Share

Ang Lihim ni Angelita
Ang Lihim ni Angelita
Penulis: Yenoh Smile

ALNA KABANATA 1

Penulis: Yenoh Smile
last update Tanggal publikasi: 2025-12-20 04:32:02

"Ramon Garcia. 70 years old. Castel Hotel. Matanda na itong kliyente mo na ito kaya magdahan-dahan ka lang, Mariposa," imporma sa kanya ni Rodora mula sa kabilang linya.

Binaba niya ang bag at nah*god ang batok niya. Wala yata siyang karapatang magpahinga. Kagagaling lang niya sa paaralan ngunit heto at kailangan pa niyang rumaket.

"Huwag mong kalimutang puntahan. Sinasabi ko sa'yo, malaki ang bayad niya," paalala nito.

"Isang milyon ba?" Umungol pa siya lalo't masakit ang likod niya sa maghapong pag-aaral.

"50 thousand. Sayang din. Alam ko namang patutulugin mo lang 'to." Tumawa ito sa dulo kaya napangisi siya nang maliit.

Pinatay na niya ang tawag at isa-isang kinalas ang butones ng uniporme niya. Salamat na lang sa genes niya at biniyayaan siya ng mga malulusog na d*bdib, makurbang katawan at mahahabang mga hita. Idagdag pa ang kayumangging mga mata, tila alon ang kulot ng buhok niyang mahaba, at maputing balat na tumitingkad sa liwanag.

Sabi nga ng iba ay para siyang anghel na bumaba sa lupa. Mali, dahil kabaligtaran ang buhay niya. Hindi siya anghel, kun'di isang dalagang mababa ang lipad.

Agad siyang naligo at sinuot ang pangmalakasang nightie niya. Pinatungan niya lang iyon ng t-shirt at pants. Nagmake-up at siniguradong pulam-pula ang bibig niya.

Sanay na sanay na siya at kabisado na ang gagawin. Kaya taas noo siyang lumapit sa receptionist pagkarating sa hotel.

"Reservation of Ramon Garcia, please at kukuha rin ako ng extrang kwarto," pasimpleng banggit niya sa receptionist.

"Room 280 at 281, Miss—"

"Lolo ko siya, Miss," pagsisinungaling niya lalo pa't kita niyang may panghuhusga na ang mga titig nito sa kanya.

Agad niyang kinuha ang mga keycard at tumalikod. Pagdating sa kwartong ni-book niya ay hin*bad niya ang suot na t-shirt at pants. Nagpisik ng pabango, hinanda ang sleeping pills na siningit niya sa garter ng kanyang panty. Sinuot na rin niya ang maskarang itim.

Isang hingang malalim pa ay kumatok na siya sa kabilang kwarto. Dinig niya ang pag-ubo ng matanda. Mukhang ilang araw na lang ang itatagal nito sa mundo.

Tama nga siya ng hinala dahil sobrang payat na nito. Noong ngumiti sa kanya ay akala niya ay kalansay na nabuhay. Imbis tuloy bigyan niya ng nakapang-aakit na ngiti ay tumabingi ang ngiti niya.

"Dumiretso ka sa kama. Ginigigil mo ko!" gigil na bigkas nito at balak pa yatang hampasin ang p*wet niya buti na lang ay naka-iwas siya.

Pagkasara ng pinto ay mal*ndi siyang tumawa.

"Huwag kang nagmamadali. Sa'yo lang ako buong gabi, Ramon," mal*nding bulong niya.

"Hindi na ako makapaghintay," excited na bigkas nito.

Ngumisi siya at lumayo dito. Nahanap niya agad ang alak sa mesa. Nagsalin siya doon at pasimpleng nilagay ang sleeping pills na dala niya.

"Sasambahin ko ang buong katawan mo, Mariposa. Unang kita ko pa lang sa katawan mo, gusto na kitang anakan!"

Gusto niyang masuka sa narinig ngunit pinilit na ngumiti noong humarap dito.

"Sobrang gwapo mo, Ramon. Gusto ko rin iyan pero mas maganda kung painitin muna natin ng alak ang mga tiyan natin, di ba?" nang-aakit niyang bigkas.

Nagulat siya noong mabilis nitong agawin ang wine glass at lagukin ang alak. Tuloy-tuloy kaya napangiwi siya noong magkanda-tapon sa gilid ng bibig nito.

Madaling-madali masyado!

Nilapag nito ang wine glass at agad siyang hinila padikit dito. Hinayaan niyang hawakan siya nito sa bewang. Akmang hah*lik pa ngunit kunwari siyang tumawa at umiwas. Magbibilang lang siya ng sampo ay tutumba na ito.

"Sandali lang, sasayawan pa kita, Ramon," kunwaring humah*gikhik niyang bigkas.

"Hindi na. Sa kama na tayo. Gusto na kitang tikman," ang boses nito ay pawala na.

Isang tulak lang sa noo nito, bumagsak ito sa kama. Nakapikit at mukhang bukas na ng hapon ang gising. 

"Sorry po, Lolo. Di kita type," aniya bago hanapin ang wallet nito.

Kinuha niya ang ilang lilibuhin doon bago bumalik sa kabilang kwarto at mabilis na nagbihis. Ang bayad nito ay siguradong sa bank account ni Rodora didiretso.

Hindi na niya mabilang kung ilang lalaki ang pinatulog niya. Maniwala kayo sa hindi, virgin pa siya kahit ganoon ang trabaho niya.

Pagdating sa bahay, naligo siya at madiing kinuskos ang katawan. Kahit kamay lang ang humahawak sa kanya, nandidiri pa rin siya. Makaalis lang siya sa lugmon na iyon ay ibabaon niya ang lahat ng nakaraan niya sa limot!

Tinitigan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Walang matinong lalaking tatanggap sa kanya. Alam niya iyon at tanggap niya iyon.

Mapait siyang ngumiti ngunit lumipad ang tingin sa cellphone noong tumunog iyon. Boses ni Rodora ang narinig niya sa kabilang linya.

"Kaya mo bang rumaket bukas ng gabi? Isang gabi lang iyon, Mariposa. Ibibigay ko ang address sa'yo. Hindi mo kailangang magpakita ng mukha. Katawan mo lang ang kailangan niya."

"Isang milyon ba ang ibabayad?" ngising biro niya.

"Oo!" mabilis na sagot nito na kinalaki ng mga mata niya.

"Kung papalarin ka, baka huli mo na ito at kung magustuhan ka, uulit sa'yo," natutuwang bigkas nito.

Napalunok siya at pikit matang tinanggap ang kliyenteng sinasabi ni Rodora. Mukhang sa unang pagkakataon ay ipagkakaloob niya ang pagkabirhen na iningatan niya sa mga nakalipas na lalaking umupa sa kanya.

"Anong pangalan tsaka edad?"

Kung matanda ulit iyon ay madali lang takasan!

"Walang binigay na pangalan at edad. Basta sa penthouse ka dumiretso. Nag-iwan ng card ang tauhan niya dito, daanan mo para makapasok ka sa penthouse."

Napakurap siya. Huhulaan pa niya ang katauhan ng kliyente niya? Di bale na. Importante malaki ang ibabayad nito.

Naligo siya nang mabuti kinabukasan. Hinanda na rin niya ang mga gamit at armas na sleeping pills. Dinaanan niya rin ang card kay Rodora.

Simpleng puting spaghetti strap ang suot niyang bestida. Pinapasok din siya ng guard matapos makita ang hawak niyang card.

Sinuot niya ang kanyang maskarang itim.

Hindi niya alam ngunit umahon ang kaba sa d*bdib niya noong nasa tapat na ng pinto ng penthouse. Ilang beses siyang napalunok.

Hindi na siya kumatok. Binuksan niya ang pinto gamit ang card. Kadiliman ang sumalubong sa kanya at amoy ng mamahaling alak.

"Pwede mo siyang patulugin. Pukpukin sa ulo at kunwaring may nangyari," bulong niya pa sa sarili habang papasok sa madilim na penthouse.

Hinanap ng mga mata niya ang kliyente sa dilim ngunit wala siyang bultong maaninag. Tahimik na lang niyang sinara ang pinto at naglakad patungo sa tingin niyang kama hanggang sa marinig ang paglapag ng baso sa sahig.

Awtomatikong napalingon siya sa gilid ng pader. Kita niya ang malaking bulto doon na nakaupo at nakayuko. Walanghiya! Ang laki ng bulto, parang kaya siya nitong pigain.

"S-ir," lakas loob niyang tawag dito.

"Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito.

Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya.

"Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba.

Nahigit niya ang hininga noong tumayo ito. Sobrang lakas ng kalabog ng d*bdib niya. Ang laki nito! Bouncer ba ito? Sundalo? O baka may-ari ng gym?

Napatingala siya noong makalapit ito. Sa sobrang dilim ay puti ng mata nito ang tanging nakikita niya. Engkanto yata! Kapreng nag-anyong tao?

"Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa kanyang bewang at walang sabing siniil siya nito ng h*lik.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Lihim ni Angelita   Liham Ng Pasasalamat

    Hola!Thank you everyone for patiently waiting. Sorry na at missing in action ako for the last six days. Kagagaling ko lang sa flu. By the way, edited na ang BFO KABANATA 87, you can refresh the chapter by removing the story from the library, then add it again. Anyway, I uploaded all the chapters today with special chapter. For almost eight months of writing this story, finally, we reached the end. Mamimiss ko sila nang sobra at mamimiss ko rin kayo. Sana nagustuhan niyo ang ending kahit naghintay kayo nang matagal eheh.Thank you so much for all your support and for giving my story a shot. Hindi na ako mag-a-add ng sequel ng mga anak nila at baka di ko na matapos ahaha, magalit na naman kayo. Papahinga lang ako tapos i-update ko na ang Hiram na Asawa at ang Mga Anak ng Bilyonaryo. See you there sooner kung hindi pa mainit ang ulo niyo kahihintay ahaha.Again, thank you and may God Bless you all. Mwuah!

  • Ang Lihim ni Angelita   SPECIAL CHAPTER PART 2

    Napatayo agad si Juancho, "What? No. Gabi-gabi ko sa'yong pinapatunayan na lalaki ako—" "So? Malay ko ba kung panakip butas mo lang ako para pagtakpan ang totoong pagkatao mo? Tingnan mo, ikaw lang ang nagsent ng h*bad na picture dito. Inaakit mo ba ang mga kaibigan mo?" taas kilay na tanong ni Lenlen.Namewang na si Juancho, "Seriously? Tiningnan mo lahat ng picture diyan? Lagot ka talaga sa'kin mamaya."Nabitiwan agad ni Lenlen ang cellphone, "Uy! Iyong sa'yo lang ang tinitigan ko. Sige na, hindi ka na bakla."Umatras si Lenlen ngunit agad na hinablot ni Juancho ang bewang nito."Kailangan ko na naman yatang magpunla rito," bulong niya habang hinahagod ang impis na tiyan ng asawa.Namula ang mga pisngi ni Lenlen pero bumulong pabalik, "Ilan ba itatanim mo, Dudong ko? Six times ako maghuhugas ng feminine wash." Sabay pa silang natawang mag-asawa. Niyakap ito ni Juancho at madiing hin*likan sa pisngi."Sienna ko, I need a kiss too," lambing naman ni Lorenzo kay Sienna.Ngumisi si Si

  • Ang Lihim ni Angelita   SPECIAL CHAPTER PART 1

    AFTER FIVE MONTHSHaplos ni Kaia ang apat na buwang tiyan noong lumapit sa pulang checkered na picnic carpet nila.Nagdecide kasi silang magpicnic sa townhouse ni Lorenzo, sa hacienda kung saan malawak ang green grass land nito. Kasama rin nila ang mga bata na abala naman sa paglalaro sa malawak na lupain."May GC 'yan sila. Minsan nagseselos na ako, lagi na lang tutok si Juancho sa gc nila," pabulong na kwento ni Lenlen sa kanila."Pansin mo rin iyon? Nagdududa na rin ako kay, Lorenzo," bulong din ni Sienna sa kanila.Napalabi naman si Angel, "In the middle of the night, basta tumunog 'yang cellphone ng mister ko, sasagot talaga ng video call ng gc nila!" reklamo rin nito.Naglipat-lipat ang titig ni Kaia sa tatlong magagandang babaeng kasama niya.Alam niya ring may gc nga ang mga asawa nila pero ni minsan hindi siya nakialam sa usapan ng mga ito roon o nakibasa man lang. Wala naman kasi siyang dapat pagdudahan kay Pedro."Ikaw, wala ka bang entry o reklamo sa gc nila?" baling sa ka

  • Ang Lihim ni Angelita   BFO WAKAS

    Pagkasarado ng pinto ay nakahinga nang maluwag si Kaia."Dapat yata sumama tayo sa kanila," bigkas niya at akmang bababa na sa mesa ngunit binuhat na siya agad nito at hiniga sa sofa."Sir," paos niyang bigkas noong tumayo ito sa harapan niya at magh*bad."Hindi mo ba narinig si Mommy? She will take care of Posey. At tayo, gagawan siya ng pangalawang apo, Sweety," senswal na bigkas nito.Napalunok si Kaia noong masilayan ang magandang katawan ng asawa. Nakahulma na naman na parang bato ang mga muscles nito. Nakakatulo ng laway.Lumapit na ito sa kanya at marahang hinub*d din ang kanyang dress.Napalunok agad si Kaia at napaliyad noong muling isubo ni Pedro ang malusog niyang d*bdib."Ohhhh~" halinghing niya at napakapit sa sofa.Pinaghiwalay nito ang mga hita niya at pinagkasya ang katawan roon. Unti-unting bumaba ang mga labi nito sa kanyang tiyan.Naramdaman niya agad ang magaang h*lik nito sa peklat niya mula sa panganganak."Pedro," tawag niya sa atensyon nito.Ang gaan kasi ng la

  • Ang Lihim ni Angelita   BFO KABANATA 92

    Humigpit ang kapit ni Kaia sa asawa at agad na kiniling ang ulo noong bumaba ang h*lik nito sa leeg niya."Uhhh," nasasarapang ungol niya sa pagmasahe ni Pedro sa d*bdib niya.Sinips*p nito ang leeg niya. Halos kagatin pa nito kaya marahan niya itong tinulak."Sir, huwag diyan. Makikita ni Posey, magtatanong 'yon," bulong na paalala niya rito."Tell her it's a bug bite," bulong nito pabalik bago h*likan ang cleavage niya.Hindi na siya nakasagot. Ungol na ang lumabas sa bibig niya noong hilahin nito pababa ang dress niya at isubo agad ang d*bdib niya.Nayakap na ni Kaia ang buong ulo ni Pedro at napatingala sa sensasyong bigay nito. Ramdam niya ang pamamasa ng pagkababae niya."Sir, I want you!" malakas na d*ing niya.--------------------------Sa labas. Buhat-buhat ni Helena si Posey papasok sa resto ni Pedro."Is Mommy and Daddy here, Grandma? Sama ko sila sa school?" tanong pa ni Posey sa Lola niya.Hin*likan ito sa pisngi ni Helena, "Yes, Darling. Lahat naman iiwan ng Daddy mo par

  • Ang Lihim ni Angelita   BFO KABANATA 91

    "She looks exactly like you," bulong ni Pedro sa tenga ni Kaia at agad na umikot ang mga braso sa bewang at tiyan ng asawa.Hin*god agad ni Kaia ang braso nito."Of course, Mommy ko kasi 'yan, Sir," nakangiting bigkas niya habang nakatitig sa larawan ng Mommy niya."Gagawa tayo ng kamukha niya para hindi mo siya ma-miss," birong bulong nito.Mahina siyang natawa at mahinang sinampal ang braso nito, "Baka kamukha ni Reymond ang magawa mo, Sir.""I don't mind. Basta ikaw ang nanay, kahit sino pang kamukha," bulong nito muli at marahang kinagat na naman ang tenga niya.Bago pa siya mag-init roon, humiwalay na siya rito kaya't napaungol ito."Baka pagod na ang Mommy Helena mo kakabantay kay Posey. Sunduin na natin," yakag na niya rito.Agad na napaungol si Pedro, "Kahit isang taon mo pang iwan kay Mommy si Posey, hindi iyon mapapagod. What about we go home now, Sweety?" nang-aakit na tanong nito sa dulo.Hinarap niya ito at tiningala, "Sir, isang linggo ka ng hindi pumapasok sa trabaho. H

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 6

    "What was that, Gustavo? Hindi na ako pwedeng pumunta rito kahit kailan ko gusto?! Seriously?!" histerya nito.Kumibot ang mga labi ni Gustavo. Pailalim na tinitigan ang dalagang minsan ay namahay sa puso niya.Kung tutuusin ay ang ganda pa rin nito. Maputi, malaki ang hinaharap at mukhang hollywoo

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 5

    Pikit-mata at nagdadasal si Angelita habang nakaupo sa mesa. Nasa ibabaw ng mesa ang cellphone niya at naghihintay ng tawag mula sa lalaki. Sana ay nakita nito ang cellphone number niya sa likod ng sonogram na iniwan niya sa condominium.Hindi niya sigurado kung doon pa nakatira ang lalaki pero ayo

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 4

    Nanginginig siya sa galit. Kinukuyom ang kamao at makailang beses na naibato sa mesa ang cellphone dahil hindi na niya matawagan si Rodora.Nasabunot niya ang buhok at gustong magwala."Ahhh! Bwisit!"Gusto niyang maiyak sa gigil at galit.Pera niya iyon! Katawan niya ang kapalit ng pera na iyon!Na

  • Ang Lihim ni Angelita   ALNA KABANATA 3

    Bum*on ang mga kuko niya sa balat nito noong magsimulang gumalaw ang daliri nito. Mabagal ngunit mahapdi."M-asakit," sa wakas ay nabigkas niya.Tumigil ito at marahang hinugot ang daliri. Nabitiwan niya ang braso nito noong tumayo ito.Ayaw na ba nito? Hindi na ba siya babayaran?Narinig niya ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status