UNBREAK MY HEART
MIKS DELOSOsimbolo ng ang aking pag ibigsweet long message for girlfriend tagalogsweet long message for boyfriend tagaloglong sweet message tagalog
"Hindi nilabas ni Wright ang marriage certificate niyo. Hindi niya ito isinampa sa civil registrar. Sa mata ng batas... hindi kayo kasal. Ang totoong kasal..ang opisyal, ang may dokumento ay kay Jane. Limang taon na silang legal na mag-asawa."
Parang may bumagsak na bomba sa dibdib ni Sophia. Ang kanyang mga mata ay lumaki sa gulat, at bigla siyang napahagulgol nang mas malakas, ang mga kamay ay nakayakap sa kanyang tiyan na parang doon lang siya makakapit. "Hindi... hindi totoo 'yan! Nagpakasal kami! Sa harap ng Diyos! May certificate kami! May pirma! Bakit... bakit niya gagawin 'yon sa akin?!"