Story · Romance
3.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
I love you, Sister

I love you, Sister

Bata pa lamang si Bianca ay pangarap na niyang maging isang madre, kaya naman kahit mayaman ang pamilya nila ay walang nagawa ang mga magulang niya nang magdesisyon siyang pumasok sa kumbento after niya makagraduate ng Business Administration sa college. Ngunit noong gabing iyon bago niya tuluyang tanggapin na nakatadhana na siyang maglingkod sa Diyos buong buhay niya ay niyaya siya ng mga kaibigan niya na icelebrate ang last minute ng kanyang pagiging single, dahil kinabukasan ay magpapakasal na siya kay Lord. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalasing siya at nakainom siya ng alak na may halong ecstasy. Dinala siya ng mga kaibigan sa isang kuwarto sa itaas ng bar para sana makapagpahinga, pero pinasok siya ng isang estranghero at may nangyari sa kanila. Kahit hindi na malinis ay ipinagpatuloy pa rin ni Sister Bianca ang pagpasok sa kumbento, at pilit kinalimutan ang nangyaring noong gabing iyon. Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Nanganak siya ng lihim at dinala sa bahay-ampunan ang kanyang anak, pero nalaman niya na inampon ito ng biggest donor nila sa simbahan, ang milyonaryong si Mr. Vaughn Avery. Paano niya ngayon mababawi ang anak niya? Panahon na ba para lumabas siya ng kumbento? Ito na ba ang sign na matagal na niyang hinihingi sa Diyos?
Romance
10102.6K viewsOngoing
Show Reviews (11)
Read
Add to library
GINALYNVELANTE ZANO
Ang ganda po Ng story ni bianca at Vaughn for sure magugustuhan nyo please read po dahil Hindi lng kwento ni Vaughn At Bianca Ang mag papakilig sainyo my Book 2 din po thank you po author Rain tlga nmn pinakaabangan q araw araw Ang daily update u.
Donanito
Maganda sana story pero diko mafeel na madre siya. Sa unan pa lang puro kasalanan na ginagawa. Red flag siya nagkataon lang story niya ito so siya yung bida kahit napakapangit ng character niya. Actually mas bagay siyang GRO
Read All Reviews
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
9.225.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
Romance
8.819.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
89101112
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status