フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
Cry for Love

Cry for Love

Parehong natali sa force marriage sina Eya at Jeck dahil sa negosyo ng mga magulang nila. Sa simula palang alam na ni Eya na hindi siya mamahalin ni Jeck dahil may kasintahan itong tinatago kahit pa kasal na sila. Pero kahit ganoon, hindi niya parin napigilan ang mapaibig sa asawa. She can't help but to fall inlove with him over and over again. Minahal niya si Jeck na wala man lang pakialam sa kanya. Ngunit paano kung sa isang gabi na pareho silang lulong sa alak ay may nangyari sa pagitan nila na pareho nilang hindi inaasahan? At ito ay biglang nagbunga? Umasa si Eya na iyon na ang magiging simula upang maging maganda ang pagsasama nila ni Jeck pero mali siya. Nalaman niya na nagfile si Jeck ng divorce para pakasalan na ang totoong mahal nito. Pipiliin niya bang sabihin na nagdadalang tao siya? O papayag siyang tuldukan ang kasalan na hindi nila pinlano para maging masaya ang lalaking mahal niya?
Romance
9.392.6K ビュー完了
読む
本棚に追加
SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

SEDUCING THE CEO FOR MY BESTFRIEND

Arnoldd
Si Candice ay isang ulila. nakapagtapos siya ng nursing dahil sa bestfriend na si Elora, hiniling kasi nito sa kanyang mga magulang na pag-aralin si Candice. pagkatapos ng graduation ay lilipad na sana papuntang US si Elora para doon mag-aral nang medicina, ngunit nagkaraon ito ng malaking problema nang hilingin ng isang mayamang pamilya na si Elora ang maging kabayaran sa malaking utang ng kanyang mga magulang. Hindi gusto ni Elora na ikasal siya sa lalaki kaya nakiusap siya kay Candice na akitin ito. Pumayag si Candice sa kasunduan at huli na ng malaman niya na ang CEO na dapat niyang akitin at ang lalaking kinamumuhian niya ay iisa, ano ang gagawin nya?
Romance
102.0K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Inject Me, Doctor

Inject Me, Doctor

Franciz Xavier Zy
Ayaw na ayaw talaga ni Jastine na maospital dahil sa mga naririnig niyang horror stories dito. Maliban pa rito, takot siya sa karayom simula pa pagkabata. Isa rin ito sa dahilan kung bakit isa pa rin siyang single blessed virgin sa edad na thirty-five. Pero wala na siyang nagawa nang ang parents na niya ang nagpumilit and nagdesisyon na dalhin siya sa hospital dahil pabalik-balik ang lagnat niya. Ngunit, tila nagbago ang ihip ng hangin nang makita niya na ang isang super hot, sexy, and yummy doctor na si Doctor Drei ang siyang nakatokang magmo-monitor sa health condition niya. Bigla na lamang niya nasabi, "Inject me, Doctor."
Romance
103.8K ビュー連載中
読む
本棚に追加
I'm Marrying the Worst

I'm Marrying the Worst

Dalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie ang pagmamahal na nais niya dahil matagal na siyang kasal sa kapatid ko! Ano bang mahirap intindihin doon? Nandito lang naman ako, e. Hinihintay ko siyang ako naman ang makita niya. Pero hanggang kailan ako maghihintay? Mukhang hindi ko na ata maiintay ang pangarap kong 'yon dahil ang sakit sakit na. Kailangan ko nang bumitaw. At mukhang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Romance
1011.6K ビュー完了
読む
本棚に追加
Hiding his Son (Hiding Series #1)

Hiding his Son (Hiding Series #1)

Dahil lamang sa isang halik ay natagpuan na lamang ni Iris ang sarili na ikinasal na siya kay Sebastian Buenavista, ang nag-iisa at susunod sa pagiging Mafia ng pamilyang Buenavista. Noong una ay hindi niya ito matanggap na ikinasal siya sa isang katulad ni Sebastian pero habang tumatagal ay napapaamo na ng binata ang malamig nitong puso at natagpuan na lamang ni Iris ang sarili na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Habang lumalalim ang pagmamahal nila sa isa't-isa ay unti-unti ng lumalabas ang mga sikretong itinago ni Sebastian. Sa oras na malaman niya ito ay handa kaya siyang manatili sa tabi nito hanggang dulo?
Romance
1014.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
HER SUFFER RING

HER SUFFER RING

May gustong-gusto si Calynn na singsing. Subalit isang araw ay binili ito ng isang lalaki para sa nobya nito. Simula niyon ay animo'y heartbroken na si Calynn. Hindi niya matanggap na pag-aari na ng ibang babae ang singsing na inasam-asam niya. Ang hindi niya alam ay muling magkukurus ang landas nila ni Reedz at walang anumang ibinigay na lang nito ang singsing sa kanya dahil ni-reject daw ito ng nobya. Subalit imbes na matuwa ay nakonsensya si Calynn. Hinanap niya si Reedz para ibalik ang singsing. Ang hindi niya inasahan, sa isang iglap, dahil sa singsing ay siya na ang na-engage sa binata, kay Reedz Rovalez na isa palang bilyonaryo. Anyare? At ano pa kaya ang mangyayari oras na siya ay mabuntis?
Romance
1015.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
Romance
1013.7K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Under The Moonlight (Tagalog)

Under The Moonlight (Tagalog)

Death, they say is inevitable. Kung oras mo na, oras mo na. Maayos naman ang takbo ng buhay ni Narisha Blaire kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at may maayos na tinutuluyan. Kung may prinoproblema man, kadalasan ay sa pinansyal na aspeto ngunit nagagawan naman ng paraan. Ngunit may mga bagay na nangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Dumaan ang tila isang malakas na na alon na siyang hahagupit sa buhay nila ng kaniyang kapatid. She almost thought of giving up. Masakit man ang alon na tumama sa kanilang buhay ngunit pinipili niyang bumangon at hindi tuluyang magpalamon sa malakas na hampas nito. But it was all too fast. One day, she was laughing and sharing her happy moments with her friends. One night, she faced the cruelty of her own death under the moonlight.
Romance
7.3K ビュー完了
読む
本棚に追加
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
Romance
175 ビュー連載中
読む
本棚に追加
Office Romance: Who's your Daddy?

Office Romance: Who's your Daddy?

Zenaida Cabrera, isang multimedia journalist mula isang kilalang news website sa bansa. Sa edad na dalawang pu't walo, hindi pa niya nararanasan magkaroon ng kasintahan dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa trabaho at pamilya. Sa takot na mapag-iwanan, sumubok siyang makipag-date ngunit palagi itong nauuwi sa wala dahil sa demanding na boss na walang ibang ginawa kung hindi ang subukin at pahirapan siya. Buong akala ni Zenaida ay hindi na niya mararanasan ang pagkakaroon ng sariling pamilya dahil sa mga responsibilidad na hawak niya, subalit isang araw, nalaman na lamang niya na siya'y nagdadalang tao na at kasamaang palad, hindi niya maalala at makilala kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan niya.
Romance
108.3K ビュー完了
読む
本棚に追加
前へ
1
...
3435363738
...
50
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status