Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
Romance
10536 viewsOngoing
Read
Add to library
The Housemaid's Secret

The Housemaid's Secret

Zenshine
Para takasan ang nakatakda niyang kasal sa isang matandang lalaki ay lumuwas si Bethany Gayle Chavez sa isang malayong probinsiya. Ipakakasal kasi siya ng mommy niya sa isang Chinese business tycoon. Bagay na never niyang sinang-ayunan. Bilang heiress, alam na niya na kapalit ng pagiging marangya ng buhay niya ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng impluwensya ng bawat pamilya kaya naman kailangan niyang maikasal sa isang taong kaparehas o higit pa sa estado nila sa buhay. Kaya naman para makatakas sa kasunduang hindi niya gusto. . .nagpaka-layo kayo siya at nagpanggap siya bilang isang simpleng babae. Namasukan siya sa isang mayamang haciendero bilang house maid at doon ay nakilala niya si Simon Clarke Silvestre. Nagmamay-ari ito ng heka-hektaryang lupain sa probinsya at may malaking hacienda. Naging maganda at kaswal lang naman ang pagtanggap sa kanya ng binata. Pero naging mahirap para sa kanya ang pagsisilbi rito dahil kagagaling lang nito sa isang aksidente. Iritable si Simon at mabilis na magalit. Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang ang pagbabago niya simula noong maaksidente siya. Hindi nila alam na si Bethany ay isang tagapagmana at nagpapanggap lamang bilang kasambahay. Bagay na sinesekreto niya sa lahat dahil ayaw niyang mahuli at ibalik sa mga magulang niya kundi ay malilintikan siya at ipapakasal sa matandang instik na iyon. Pero paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Bethany? Si Simon ba ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang magiging kapalaran sa matandang intsik na iyon, o mas lalo lang nitong sisirain ang buhay at mga pangarap niya?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Taste Her Vengeance - Tagalog Story

Taste Her Vengeance - Tagalog Story

bluis
Gagawin lahat ni Hanneah Marie Alvarez para mapagbayaran ng pamilyang Ynes ang mga kasamaan na ginawa sa kanyang mga magulang. She’ll do everything to give justice for her parents even if she’ll risk her own life for it. She’s willing to do everything for her parents. Ngunit maisasakatuparan niya pa kaya ang mga balak niya kung may sikreto siyang nalaman mula sa pamilyang Ynes? Ang sikretong kayang ‘yon ang tutulong sa kaniya para makamit ang hustisya para sa mga mga magulang niya? O baka ang sikretong ‘yon ang hahadlang sa kaniya para ituloy ang matagal niya nang inaasam na hustisya?
Romance
1019.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Step Mom

My Step Mom

Hindi matanggap ni McKenzie Elle Dela Fuentez na muling umibig at ikinasal Ang kanyang ama Kay Celeste Constantine sa pag aakalang Hindi ito karapat dapat, paglalaruan at sasaktan lang Ang kanyang ama. Misyun niyang paibigin Ang kanyang step mom upang sirain Ang relasyun nito sa kanyang ama at mauwi sa divorce. Saka niya ito hahayaang bumagsak. Subalit Ang planong mapa ibig ito ay tila naging patibong din sa kanyang sarili dahil unti unting lumalambot Ang kanyang puso para rito Hanggang sa Hindi niya na mawari kung Ang misyung ginagawa ay para mapaghiwalay sila o para maging sa kanya ng buo si Celeste Constantine. Hanggang saan aabot Ang mapag larong tadhana sa kanilang buhay? Could a happy ending still exist? Abangan natin Ang love story ni McKie at Celeste sa My Step Mom. Only here at Good Novel.
LGBTQ+
10170 viewsOngoing
Read
Add to library
The Maid Who Married The Boss

The Maid Who Married The Boss

Isang maid ang inalok ng kasal ng kanyang boss para makuha nito ang mana. Dahil sa hirap ng buhay, pumayag siya kapalit ng ginhawa para sa kanyang pamilya. Ngayon, asawa na siya ng isang bilyonaryo. Pero kaya ba niyang manatili sa kasal na ito nang hindi nahuhulog sa boss niya—lalo na kung alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan?
Romance
1032.3K viewsCompleted
Read
Add to library
My First Love

My First Love

carmiane
Am I ready to be in love? Am I ready to sacrifice myself? Handa na ba ako sa mga mangyayare kapag sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya? Paano kung hindi niya ako mahal? Paano kung wala naman siyang nararamdaman para sa akin ano ang gagawin ko? Deserve niya ba ako? Hindi ako para sa kaniya. Kaya titignan ko na lang siya na masaya sa ibang babae na kayang ipagtanggol at mahalin siya ng lubusan.
Romance
3.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Rival Bride

The CEO's Rival Bride

Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom. Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas. Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan. Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang. At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan. Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito. Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan? Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.
Romance
10418 viewsOngoing
Read
Add to library
UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

Sa gitna ng mundong puno ng pagdurusa at kahirapan, isang asawa ang naglalakbay sa daang puno ng sakripisyo para sa isang pag-ibig na di karapat-dapat. Sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataon na sumuko, pinili niya paring manatili at magtiis para sa taong hindi nauunawaan ang halaga ng kanyang pagmamahal. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis sa pag-asa ng pagbabago? Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa ni Maricar na nagpapakita ng lakas at tapang ng pusong handang magmahal kahit na di ito kapalit ng karapat-dapat na pagmamahal.
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionairess Ex-Husband

The Billionairess Ex-Husband

Si Asteria Bellamy ang future CEO ng kanilang kompanya, ngunit para makuha niya ang posisyon na hinahangad niyang lakbayin ang iba't ibang bansa at makakuha ng mga bagong kaalaman para sa kanilang negosyo. Kayanin niya kaya ito kung ang magiging tourist guide niya ay walang iba kundi si Gray Anderson, ang dating niyang mister? Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa lalo na at engage na ito sa ibang babae? Makakaya ba niyang isakripisyo ang sariling puso niya para sa posisyon na inaasam, o hahayaan itong mawala sa mga kamay niya at bumalik na lang sa dati niyang negosyo na maliit na flower shop? Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama sa nakaraan ay magdulot kaya ulit ito upang sila ay magkabalikan? O itatapon na lang nila ito na parang walang pinagsamahan noon? Mapigilan kaya nina Asteria at Gray ang kanilang sarili na umibig muli sa isa't isa? O tuluyan na silang tatangayin ng alon ng pag-ibig at pagkasabik sa isa't isa?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10359 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status