Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Diary Ng XXX Celebrity

Diary Ng XXX Celebrity

Caregiver sa gabi, secretary sa umaga, ganyan ang araw-araw na buhay ni Irina Elizalde matapos lamunin ng trahedya ang masayang pamilya niya. Nang mamatay ang Papa niya sa isang aksidente at mabaldado ang Mama niya, napilitan siyang maging breadwinner, kahit pa sinisisi siya ng Tita Shiela niya sa lahat ng nangyari. Sa pagiging caregiver, may konting ginhawa naman siya, lalo na’t mabait ang matandang inaalagaan niya na si Lola Vicky. Pero sa trabaho niya bilang secretary ng suplado at bastos na CEO na si Ravi Lopez, araw-araw siyang parang nasa impyerno. Mabuti na lang at guwapo at yummy, kaya napagtitiisan niya, kahit na, gusto na niya itong layasan. Isang gabi, panay ang iyak ni Irina sa inaalagaan niyang si Lola Vicky. Kinuwento niya rito ang lahat ng paghihirap na dinadanas ngayon sa buhay niya. Sa awa ng matanda sa kaniya, binigyan siya nito ng mission. Mission na kailangang hanapin ang pörnstar na may-ari ng diary na hawak ngayon ni Lola Vicky, at kapag nahanap niya ito, ipapamana ng matanda sa kaniya bilyong-bilyong yaman nito. Ang problema, tila screen name lang ang meron siya. Mr. Ryder King. Iyon kasi ang nakalagay sa diary nito. Bukod doon, gusto ng matanda na sila ang magkatuluyan. Makukuha lang ni Irina ang bilyong-bilyong mana nito kung pakakasalan siya ni Mr. Ryder King. Paano kaya kapag nalaman ni Irina, na ang may-ari pala ng Diary ng XXX Celebrity ay ang suplado, bastos at mayabang niyang Boss CEO na si Ravi Lopez, pakakasalanan niya kaya ito? Kung payag man si Irina na pakasalan ito para sa bilyong-bilyong mana ni Lola Vicky, pumayag naman kaya si Ravi Lopez na pakasalan siya?
Romance
1030.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
Romance
1016.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Breakup Formula (Tagalog)

The Breakup Formula (Tagalog)

June Arden
Isang normal na gabi lang sana ang lahat kay Paris Laurene, kung hindi lamang niya nasaksihan ang tumataginting na pagkabigo ni Theon, sa isang dalagang balak nitong ipakilala bilang girlfriend sa abuela nito. Last minute nang bigla nalang umayaw ang dalagang bitbit ni Theon kaya’t naiwan ito habang di malaman kung paano haharapin ang parating na Lola. Well look at that, even the hot, rich and devilishly handsome Theonnius Naverra got dump in front of her very eyes! May pag-asa pa ang Earth! Hindi maatim ni Paris na hayaan si Theon na humarap nang bigo sa abuela nitong dumating sa naturang tagpuan. kahit pa kating-kati na ang dila niyang budburan ito ng pang-aasar. Ngunit dahil isa siyang mabait, maganda at binibining may busilak na kalooban, nagpakilala siya bilang girlfriend ni Theon. “Relax, Theon. Magbi-break din naman tayo.” Nakaisip na si Paris ng plano upang malinis na matakasan nilang dalawa ni Theon ang ginawa nilang pagpapanggap na magkasintahan. Iyon ay ang gumawa ng paraan upang magbreak sila nang hindi nagdududa at nabibigla si Lola Celestina. “We just need to follow the right breakup formula.” aniya. “What?” “Heated arguments plus jealousy and misunderstanding minus communication and time, idagdag pa ang mga babae mo. That will surely equal to break up.” Okay na sana lahat. Ang problema maling equation ata ang nasusunod ni Paris. Imbes kasi na magkalabuan lang sila ay nahuhulog pa siya sa binata! Oo nga pala, hindi siya magaling sa Math!
Romance
3.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Love

The Billionaire's Love

EVS
Isang baligtad na mundo, Isang mundong mahirap, walang batas at walang moralidad. Kabilang na rito sa mundong ito si Alice Armani, wala siyang ibang iniisip kundi ang magkapera at maka alis sa kaniyang kahirapan na dinaranas. Sa kabilang mundo naman, ay puno ito ng kasaganaan sa pamumuhay, kahalagahan sa isang bansa, mayroong batas at pinuno. Namumuhay dito si Mark Liam Reed, isang binatang ipinanganak na Bilyonaryo, gwapo at maluho sa buhay. Hanggang sa ipinagtagpo sila ng tadhana, sa taglay na kagandahan at alindog ng katawan ni Alice ay nabihag nito ang puso ni Liam. Paano kung malaman ni Liam ang lihim ng dalaga o intensyon? Tatanggapin ba siya ng binata o kamumuhian? Paano kung may mga pusong biglang tumibok sa pagmamahal at naiba ang pananaw sa buhay? Kaya bang kalimutan ni Alice si Liam o pipiliin na lamang niya ang buhay na kinagisnan?
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
PART OF YOUR WHOLE

PART OF YOUR WHOLE

Athena
Si PAYNE ay isang fourth year high school student na may autism spectrum disorder kasabay ng kaniyang pagkakaroon ng multiple personality disorder. Mula pagkabata ay sa regular school siya pumapasok, napagtagumpayan niya lahat ng panlalait sa kaniya at pabago-bagong pangyayari sa kaniyang paligid dahil sa kaniyang bestfriend na si MAYA. Makikilala ni Payne si NEAL, isang transferee student sa kanilang paaralan, at isang gangster heart-breaker na binata. Paghihiwalayin ni Maya si Neal at si Payne dahil sa isang matinding kadahilanan nito. Ang lahat ng tao, maging ang ina ni Payne ay tutol sa relasyon niya kay Neal habang si Neal ay pursigido na mahalin at protektahan si Payne. Makakaya ba ni Payne at Neal ang pangungutya sa kanila ng mga tao? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan kahit alam nilang abnormal ang tingin sa kanila ng lipunan? O mas pipiliin nilang maghiwalay para sa ikapapayapa ng pamilya nila?
YA/TEEN
104.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
CAUGHT BETWEEN HIS SHEETS (SPG/R18+)

CAUGHT BETWEEN HIS SHEETS (SPG/R18+)

" Between his rules and his sheets, I got lost.” Pagkatapos mabuko ang panloloko ng nobyo’t matalik na kaibigan, winasak ng sakit ang puso ni Alexa. Wala na siyang ibang pinanghawakan kundi ang trabaho—hanggang sa dumating ang bagong CEO. Siya si Damien Alcantara. Matalino. Malamig. Mapanganib. Isang boss na may titig na kayang tunawin ang lahat ng depensa ni Alexa. Pero mas nakakatuliro ang katotohanan—siya ang tiyuhin ng ex niya. Nag-umpisa ito sa lihim na pagnanasa. Nauwi sa kasunduan. Hanggang sa isang gabi, natagpuan ni Alexa ang sarili na… nasa kama ng sariling boss. "Marry me. For protection. Nothing more," sabi ni Damien. Pero paano kung ang kama nilang dalawa ay mas maraming sinasabi kaysa sa kontrata nila? Caught between his sheets, and caught between danger and desire… hanggang kailan niya kayang itanggi ang apoy sa pagitan nila?
Romance
101.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
PLAY WITH ME, CHELSEA

PLAY WITH ME, CHELSEA

Kinalimutan ni Chelsea ang kanyang pangarap na manirahan at makapagtrabaho sa ibang bansa para gawin ang nais ng kanyang mga magulang kahit labag iyon sa loob niya. Isang mabuting tao ang lalaking papakasalan niya at inaalagaan siya nito, ngunit biglang nagbago lahat ng iyon dahil lamang hindi niya naibigay ang gusto nito. Paiba-iba ang kasama nitong babae at ang mas masaklap na roon ay dinadala niya ito sa kanilang bahay at sa mismong kwarto nila nagtatalik. Gustuhin man niyang makipaghiwalay ay hindi niya iyon basta-bastang magagawa, kaya tiniis na lamang niya lahat ng ginagawa nitong kababuyan. Hanggang isang araw ay sumulpot sa kanyang harapan ang pinsan nitong si Vander at nag-offer ito sa kanya ng isang fake marriage. Walang pag-aalinlangan na tinanggap ni Chelsea ang offer nito dahil alam niyang yon ang tanging paraan upang tuluyang masira ang kanilang engagement ng kanyang fiancé Habang tumatagal ay unti-unting napapansin ni Chelsea na nahuhulog na ang kanyang loob kay Vander, agad niya iyong ipinagtapat sa binata at sobra siyang nasiyahan nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t isa. Ngunit ang sandaling kasiyahan na iyon ay agad rin napawi, dahil nalaman ng kanyang fiancé na peke lang pala ang kanilang kasal, at sa mismong araw na iyon din ay nalaman ni Chelsea na ginamit lang pala siya ni Vander para sa kanyang sariling interes. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Bibigyan ba ni Chelsea nang pagkakataong magpaliwanag si Vander o makikipag-ayos siya sa kanyang fiancé na si Axel?
Romance
101.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

“You're a bastard CEO! Paano mo ako nagagawang lokohin?" bulyaw ni Natasia sa lalaki. Sarkastikong ngumiti si André. “I don't love you. I just needed you, Natasia. Besides, you're still mine." Mahigit tatlong taon nang nagtatrabaho si Natasia Villa Fuentes bilang Sekretarya ni André Salvatoré; isa sa tanyag na businessman sa industriya. Tiniis niya ang pagtratrabaho sa lalaki kahit pa punong-puno ito ng yabang sa kanyang mga mata. Pero sa kasamaang palad, hindi inaasahan ni Natasia na makaka-one night stand niya ang CEO na walang kaalam-alam sa nangyari. Gagawin niya ang lahat para itago ang sekretong ito sa takot sa lalaki dahil alam niyang ipapapatay siya nito. But suddenly, the CEO offered her a marriage contract! Ano ang magiging papel niya sa buhay ni André Salvatore gayong alam niyang hindi siya kailanman gugustuhin nito? May chance pa ba na mapalambot niya ang nagyeyelong puso nito?
Romance
10505 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10694 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Kiss in the Shadows(Filipino)

Kiss in the Shadows(Filipino)

He kissed her in the shadow. It was mind-blowing, passionate, hot and daring. Ngunit hindi inaasahan ni Miranda na ang lalaking kinaiinisan ay siya palang nakasama niyang nagtampisaw sa kama nang tanggalin na niya ang piring sa kanyang mga mata. It was supposed to be his fiance', Fiore. His three years boyfriend whom she thought she had given her virginity. Instead, she was mistakenly devirginized by his fiance's bestfriend, Xylon Diaz. Kaya ganoon na lang ang galit ni Fiore sa kanya at wala nang kasalan na magaganap. Abot hanggang kailaliman ng lupa ang naging galit niya kay Xylon. Ngunit mapipilitan siyang pakisamahan si Xyle dahil na-stranded sila sa ancient country house na nasa gitna ng kakahuyan. Hanggang naramdaman niyang iba na ang gusto ng katawan niya. Nais pa niyang hagkan siya ni Xyle at maulit ang nangyari sa kanila. Sa pagbabalik ni Fiore, kailangan niyang mamili. Ang lalaking pinangakuan niya ng kanyang puso o ang lalaking ibig ng katawan niya.
Romance
108.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4344454647
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status