Ang Lihim ni Angelita
Mariposa, iyan ang tawag sa kanya. Walang pamilya, walang kaibigan. Isang babaeng mababa ang lipad. Sinisikmura ang lahat para sa pangarap. Gustong gusto na niyang makawala sa kadena.
Kapag natapos na niya ang pag-aaral, hindi na niya kakailanganin pang magsuot ng karampot na damit o manloko ng lalaki.
Ngunit lahat ng pangarap niya ay nag-iba noong maging kliyente niya ang isang Gustavo Aarav Bryson Salvador Duckworth, ang lalaking pinagtaksilan ng sariling nobya.
"Isang gabi lang iyon, Mariposa. Ibibigay ko ang address sa'yo. Hindi mo kailangang magpakita ng mukha. Katawan mo lang ang kailangan niya," imporma sa kanya ni Rodora, ang mistulang manager niya.
Tinanggap niya ang kliyenteng sinasabi ni Rodora. Sa unang pagkakataon ay ipagkakaloob niya ang pagkabirhen na iningatan niya sa mga nakalipas na lalaking umupa sa kanya.
"Pwede mo siyang patulugin. Pukpukin sa ulo at kunwaring may nangyari," bulong niya pa sa sarili habang papasok sa madilim na penthouse.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tinangay ang plano niya noong makita ang malaking bulto nito sa dilim. Isang hawak lang nito sa kanya ay tiyak na mapipisa siya.
"Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito.
Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya.
"Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba.
"Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa bewang niya at walang sabing siniil siya nito ng halik.
Ni hindi niya lubos isipin na ang isang gabing iyon ay pagkakalooban siya ng tatlong anghel. Mga anghel na walang ideya kung sino siya.