Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Virgin Writer

The Virgin Writer

missfriees
Isla Adelaide Austria – isang kilalang manunulat. Ngunit malaki ang posibilidad na matanggal siya sa trabaho sa kadahilanang naalis siya sa pwesto bilang top-grossing author hanggang sa tuluyang hindi na bumenta ang kan'yang mga storya. Ang manunulat na katunggali niya ay magaling magsulat ng mga romantic novels na may kalakip na mature contents at iyan ang kahinaan niya dahil sa edad na 22, wala pa siyang karanasan sa mga gan'yan. At sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Ezra Hudson – gwapo, malakas ang appeal, at higit sa lahat eksperto na sa gan'yang usapan ngunit siya ay isang broken hearted. Dahil dito, magkakaroon sila ng deal, magpapanggap siya bilang girlfriend ni Ezra at ang kapalit noon ay bibigyan siya nito ng mga impormasyon at ideya upang makapagsulat siya ng mature contents. Pero paano kung ang akala niyang simpleng deal ay siya pala ang magdadala ng gulo sa buhay niya? Paano kung dahil sa isang deal na 'to ay tuluyan siyang mahulog sa binata? At paano kung dahil din sa deal na 'yan, may mabuong bata sa kan'yang sinapupunan? Paano na ang magiging buhay ng ating virgin writer?
Romance
1.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
Romance
103.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Yugto

Yugto

Fourthpretty
Mina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Napakaputla ng kaniyang balat at maging ang kaniyang buhok ay naiiba rin. Mayroon siyang asul na mga mata at nagtataglay ng kahali-halinang kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob sa kanilang tahanan at walang ibang nakasalamuha maliban sa kaniyang ama at ina. Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang binata ang lubos na humahanga sa kaniya noon pa man. Ito ay ang binatang si Joeliano Crisologo na nalalapit na maging isang ganap na doktor. Lubos ang kaniyang paghanga sa dalaga mula noong una niya itong makita. Ninais niyang mapalapit sa dalaga ngunit hindi iyon gano`n kadali sapagkat kinailangan niyang bumalik sa bayan kung saan siya namulat. Ipinangakoo niiya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ito sa oras ng kaniyang pagbabalik sa Cavite. nang dumating na ang araw na kaniyang pinakahihintay ay may hahadlang upang sila ay tuluyang magkalapit. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan kung sa umpisa pa lamang ay hinid na magtagpo ang kanilang landas patunngo sa isa`t-isa.
History
107.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
VENGEANCE AND DESIRE

VENGEANCE AND DESIRE

Dahil sa trahedyang nangyari sa pamilya ay nawalay si Kiana sa kakambal. Nangako siyang babalik ngunit natagalan dahil nawalan ng alaala. Sa kaniyang pagbabalik ay maniningil at nagpanggap na si Karen—ang kakambal upang maipaghigante rin ito mula sa pang-aapi ng pamilya ng napangasawa nito. Upang magtagumpay sa misyon, kailangan ni Kiana gamitin ang katawan upang mapalapit sa taong may malaking influence sa oraganisasyong may kasalanan sa kanilang pamilya. Ngunit nagulo ang plano niya dahil dominante at mapang-angkin si Xavier, ang lalaking gusto lang sanang gamitin. Lahat ay nakukuha ni Xavier kahit hindi na gumamit ng dahas o bakal na kamay. Ngunit pagdating sa babaeng naka one night stand ay nagbago ang lahat. Gagawin niya ang lahat upang mapaamo ang babae, kahit ang kapalit ay pagkabuwag ng organisation na pilit na pinagbubuklod ng abuelo at pagkasira sa relasyon ng kapamilya. Paano pagtagpuin ng tadhana ang landas ng dalawang taong may pusong bato at ang isa ay namamahay ang puot sa puso para sa mga taong may kasalanan dito? Alin ang pipiliin ni Kiana sa bandang huli, ang paghihiganti o reputasyon?
Romance
1015.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Introverted Girlfriend

My Introverted Girlfriend

Si Maria Marites Majarott ay isang introvert na babae, siya ay NBSB at nahihirapang makihalubilo sa mga tao not until Ernist Hemingway 'the boy next door' comes to the rescue. **** Si Maria Marites Majarott 'Mari' ay nagtatrabaho bilang isang manunulat sa isa sa pinakamalaki at pinakasikat na kumpanya ng paglalathala sa bansa. Sa katunayan, isa siya sa pinakamabentang may-akda sa kasalukuyang henerasyon ngunit itinatago niya ang sarili sa pin name na MMM 'Malibog at Maharot na Manunulat'. Siya ay isang Erotikong manunulat. Gayunpaman, kung gaano kalapad at kalawak ang imahinasyon niya patungkol sa kanyang genre ay napakasalungat nito sa totoong personalidad niya. Isa siyang tao na pinangingibawan ang pagtuon sa kanyang sarili. In short introverted and innocent like bullshit. Kaya nang tumuntong siya ng trenta ay naging desperada ang dalaga't gusto niyang maranasan kung ano ba ang pakiramdam ng madidiligan ang bulaklak niya, subalit paano? Wala naman nagpapakilig sa kanya? N'ung halos susuko na siya't handang tanggapin ang madilim na kapalaran ng bulaklak niya. Saka naman may bagong saltang kapitbahay siya na si Ernist Hemingway na mayroon pinakamagandang ngiti na nasilayan niya sa buong buhay niya. Ito naba ang nakatakdang pumitas sa malapit nang malalantang bulaklak niya?
Romance
107.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Seducing My Father's Mistress

Seducing My Father's Mistress

Upang maipagamot ang inang may cancer ay napilitan si Caress na magtrabaho bilang isang escort service. Subalit dahil sa mga lumalalang kalagayan ng ina ay tuluyan siyang nalubog sa utang. Napilitan siyang ibenta ang sariling katawan sa mga mayayamang customer—from a simple escort service she turned into a high paid prostitute. Subalit isang araw ay dumating si Carlos sa buhay niya. And he was different from her past customers. Bukod sa ipinakita nitong respeto sa kanya ay napakabait nito. Binayaran nito ang lahat ng utang niya at tinulungan siyang makapagsimula ng bagong buhay. Sa kabila ng kaalamang may asawa ang lalaki ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog rito. But Caress knew her place. Wala sa plano niya ang agawin si Carlos sa asawa nito. Kontento na siya sa oras na ibinibigay sa kanya ng lalaki. Sa isang banda, Craig was living in New York when he received a call from his mother telling him his father was asking for annulment. Ang dahilan—may ibang babae ang ama niya. Hindi niya matatanggap na masisira lang ang matagal na taon na pagsasama ng mga magulang niya dahil sa isang babae. Napilitang umuwi si Craig sa Pilipinas para isakatuparan ang plano niya. And his plan: to seduce his father's mistress.
Romance
1014.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Heartless Hunter

The Heartless Hunter

Si Camilla ay nasa huling taon na sa kolehiyo. Kaylangan nilang mag-OJT, sa hindi inaasahan ay napili siya upang magtrabaho sa kompanya ng may-ari ng Univeristy kung saan siya nag-aaral. Anong mangyayari kung mahulog ang loob ng kaniyang amo sa kanya? Handa ba siyang masakatan? Handa ba siyang magpatawad sa kung anong sakit ang maaring ibigay sa kanya?
Romance
104.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Family Heirlooms

The Family Heirlooms

Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
Other
10574 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

ATHAPOS
Si Vegee Mariano, isang heartbreaker, binayaran siya ni Steffi, eight-hundred thousand. Ipapahinto niya ang kasal ng babae at magpanggap na nobya sa nobyo nitong si Gabriel Quiros. Nagawa niya ang trabaho. Dumaan ang linggo, nagpakamatay si Gabriel Quiros dahil sa matinding depression. Siya ang sinisisi ng pamilya nito. Dahil sa takot umuwi siya ng Bohol. Naging payapa ang buhay ni Vegee sa probinsya. Hanggang isang araw, dumating sa buhay niya si Wilson Montreal. Naging pamilyado si Vegee sa mukha nito. Ito ang lalaking nakasama niyang kumain sa fast-food chain noon sa Manila. Nasa probinsya na ito at may business. Araw-araw itong bumibisita ang lalaki at nagsabi ito ng totoong nararamdaman nito. Hindi manhid si Vegee sa naramdaman ng lalaki at ganoon din siya sa kanyang sarili. Naging mapusok sila sa kanilang naramdaman. Isang gabi, nagyaya si Wilson sa resort nito. Nagpunta kaagad si Vegee ngunit nandoon si Steffi. Pinahiya siya ng babae at doon niya nalaman na si Wilson ay ang kapatid ni Gabriel Quiros. Kaya bang ipaglaban ni Vegee ang kanyang nararamdaman sa lalaki kung naghihiganti lang pala ang lalaki sa pagkamatay ng kapatid nito? Kaya niya bang ipaglaban pa rin ang kanyang pagmamahal sa lalaki kung nalaman niyang may relasyon si Steffi at Wilson? Paano kung nagbunga ang mapusok nilang mga gabi?
Romance
10973 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Played by Mafia & Billionaire

Played by Mafia & Billionaire

"Sa akin siya! Ako ang asawa niya kaya hindi mo siya puwedeng angkinin. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya maagaw sa akin!" "Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Oo. Mag-asawa nga kayo pero ginamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Ngayong nakuha mo na ang pakay mo sa kaniya, hindi mo na siya kailangan. Doon ka na lang sa kabit mo. huwag mo na kaming guluhin ni Derie May!" "At paano ka naman nakasigurado na ginamit ko lang siya? kailan ka pa naging tsismoso? Mahal ko ang asawa ko kaya babawiin ko siya sa 'yo sa kahit na anong paraan. Huwag mong angkinin ang hindi sa 'yo, Bryce. Huwag mo akong subukan!" Parehong matapang at walang gusto na magpatalo sa dalawang lalaki na ang pinag-aagawan ay ang isang babae. Isang inosenteng babae na naipit sa gulo ng pamilyang Avendaño at Vicente. Parehong nagkagusto si Stefano at Bryce kay Derie May at halos magpatayan na para sa pag-ibig nila rito. Ang hindi nila alam ay habang nagpapatayan sila ay tumakas naman si Derie May para makalayo sa kanilang dalawa. "Pareho lang kayong manggagamit! Mga mapagsamantala! inabuso niyo ang pagiging inosente ko. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isa man sa inyo."
Romance
1031.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status