Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Tender Bargain

The Billionaire's Tender Bargain

Si Dolores Roman, 22, ay pasan ang bigat ng mundo. Siya ang nag-aalaga sa nakababatang kapatid na may malubhang sakit, at dahil sa hospital bills at utang, halos hindi na siya makahinga. Pagod ‘man siya, pero hindi sumagi sa isip ang pagsuko. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid—kahit pa napakahirap. Devon Valderama—mayaman, tahimik, at matagal nang may lihim na pagtingin kay Dolores. Lihim niyang sinusuportahan ang pag-aaral ni Dolores, at nang humiling ang kanyang lola na makita siyang masaya at may asawa bago ito mamaalam, naisip niyang ito na ang pagkakataong mapalapit kay Dolores. Inalok niya si Dolores ng isang contract marriage: isang taon silang magpapanggap bilang mag-asawa para mapasaya ang kanyang lola. Kapalit nito, sasagutin niya ang lahat ng utang ni Dolores at gastusin sa gamutan ng kapatid. Nag-alinlangan si Dolores, pero pumayag para sa kapatid. Ang usapan: walang feelings, walang komplikasyon. Pero habang magkasama sila, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Si Dolores, naantig sa kabutihan ni Devon. Si Devon, lalong minahal si Dolores. Hanggang sa bumalik ang ex-fiancée ni Devon, gustong bawiin siya. At si Dolores, nalaman ang totoo—na matagal na pala siyang mahal ni Devon, at ang kasal ay paraan para mailapit siya rito. Nasaktan si Dolores sa katotohanang itinago ni Devon, kaya siya ay lumayo. Pero inamin ni Devon ang lahat—na totoo ang lahat ng ginawa niya dahil mahal niya si Dolores. Sa huli, si Dolores ang bumalik—hindi dahil kailangan niya ng tagapagligtas, kundi dahil natutunan niyang tanggapin ang pagmamahal ng taong handang lumaban kasama niya. No contract and secrets - just love.
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor Calyx: Touch Me Gently

Doctor Calyx: Touch Me Gently

Mataba. Nerd. Walang kaibigan. Ganito noon si Calyx Monteverde—isang binatang pinangarap lamang mahalin ng babaeng tinitibok ng puso niya, si Sahara Villareal. Maganda. Seksi. Perpekto. Ngunit sa halip na matamis na ngiti, kahihiyan ang isinukli ni Sahara sa kanyang lihim na damdamin—sa harap ng lahat. Lumipas ang mga taon. Si Calyx, ngayo’y isang kilalang, mayaman, at magaling na doktor. Si Sahara? Bagsak ang negosyo, naghihirap, at desperado. Malubha ang sakit ng ama niya—at tanging si Dr. Calyx ang makapagliligtas. Ngunit paano kung ang lalaking minsang pinahiya mo ay siya ring tanging pag-asa ng ama mo ngayon? At paano kung wala kang sapat na pera para bayaran ang kanyang serbisyo? May isang kondisyon si Calyx—ang katawan ni Sahara ang magiging kabayaran. Ngayon, sa harap ng muling pagtatagpo, ano ang nanaig sa puso ni Calyx—ang matagal na pagmamahal o matinding paghihiganti?
Romance
10666 viewsOngoing
Read
Add to library
Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Tahimik at maayos ang pamumuhay ni Viva Guardian at ng asawa niyang si Emmanuel. Pero nagising na lamang si Viva isang gabi na may hawak na kustilyo, puno iyon ng dugo. At wala nang buhay si Emmanuel. Si Viva ang itinuturo ng suspect sa pagkamatay ni Emmanuel. Nakulong siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Nang magkaroon ng sunog sa Manila City Jail ay kinuha ni Viva ang pagkakataon na iyon para tumakas. Pero ang kalahati ng kanyang mukha ay nasunog. Ginamit niya ang mukha ng dating asawa ni Hendrix Lorenzo, ang witness, sa pagkamatay ni Emmanuel. At gagamitin rin ni Viva si Hendrix para alamin kung ano ang nangyari sa asawa niya at lilinisin ang pangalan niya.
Romance
466 viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting the Billionaire's Baby

Babysitting the Billionaire's Baby

Duchess GN
Sa dinami-rami ng mga aplikante ay si Andrea o Andeng ang nakuha bilang babysitter sa anak ng isang bilyonaryo na si Rafael Ignacio Alvarado. Sa napakalaking halaga ng pera na hindi niya kikitain kahit limang taon pa siyang magtrabaho ay kailangan lamang niyang alagaan si Travis Alvarado, dalawang taong gulang. Kailangan niya itong timplahan ng gatas, paliguan, bihisan at patulugin. Simpleng simple lang iyon kung tutuusin kaya't ang akala niya ay swerte na siya dahil sa kaunting trabaho lang ay sasahod na siya ng limpak-limpak na salapi. Pero bakit hindi lang si Travis ang kailangan niyang alagaan? Bakit kailangan niya ring painumin ng gatas, paliguan, hubaran at samahan sa pagtulog si Rafael Ignacio, ang boss niyang bilyonaryo.
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge Of Mistreated Wife

The Revenge Of Mistreated Wife

WennieWrites
Matagal nang umiibig si Irine Evangelista kay Ruyi Walton mula pa noong bata pa sila. Kaya nang itinakda ng kanilang mga magulang na magpakasal sila, buong puso pumayag si Irene kahit alam niyang hindi iyon ang gusto ni Ruyi. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, iginugol ni Irene ang kanyang buhay para kay Ruyi, umaasa na magbabago ang isip nito at sa huli'y mahulog sa kanya. Ngunit biglang gumuho ang lahat nang magising na lamang si Irene isang araw na nasa tabi ng kapatid ni Ruyi, si Kyler, wala silang mga saplot at magkayakap. Hindi alam ni Irene kung paano iyon nangyari, pero isa lang ang sigurado siya—hindi niya magagawang saktan at lokohin si Ruyi. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ni Irene ay hindi nakinig sa kanya si Ruyi, sa halip ay nag-file ito ng divorce.
Romance
10669 viewsOngoing
Read
Add to library
Mapanganib na Pagbabago

Mapanganib na Pagbabago

Pinatay si Rosaline at personal na nilagay ni Sean si Jane sa kulungan ng mga babae dahil dito. “Alagaan mo siya ng mabuti” — ang mga salitang sinabi ni Sean ay ginawang impyerno ang buhay ni Jane sa kulungan at nagdulot pa para mawalan siya ng kidney. Bago siya mapunta sa kulungan, sinabi niya, “Hindi ko siya pinatay,” ngunit walang epekto ito kay Sean. Matapos niyang makalaya mula sa kulungan, sinabi niya, “Pinatay ko si Rosaline, kasalanan ko ito!” Gigil na sinabi ni Sean, “Tumahimik ka! Ayokong marinig na sabihin mo iyan!” Tumawa si Jane. “Oo, pinatay ko si Rosaline Summers at nakulong ako ng tatlong taon para dito.” Tumakas siya at hinagilap ni Sean ang buong mundo para sa kanya. Sabi ni Sean, “Ibibigay ko ang aking kidney, Jane. Kung ibibigay mo ang iyong puso.” Ngunit tumingala si Jane kay Sean at sinabi, “Hindi na kita mahal, Sean...”
Romance
8.8119.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Rival Bride

The CEO's Rival Bride

Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom. Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas. Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan. Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang. At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan. Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito. Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan? Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.
Romance
10533 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Dispensable Woman

The Mafia's Dispensable Woman

Pinagtangkaang patayin ni Griff ang kanyang asawang si Althea upang masolo nito ang kompanya ng babae at makasama na nito ang childhood sweetheart nito na si Britney. Ngunit nang araw na itapon sa bangin ni Griff ang bangkay ni Althea ay sakto namang nagmamanman ang mafia boss na si Rigor at nasaksihan niya ang mga pangyayari. Sinagip ni Rigor si Althea at binigyan ng bagong mukha na kawangis sa mukha ng kanyang yumaong asawa na si Sophia. Subalit habang tumatagal ay may kakaiba na silang nararamdaman para sa isa't-isa. Akala ni Althea ay happy ending na ang kanyang love story sa piling ni Rigor. Hindi niya akalaing may darating palang kontrabida. Si Sophia, ang original na nagmamay-ari ng puso ni Rigor. At ang original na nagmamay-ari ng kanyang hiram na mukha. Talaga bang malas siya pagdating sa pag-ibig? At paano nangyaring nabuhay ang matagal ng patay?
Romance
1015.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE HALF SIBLINGS

THE HALF SIBLINGS

THE HALF SIBLINGS “Hindi ka magiging masaya! Mawawala ang lahat sa iyo!” Galit na galit si Lyria sa kakambal niyang si Lyrie at lalong lalo na sa asawa niya na si Draken dahil sa ginawang panloloko ng dalawa sa kaniya. Bilang isang asawa at kapatid, sobrang sakit para kay Lyria na nagawa siyang lokohin ng kaniyang asawa at sariling niya pang kakambal ang umahas sa asawa niya, pero wala nang mas sasakit pa nang malaman niyang nabuntis din Ng asawa niya ang kakambal niyang si Lyrie.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Phantasm in My Billionaire Crush

Phantasm in My Billionaire Crush

Si Elina Lopez ay isang mahirap na babae at ang kanyang ina ay isang Housewife lang. Nang unang mapanood ni Elina sa TV ang isang Billionaire Boy na nag-ngangalang Jacob Brown, sya ay na “Love at 1st sight” dito kahit hindi nya pa ito nakikita at nakakasama in person. Simula nun ay pinangarap ni Elina na pakasalan si Jacob. Sa loob ng “6 Years” ay nag-imagine ng mga wild-fantasy si Elina ukol kay Jacob. At dumating ang isang balita sa Pilipinas na ang Golden Industry na company ng family ni Jacob ay magkakaroon sa Pilipinas for the 1st time. Nang malaman ito ni Elina sya'y nagsumikap na makapasok rito ngunit hindi sya natanggap sapagkat hanggang Grade 12 lang ang kanyang natapos. Ngunit may Best-Friend si Elina na nag-ngangalang Rhea Santos at sya mismo ang gumawa ng paraan upang magkaroon sila ng interview sa Golden Industry. Dumating ang araw ng interview nila Elina at Rhea sa Golden Industry at ito ang unang pagkakataon para kay Elina na makita si Jacob in person. At nagsimula na nga ang interview para sa Golden Industry at si Jacob Brown mismo ang nagtatanong sa mga employees. Nang si Elina na ang sasabak sa interview ay kanyang inamin kay Jacob na mahal nya ito. Nagulat si Jacob sa kanyang nalaman dahil lahat ng babae na kanyang nakakasama at nakikita ay sinasabihan syang mahal sya. Walang magawa si Elina kundi patunayan ang kanyang pagmamahal kay Jacob kaya kanya itong hinalikan. Ang paghalik na iyon ay ang 1st kiss nila Elina at Jacob sa isat-isa. Nagulat at hindi makapaniwala si Jacob sa ginawa ni Elina kaya kanya itong tinangggap sa trabaho kasama ang Best-Friend nito. Pinuntahan ni Jacob si Elina sa bahay nya mismo at doon nya sinabi na kanyang pakakasalan ito dahil sa 1st-kiss. Then their “Love Story” begins…!
Romance
107 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status